14

4489 Words
By Michael Juha getmybox@h*********m fb: Michael Juha Full blog: h***:://michaelsshadesofblue.blogspot.com ------------------------------------ At doon na ako tuluyang napahagulgol. Hindi ko kasi akalain na may dahilan pala ang lahat kung bakit ginawa niya iyon. Sinisi ko rin ang sarili kung bakit hindi ko kaagad inalam ang katotohanan at nagpadaig pa ako sa galit. Naimagine ko ang hirap ng kanyang kalagayan. Ang kanyang pagdurusa sa kanyang sakit at sa pagpigil niya sa kanyang kasabikang makita ako. Biglang nanumbalik sa aking ala-ala ang insidente na na nonood kami ng palabas. Kuwento iyon ng mag-asawa na hinarap ang lahat ng mga pagsubok at nanindigan sa kanilang pag-iibigan. Tutol sa pagmamahalan nila ang kanilang mga magulang. PIlit silang inilayo sa isa't-isa. Kinukutya din sila ng mga tao gawa nang laki ng agwat ng kanilang edad dahil mas matanda ang babae ng may halos 20 taon. Sobrang conservative kasi ang society nila, kung kaya kinamumuhian sila ng kani-kanilang mga pamilya at nilo-look down ng mga tao. Kaya napilitan silang manirahan sa bukid, sa lugar na sila lang ang tao. At dahil sa napakahirap akyatin ang lugar na pinagtirikan ng kanilang bahay, gumawa ng hagdanan ang lalaki sa mismong burol. Isa-isa niyang inukit ang hagdanan sa bulubatuhing bundok, hanggang sa umabot ito ng halos isang libong baitang. At hindi lang iyan, ginawa pa niya ang lugar na parang isang paraiso sa ganda. Malinis ang lugar, ni-landscape niya ito, may mga pathwalks at mga trimmed na kahoy, maraming mga bulaklak at ornamental plants... At marami rin silang mga pananim na halaman, prutas, gulay. May mga alagang hayop din sila. Ginawa niya an glahat ng ito dahil sa pagmamahal niya sa babae. Masaya silang nagsama. Ngunit kung gaano sila kasaya, marami rin silang pinagdaanang hirap. Kagaya nang walang koryente, manual ang pag-iigib ng tubig, ang pagluluto, ang paghahanap ng mga gamit sa bahay, ang pag-akyat-baba sa kanilang bundok... Ngunit pinilit nilang lampasan ang lahat. At ang pinakamalaking pagsubok sa kanilang pag-iibigan ay noong dinapuan ng isang matinding karamdaman ang babae, iyong klaseng sakit sa buto na parang napaparalyze sya at hindi makagalaw. Inalagaan siya ng lalaki. Hindi siya iniwan nito. Kinakarga ng lalaki ang babae kapag gusto nitong magpunta ng CR. Pinapaliguan niya ito, binibihisan, sinusubuan sa pagkain. Hanggang sa isang araw, Bigalng inatake ang lalaki. Bumagsak ito sa sahig. May sakit din pala siya ngunit inilihim lang niya ito sa kanyang asawa. Noong nakita ng babae na nakabulagta ang asawa niya sa sahig at hindi na gumalaw, wala siyang nagawa. Dumaloy nang dumaloy na lamang ang kanyang luha habang nakahiga at nakatagilid ang mukhang tiningnan ang wala nang buhay niyang asawa. Iyon bang pakiramdam na gusto niyang tulungan ang mahal niya ngunit wala siyang magawa dahi hindi na rin niya kaya ang sarili niya; iyong feeling na nasa isip na lang ang lahat na gustong gawing pagtulong ngunit hayaan na lang ang lahat kahit masakit sa kalooban dahil wala nang magagawa pa. Maya-maya, pinilit ng babaeng igalaw ang kanyang sarili sa pagkakahiga. Iginulong niya ang kanyang katawan hanggang sa nalaglag siya sa kama. Noong nasa sahig na siya, pinilit uli niyang gumapag palapit sa kanyang asawa. Kitang-kitang sa mukha ng babae ang hirap sa kanyang ginawa. Ngunit