Miguel POV Ilang minuto ang nakalipas ay nakabalik na din sila. Nakabihis na din siya. Pumasok na ulit sila sa loob ng kubo. Habang nakahiga naman ako at pilit na ipinipikit ang mga mata at inaalis ang sarili sa tagpong nakita ko kanina. Hindi ko alam kung paninibugho ba ang nararamdaman ko pero hindi ko gusto ang ginawa nila kanina. "Salamat Anton." Narinig kong sabi ni Lhira sa kanya. Hindi ko alam kung bakit ako nakaramdam ng ganito. Bigla kong naalala ang sinabi niyang hindi niya ako gusto kaya dapat lang siguro na hindi ko ito maramdaman. Ngunit mas lalo akong nagagalit sa kanya dahil sa panloloko niya sa akin nang magpangap siyang Thea at inasahan kong siya talaga ang babaeng ipapakasal sa akin. Ngunit ngayon hindi ko na alam kung ano ba itong nararamdaman ko. "Magpahinga ka n