nagpumilit pa rin siya. Noong nasa tabi na siya ng kanyang walang buhay na asawa, idinampi niya ang kanyang bibig sa bibig nito at pagkatapos, nawalan na rin siya ng malay. Sobrang naantig ako sa kanilang pagmamahalan at hindi ko namalayang umiiyak na pala ako. Noong tiningnnan ko si Marco, napaiyak rin pala siya. "Kapag ako ang nagkasakit... ilihim ko na lang ito. Ayokong mahirapan ang mahal ko sa pag-aalaga sa akin. Ayokong makitang nagdusa din siya dahil sa akin." Napatingin naman ako sa kanya. "Hindi naman yata fair iyan." Sagot ko. "Kapag mahal ka ng isang tao, mas lalong masaktan siya kapag bigla ka na lang naglaho na hindi man lang niya alam ang lahat." "At least... isang beses lang siyang masaktan." ang sagot niya. Iyon ang hindi ko malimutang sinabi niya. At tinotoo pala talaga niya ito. Walang humpay ang pagdaloy nag aking mga luha. "Pasensya na sa mga nasabi ko sa iyo, pare..." ang sambit sa akin ni Marlou. "Masakit man din sa kalooban kong gawin iyon, wala akong choice; iyon ang utos sa akin ni utol eh. Alam ko kung gaano ka niya kamahal. Walang pagkakataong hindi ikaw ang laman ng aming usapan kapag ganyang nag-uusap kami. Sinabi ko nga sa kanya na sabihin na lang sa iyo ang lahat. Ngunit matigas ang paninindigan niya. Ayaw nga raw niyang makita mo ang kalagayan niya..." "Ok lang, M-Marlou. At least alam ko na ngayon ang katotohanan. At least kahit papaano, naibsan ang nadarama kong sakit sa hindi niya pagpaliwanag kung bakit bigla siyang naglaho. Ang buong akala ko pa nga ay ikaw talaga siya sa f*******:; na siya talaga ang ikinasal" "Oo nga. Sinadya namin iyon upang makita ng aming ama na nagpakasal na talaga ako. Nagtaka nga ako noong nabanggit mo sa akin na kasal na ako, este si Marco pala. Iyon pala, nakita mo sa facebook." "K-kailan daw ang balik nila?" "Kung bubuti na ang kanyang kalagayan ng utol ko. Sana..." ang sagot lang ni Marlou. Iyon ang nalaman ko sa pagpunta ko sa bahay nina Marco. Biglang humupa ang galit ko sa kanya at nangingibabaw ang matinding awa. Lalo akong nahirapan. Natakot ako sa maaring mangyari sa kanya; natakot ako sa maaaring mangyari kay Ian. Lumipas ang isang buwan at ang sabi nina Marlou wala pa rin daw improvement ang kalagayan ni Marco. Tungkol naman kay Prime, wala rin akong nahagilap na balita. Hindi ko kasi alam ang number ng ama ni Prime at hindi ko rin alam kung may number siya sa akin. Naguluhan ako, gabi-gabi sa aking pagtulog ay may takot akong nadarama. Hanggang sa lumipas pa ang pangalawang buwan, mas lalo pa akong nag-alala. Kung may pera lang sana ako sa mga panahong iyon ay pupuntahan ko na ang Amerika, kahit saan mang lupalop ng mundo naroon iyon. Ngunit wala rin akong magagawa. Pakiwari ko ay mababaliw na ako sa kaiisip. Isang gabi habang nakahiga ako sa aking kama, bigla na lang akong nagulantang noong narinig ko ang isang malakas na "ka-blagggg!" Nilingon ko ang pinagmulan ng ingay. Ang litrato pala naming tatlo. Nalaglag ito mula sa kanyang kinalalagyan. Kung nagkataong salamin ang frame nito at hindi nakalaminate, siguradong basag na iyon. Sa pagkakita ko noon sa sahig, biglang lumakas ang kalampag ng aking dibdib na animoy sasabog ito sa tindi ng pagkabog. Ewan, biglang gumapang sa aking kalamnan nag matinding pag-alala at takot. Habang nakalatag sa sahig ang litrato naming iyon at tinitigan ko, tila nakatingin silang dalawa sa akin na parang may ibang ipinahiwatig. Parang may lungkot sa likod ng mga ngiti nila. Hindi ko alam kung sa isip ko lang iyon o iyon ba ay dahil lamang sa biglang pagkahulog ng litrto na wala naman akong nakitang dahilan. Ngunit ang matinding kaba at takot na aking naramdaman sa pagkakataong iyon ay isang bagay na hindi ko rin maipaliwanag. Parang isa itong masamang pangitain. Sabi kasi nila na kapag ang isang mahal mo sa buhay na nasa malayo at nagkataong may nangyaring masama at ikaw ang nasa isip niya, may mensahe ka raw na matatanggap sa pamamagitan ng kung anu-anong hindi pangkaraniwang pangyayari kagaya na lamang ng biglang pagkalaglag ng litrato na walang sanhi, ang pagsulpot ng dugo sa isang lugar na hindi mo maipaliwanag kung saan nanggaling, ang pagpasok bigla ng taong mahal sa iyong utak, ang biglang paghihip ng hangin, o biglang pagkatakot at pangamba... at marami pang iba Nabasa ko rin kasi iyan sa mga kwentong may mga misteryo, ESP, o mga bagay na hindi maipapaliwanag ng syensya. Dali-dali kong kinuha ang litrato at niyakap-yakap. Sa buong magdamag ay hindi ako nakatulog. Kinabukasan, habang nasa restobar ako, bumalik na kasi ako sa pagkanta simula noong nalaman ko ang tunay na kalagayan ni Marco at ang dahilan ng kanyang paglayo, may natanggap akong tawag. Ang papa ni Prime. At may mahalaga siyang balita sa akin. "Ian... may tinawagan akong abugado d'yan upang siyang magproceso sa iyong mga papeles. Ihanda mo ang iyong sarili, pupunta ka ng Amerika sa lalong madaling panahon. Nakausap na rin ng mama ni Prime ang mama mo at pumayag na siyang pumunta ka rito sa ng isang linggo." Naghalo ang aking naramdaman. May tuwa, may pangamba. Tuwa dahil alam kong good news ito sa panig ni Prime. Pangamba dahil hindi ko pa alam ang kalagayan ni Marco. Hindi ako na-excite na makapunta ng Amerika o makasakay ng eroplano. Na-excite ako dahil naalala ko ang binitiwang salita ng papa ni Prime na kapag gumaling na si Prime ay papuntahin niya ako sa Amerika. Ang ibig lang sabihin sa pagtawag niyang iyon sa akin nito ay magaling na si Prime. Ngunit bigla ko ring naalala ang isa pang sinabi niya: ipakasal niya kami ni Prime. "Ito na kaya iyon?" tanong ng isip ko. Bigla rin akong napaisip. "Paano na lang si Marco?" Syempre, si Marco ang boyfriend ko. At sa kalagayan niya, mas kailangan niya ako; mas kailangan niya ang suporta ko... Pagkatapos mai-proseso ang aking mga papeles at ang mga kailangang requirements sa aking pagpunta ng Amerika, naka-alis din ako. Inihatid ako sa airport ng mga ka-tropa namin sa resto bar. Nandoon din ang tita ni Marco na kinuha pa sa akin ang aking telephone number. Makabagbag damdamin din ang tagpong iyon sa airport. Lahat sila ay umiiyak. Lahat sila ay umasa na maging maayos ang takbo ng lahat, at na makauwi si Prime na malakas at maibalik ang dati naming samahan sa resto-bar. Kahit unang pagsakay ko iyon ng eroplano, ngunit tila hindi ko maappreciate ang lahat na mga nakikita at naranasan ko. Para bang hindi mahalaga ang mga tanawing iyon. Parang wala na nga akong naaalala sa karanasan ko sa biyaheng iyon. Ang utak ko ay nakasentro na lamang kay Prime at Marco. Bagamat may tuwa rin akong nadarama dahil alam ko, buhay si Prime dahil sa pagpapatawag na iyon ng kanyang ama sa akin, nasa isip ko rin si Marco; ang kalagayan niya, kung ano na ang nangyari sa kanya. At ang nabuong plano ko ay na sana, kapag bigyan ng pagkakataon, hilingin ko sa papa ni Prime na hanapin si Marco doon; kung saang ospital siya ginamot. Alam kong maintindihan niya ang hiling kong ito dahil kagaya ko, nagmahal din siya ng isang lalaki. Nong nakarating na ako at ang kasama kong abugado na siyang inutusan ng papa ni Prime na tutulong sa mga proseso at sasama sa aking pagbiyahe, sinundo kami sa airport ng isang driver. At ang sabi niya ay dideretso na kami sa bahay nila. Tuwang-tuwa naman ako. Sa isip ko, nakikinita kong nakakalakad na si Prime, nakakausap, naibabalik na ang ngiti sa kanyang mga labi. "Ano na kaya ang hitsura niya? Pumayat kaya siya? Malakas na kaya siya? Nakakatakbo na? O baka may bendahe pa ang kanyang ulo." ang tanong ko sa sarili. Nakakabingi ang kalampag ng aking dibdib habang haplos-haplos ko pa sa aking daliri ang singsing ni Prime lalo na noong natanaw ko na ang bahay ng papa niya. Itinuro kasi iyon sa amin ng drver. Malaki ang compound ng bahay, para siyang isang ancestral na tirahan. Isa itong lumang estraktura na may sariling lawn at garden sa harap. Napakaganda. At lalo pa itong nagpaigting sa tuwa at excitement na nadarama ko sa pag-aanticipate na makita ko si Prime doon. Miss na miss ko na kaya siya. At ang ganda ng lugar. Para bang, hindi ko lang siya makakasama, nasa isang lugar pa kami kung saan, ang buong akala ko ay sa pangarap ko lang mararating. Naalala ko isang araw na nagbabasa kami ng libro sa library at nakakita kami ng mga tanawin sa Amerika. Sabi niya, "Siguro tol... ang sarap puntahan ng Amerika no?" "Oo naman. Kaso... ayaw kong mangarap. Makontento na lang tayo sa paliligo sa Sangkaan." Ang pangalan ng ilog namin at sabay tawa. Ngunit seryoso pa rin siya. "Hindi. Dapat makapunta ako doon. At kapag nakapunta ako sa lugar na iyon, pangako tol... kukunin kita para makasama ko ang best friend ko. Ang sarap kayang mamasyal sa isang magandang lugar na hindi mo pa napuntahan kapag kasama mo ang best friend mo." Ang sagot niya. Naputol ang aking pagbabalik-tanaw noong may biglang sumagi sa aking isip: ang kasalan na sinabi ng papa ni Prime. "Papayag kaya siya?" sa isip ko lang. Kasi ako, bagamat gusto ko rin, siguradong malilito ako kapag itinuloy kasi, nasa mahirap na kalagayan si Marco... Parang hindi ko kayang magpakasal na hindi na-klaro sa amin ang lahat at hindi ko siya nakakausap. At lalo na, hindi ko pa alam ang tunay niyang kalagayan. Nasa ganoon ako ka-excited na mood noong sa pagpasok na pagpasok namin sa lobby ng bahay nagulat ako sa aking nakita: isang puting kabaong ang nasa gitna ng lobby at kumpleto ito sa mga ilaw, mga bulaklak at palamuti, at ang paligid ng lobby na iyon ay tila nababalot sa isang nakakapangilabot na lungkot. Biglang napalitan ng matinding takot ang excitement na aking nadarama. At ang naitanong ko kagad sa papa ni Prime na noon ay sumalubong sa amin ay, "S-sino po ang n-asa loob ng kabaong?" Tinitigan niya ako. Kitang-kita ko sa kanyang mga mata ang matinding lungkot. At kasabay sa paglabas ng sagot niya sa aking tanong ay ang pagbagsak ng kanyang mga luha. "S-si Prime..." Tila biglang gumuho ang aking mundo sa pagkarinig sa kanyang sagot. "Hindiiiiiiiiiiiiiiii!!!!!!!!!! Arrrrrrggggggggghhhhhhhh!" Ang sigaw ko. BIgla akong nanghina. Umikot ang aking paligid, nawalan at ng lakas. At namalayan ko na lang ang pag pagdilim ng lahat. Iyon ang huli kong natandaan. Noong nanumbalik na ang aking malay at bigla kong naalala si Prime, naglupasay na naman ako sa pag-iiyak. Tumayo ako at nagpumilit na tingnan ang loob ng kabaong, nagbakasakaling nagkamali lang sila; na hindi iyon si Prime, o na biniro lamang nila ako. Ngunit kahit saang anggulo ko titingnan, si Prime pa rin ang nakita kong nasa loob nito. Kanyang mukha, kanya ang mga matang nakapikit, kanya ang mga labi, kanya ang ilong, ang lahat ng pagkakakilanlan ay kay Prime... Sinampal-sampal ko ang mukha ko. Sinuntok-suntok ko ang ulo ko, nagbakasakaling nanaginip lamang ako. Ngunit ang mukha pa rin ni Prime ang nasa loob ng kabaong. "Tolllll!!!! Tolllll! Tooooooooooooooooooolllllllllllllllllllllllllllllllllllllllllllllllllll!!!" ang sigaw ko habang niyayakap ang kanyang kabaong. "Bakit mo ako iniwan! Bakit hindi ka man lang nagpaalam sa akin tollll???!!!! Ang sakit-sakit naman!!!!! Bakittttttttttt?????!!!!" ang sigaw ko na parang isang batang naglulundag, nagsisigaw sa pag-iiyak, naglupasay, walang pakialam sa mga taong nasa paligid na nakiramay. Walang pagsidlan ang sakit na aking nadarama. Sinubukan ko ring pagpupuk-pukpukin ng aking kamay ang kanyang kabaong na para bang kapag naaalog ko ito ay maaaring imulat ni Prime ang kanyang mga mata, magising at bumalikwas sa loob ng kabaong. Ngunit walang Prime na nagising. Walang Prime na sumagot sa aking panaghoy. Hindi natinag ang kanyang nakapikit na mga mata at ang kanyang mistulang nakangiting mga labi. Parang gusto kong mamatay na lang din kasama niya. Parang gusto kong damayan na lang din si Prime sa nangyari sa kanya. At sa pangalawang pagkakataon, nagdilim na muli ang aking paligid at nawalan ako ng malay. Noong nanumbalik na naman ang aking malay, hindi muna nila ako pinayagang makalapit sa kabaong. "Bakit niyo po ako pinapunta rito? Ang sabi niyo po ay ipapatawag ninyo ako kung magaling na siya at ipakasal ninyo kami! Bakit po ganito??? Ang sakit naman po!!!" ang paninisi ko sa ama ni Prime. "Ian... pagpasensyahan mo na. Wala akong choice. Ayaw ko sanang papuntahin ka rito dahil alam ko, masakit na masakit ito para sa iyo. Ang plano ko sana ay hintayin mo na lang ang pagdating ng mga labi ni ni Prime sa Pilipinas. ngunit palagay ko ay gusto ni Prime na nasa tabi ka niya. Noong unang araw niya dito sa ospital sa Amerika, narinig kong may lumabas na salita sa kanyang bibig, bagamat mahina lamang ito at halos hindi nabuo ngunit klarong nahagip ng aking tainga ang salitang pilit niyang bigkasin: at pangalan mo ito. Sabi niya, 'I-ian...' iyan ang narinig ko. At sumagi sa isip ko na hinanap ka niya, walang duda. Akala ko ay bubuti na ang kanyang kalagayan dahil doon. Iyon pala marahil ay isa na lamang pamamaalam. May mga kaso rin kasing ganyan sabi nila; ang biglang bubuti ang kalagayan ng isang pasyente ngunit parang pamamaalam na lamang pala ito. Pati nga ang mga duktor niya ay nagtaka kung paanong nakapagbigkas pa si Prime ng salita gayong napakatindin ng pinsala ng kanyang utak. Ngunit iyon na pala ang pamamaalam niya. Simula noon, lumala nang lumala pa ang kanyang kalagayan hanggang idineklara na siya ng mga duktor na isang brain dead. Kaya naisip ko na marahil ay iyon ay pahiwatig na kailangang nasa tabi ka niya. Kaya pinapunta na kita. Alam ko, matutuwa siya..." Lalo naman akong naawa kay Prime, sumagi sa isip na hanggang sa huling sandali ng kanyang buhay ay ako pa rin ang laman ng kanyang isip. Napaisip tuloy ako na baka iyon ang araw at oras kung saan nalaglag ang litrato namin sa dingding ng aking kuwarto. Sa buong araw na iyon, wala akong ginawa kundi ang mag-iiyak. Sobrang hirap ng aking damdamin sa nangyari. Ang papa ni Prime, ang mama niya, pinayuhan nila akong tanggapin ng maluwag sa kalooban ang lahat. "Masakit na wala na siya ngunit marahil ay may dahilan kung bakit niya tayo iniwan ng mas maaga. Masakit sa isang ina ang mawalan ng katuwang, Ian... pero wala akong magagawa" ang sabi sa akin ng mama ni Prime. At doon na ako nahimasmasan. Tama siya, kung siya na isang ina, ang nawala ay isang taong nanggaling sa kanyang dugo at laman at nag-iisang katuwang pa niya sa buhay ay nakayang tanggapin ang lahat, mas kakayanin ko rin ito. "Ian, maghanda ka. Mamayang gabi ay may gagawin tayong eulogy at kung may sasabihin ka tungkol kay Prime, paghandaan mo." "A-ano po iyong eulogy?" ang tanong ko. "Ito ay parang isang programa para patotohanan ang mga nagawa ni Prime sa mga taong mahal niya o mga taong naging bahagi ng kanyang buhay. Dito maaari mong ibahagi ang mga bagay na napansin mo sa kanya, mga bagay na hinangaan mo, o nakapagbigay sa iyo ng inspirasyon, o kahit iyong mga normal na bagay na palagi ninyong ginagawa na ma-miss mo sa kanya..." "Pero bakit po may Eulogy pa dito? Dito ba siya ililibing?" "Sa Pilipinas. Pero gusto ko lang na may eulogy siya rito at may blessing na rin. Gusto kong kahit huli na ang lahat, may magagawa akong makapagbigay sa kanya ng saya..." "G-ganoon po ba? S-sige po." Ang sagot ko. Hindi ko na lang inalam kung ano ang sinasabi niyang makapagbigay ng saya kay Prime. Naisip ko kasi na personal na nila iyon bilang mag-ama. "Oo nga pala, darating din mamaya ang taong nakatanggap sa puso ni Prime. Idinonate kasi ang puso niya sa isang pasyente na nangangailangan din." Dugtong niya. Mistula namang tinamaan ng isang matigas na bagay ang aking ulo sa narinig. "D-donor ng puso si Prime?" Tumango siya. "A-akala ko po ba ay may sakit siya sa puso? Kasi kapag may sumpong siya, nahihirapan po siyang huminga." "Wala siyang sakit sa puso. Malusog ang puso niya. Ang seizure niya ay isang klaseng allergy lamang kung saan ang baga niya ang nahihirapang huminga." "G-ganoon po ba? Eh, s-sino po ang nagdesisyon na idonate ang puso niya?" "Kami ng mama niya. May mga pagkakataon daw na nakapagbitiw ng salita si Prime na gusto nitong magkaroon ng isang 'donate-my-organ card'. May mga grupo yatang nagpapalaganap nito. Kapag mayroon kang card na ito at naaksidente ka, ito ang katibayan na willing kang ibigany ang kahit na anong organ ng katawan mong mapapakinabangan pa upang magamit ito sa sino mang nangangailangan. Ikaw, hindi mo ba narinig si Ian na nagsabing gusto niyang i-donate ang ano mang organ niya kapag nasadlak siya sa isang sakuna at hinid na mabubuhay?" "M-mayroon po. Actually, sinabi rin niya sa akin ang tungkol sa card. Kaso, hindi namin alam kung paano makakuha nito..." "Kung ganoon, tama pala ang desisyon namin?" "Opo... iyan po ang pangarap niya. Gusto niya pong may matulungan siyang buhay." Tahimik. "P-paano po nila nalaman may nangangailangan sa puso ni Prime?" "Nagtatawagan ang mga ospital... at sa tawag na iyon ay, by coincidence, declared brain dead na si Prime at oras nalang ang binibilang. Kung kaya pumirma ang ina ni Prime ng waiver na tangalin na lang ang lahat ng mga life support niya upang hindi na siya mahirapan at i-donate ang kanyang puso sa nangangailangan. At nagkataong compatible naman daw ang lahat ng requirements kung kaya itinuloy ang pagdonate." "Kilala niyo po ba kung sino ang recipient ng puso niya?" "Hindi na namin inalam. Ngunit ibinigay namin ang address at pangalan ko, bilang legal na ama ni Prime upang kung sakaling dadalaw man sila at magpakilala, maaari nilang mapuntahan ang bahay ko. Tamang-tama, masaksihan nila ang eulogy ni Prime." Kahit papano, may tuwa rin akong nadarama kasi, parang nagkatotoo ang sinabi ni Prime, isang beses na nag-usap kami tungkol sa kamatayan at nagalit pa nga ako sa kanya dahil ayokong makarinig ng mga kuwntuhang patay. Natatakot kasi ako. Atsaka, ambabata pa namin upang mag-isip ng mga habilin. Ang sabi niya, "Gusto kong maging makabuluhan ang buhay ko. Iyon bang kahit wala na ako sa mundo ay may maiiwan akong alaala..." Gabi ng nakatakdang eulogy ni Prime. Bagamat ako, ang mama niya at ang papa niya lang ang nakatakdang magsalita, gusto ng papa ni Prime na magsalita rin ang pamilyang nakatanggap ng puso ni Prime. May dulot din itong kaunting excitement. Kasi, makikita ko ang taong natulungan niya. At ang narinig ko pa ay mabilis daw ang pag-recover ng taong nakatanggap sa puso ni Prime. Nakakatayo na raw ito, nakakapaglakad ng kaunti,nakapagsasalita. At ang narinig ko pa ay darating din daw ito sa eulogy. Nasabi ko tuloy sa aking sarili na kaibiganin ko rin siya para lagi kong makikita ang buhay na ala-ala ng aking kaibigan. Kahit bata pa siya o matanda man, ok lang sa akin. "Pero syampre, Amerikano iyon kung kaya baka mahirapan akong makipag-usap. Pero kahit sa f*******: ko na lang siya magiging kaibigan, OK lang." Sa isip ko lang. Maya-maya, sinabi na sa akin ng papa ni Prime na nasa may gate na raw ang mga nasabing bisita. Syempre, nakakondisyon na ang utak kong mga Amerikano ang darating. Ngunit laking gulat ko noong ang unang nakita kong mukha ay sa isang Pinoy na nasa may 40 o mahigit ang edad. Sinalubong siya ng papa ni Prime. Nakita kong nagkamayan sila. Parang biglang may kumalampag sa aking dibdib sa pagkakita sa bisitang iyon. Hindi ko lang mawari kung ano iyon at bakit. Eksakto namang paglabas ng mama ni Prime mula sa CR at sinalubong ang bisita. Noong nagkatinginan sila, doon na lalong lumakas ang kabog ng aking dibdib. Biglang tumalikod ang ina ni Prime. Nag-walk out baga at nag-iiyak na tinungo ang holding room. Nalito ako sa inasal ng mama ni Prime. At kitang-kita ko rin sa mga mata ng bisita ang matinding pagkagulat. Dahil sa hindi ko mawaring pagkabog ng aking dibdib, agad kong tinumbok ang main door. Para kasing hindi ang taong iyon ang nakatanggap sa puso ni Prime. Nasa mahigit kuwarenta na ang edad niya at sa kilos niya ay hindi siya iyong taong kagagaling pa lamang sa isang maselan na operasyon. Noong nasa main door na ako, sinilip ko ang labas nito. At hindi nga ako nagkamali. Nakita ko ang naka-wheelchair na lalaking tulak-tulak pa ng isang Pinoy na nurse. Nakasuot siya ng puting t-shirt na may stripes na green sa blikat, at ang kanyang pantalon ay kulay khaki. Sa kilos niya ay halatang mahina pa ang kanyang katawan. May pagaka-payat siya, halatang nanggaling talaga sa matagal-tagal at matinding karamdaman. Sigurado ako; siya nga ang taong nakatanggap sa puso ni Prime. Bigla akong nalungkot noong sumagi na naman sa aking isip si Prime. Ngunit noong itinutok ko ang aking tingin sa mukha ng lalaki, doon na ako nagsisigaw. Ang taong nakasakay sa wheel chair ay si... "Burrrjjjjjjjjjjjjjjjjj!!!!! Burrrjjjjjjjjjjjjjjjjj!!!!! Burrrjjjjjjjjjjjjjjjjj!!!!! Burrrjjjjjjjjjjjjjjjjj!!!!! Burrrjjjjjjjjjjjjjjjjj!!!!!" ang sigaw ko. Hindi ako magkamayaw sa pagtatalon na tumakbo sa kinaroroonan niya at noong nasa harap ko na siya, yumuko ako at niyakap siya. "Si Prime... Si Prime burj, si Prime! Wala na siya!!!!" ang sambit ko. Tumingin sa akin ang mga taong nakiramay at ang ibang nasa loob ng lobby ay lumabas pa talaga upang tingnan kung bakit ako nagsisigaw. Tila natulala naman si Marco sa narinig. Hindi pala niya alam ang nangyaring aksidente kay Prime. "S-siya ang may-ari ng puso ko ngayon???" tanong niya. "Oo burj... siya. Siya. Puso niya ang ibinigay niya sa iyo!" At nakita ko na lang ang pagpatak ng mga luha ni Marco. Alam ko, naawa siya sa nangyari sa kanyang kaibigan. Hindi ko lubos maipaliwanag ang aking naramdaman. Matinding lungkot dahil sa pagpanaw ni Prime ngunit may tuwa rin akong naramdaman dahil sa nakitang ligtas na sa kapahamakan si Marco. "Kumusta ka na burj? Sabik na sabik na ako sa iyo..." sambit ko. "Miss na miss na rin kita" ang sagot niyang hawak-hawak pa niya ng mahigpit ang aking kamay na tila ayaw niya akong lumayo at pakawalan. Gusto ko pa sanang ituloy ang pakikipagkuwentuhan sa kanya ngunit dahil nasa labas kami ng bahay at kailangan na rin niyang matingnan ang bangkay ni Prime kung kaya tumayo na ako at ako na mismo ang humawak at tumulak sa wheel chair niya. Noong nasa harap na siya ng kabaon ni Prime, tumayo siya upang silipin si Prime. At doon na rin siya napahagulgol. Dali-daling pinaupo siya ng nurse sa wheel chair. "Sir, nakakasama po sa inyo ang sobrang lungkot..." "Tayo na burj... doon tayo sa gilid. Magkuwentuhan na lang tayo doon." Ang pagsingit ko rin upang kahit papaano ay maaliw siya. Tumalima naman siya. Umupo siya sa wheel chair atsaka itinulak ito ng nurse palayo sa kabaong. Nasa isang gilid na kami ng lobby noong narinig naman namin ang sigaw ng mama ni Prime na nag-iiyak sa loob ng holding room. "Anak mo rin si Prime!!! Anak mo rin siyaaaaaaa!!! Huhuhuhuhu!" Bigla kaming natahimik. Nagkatinginan kami ni Marco. Ang mga tining namin ay may bahid pagtatanong. Dali-dali kaming pumasok sa loob ng holding room. At doon nakita ko ang papa ni Prime, ang mama niya at ang papa ni Marco na niyayakap at sinu-suyo-suyo ang mama ni Prime. Para bang isang eksena ito ng teleserye kung saan ang dalawang parteng may hidwaan o hindi pagkakaintindihan ay nakapag-usap sa wakas at bagamat may mga nangyaring sisihan ngunit sa bandang huli ay may mga katotohanang lumantad na siyang dahilan upang maliwanagan ang lahat. "Patawarin mo na ako Kristina... Hindi ko alam. Hindi ko alam." Mistula kaming napako ni Marco sa aming kinaroroonan. "Burj... kapatid mo si Prime??? Magkapatid kayo!" Sambit ko sabay yakap sa kanya. (Itutuloy)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD