5

5000 Words
By Michael Juha getmybox@h*********m fb: Michael Juha Full blog: http://michaelsshadesofblue.blogspot.com ------------------------------------ Dahil hindi ko nakayanang pagmasdan siya habang kumakanta, tinungo ko ang likurang bahagi ng resto-bar kung saan naroon ang terrace na nakaharap sa dagat. Sumampa ako sa barandilya nito. Doon ko pinakinggan ang bawat katagang mensahe ng kanyang kanta. Doon hinayaan kong ipalabas ang sakit na aking kinimkim. Habang pinakinggan ko an gkanyang kanta, di ko maiwasang hindi manariwa sa aking isip ang aming nakaraan. Ang pagiging malapit namin sa isa't-isa. Ang mga harutan, biruan, samahan, mga lakwatsa, mga kilig moments ko sa kanya... lahat ng mga masasayang al-ala. Binitiwan ko ang isang malalim na buntong-hininga. Hindi ko namalayang pumatak na pala ang aking mga luha. Hinayaan ko ang mga itong malaglag sa dagat. Lihim akong umiyak. Noong natapos na siya, dali-dali kong pinahid ang aking mga luha at agad na pumunta sa platform at ibinulong ko ang aking kakantahin sa aming lead guitar. Noong nagsimula na ang introduction ng kanta, nakita kong nakabalik na si Prime sa kanyang mesa. Habang inihanda ko na ang sarili sa pagkanta, lumapit naman si Marco sa akin, iyong pasimpleng habang nagigitara siya, guitarist din kasi siya, lumapit sa akin sa gitna ng platform at bumulong ng, "Putsa may nangyayari ba dito na hindi ko alam? Hindi natin prinaktis tong letsugas na kanta na to ah! Bakit paiba-iba ang mga kinakanta mo ngayon? Anong meron?" sambit niya. Ngunit hindi ko siya pinansin at nagsalita na lang ako ng, "Sa buhay ng tao, change is inevitable. Minsan ay may dulot itong sakit at hindi natin kayang intindihin kung bakit nangyayari bagamat may dulot din ito sa atin na opportunity; to face a new life, new love, new learning experience. Kaya, let's embrace change, no matter how hard, no matter how painful. My next song is about why things must change... especially, love. 'Will Of The Wind' This song is for all of you us, guys... Keep your sails ready!" Ang introduction ko – I spent half my life Looking at the reasons things must change. And half my life trying to make them stay the same. But love would fade like summer into fall; All that I could see was a mystery, It made no sense at all. Chorus: The will of the wind, you feel it and then, It will pass you blowing steady. It comes and it goes, and God only knows, You must keep your sails on ready. So when it begins, get all that you can; You must befriend the will of the wind. I spent so many hours Just thinkin' 'bout the way things might have been. And so many hours trying to bring the good times back again. And so it goes for lonely hearted fools; They let their days slip away, Until they give into... Noong natapos na akong kumanta, nilapitan uli ako ni Marco at binulungan. "Partner... parang may something, something ka d'yan ah. Pa-share naman. Kanina, nakita kitang umiiyak, ngayon naman, may pa-change-change ka at may... ano daw? Love??? Araykopo!!!" sabay tawa, nang-aasar. Hindi ko alam kung nasabi niya iyon dahil natamaan din siya. Pati kaya siya ay nasa stage na ni-nurture pa ang sugat ng paghihiwalay nila ng girlfriend niya. At nakita rin pala niya ang aking pag-iyak sa may terrace ng resto-bar! Siguro ay pinakiramdaman talaga niya ako. "Wala ah. Char.com lang iyon!" Ang pagdeny ko pa. "O sya... dahil iba ang kinanta mo, at di ko alam kung bakit, iba na rin ang kakantahin ko" at lumapit sa aming lead guitarist at may ibinulong. At bago kumanta ay may sinabi pang, "Ito ay para sa isang 'mahal' na kaibigan na kapag nalulungkot siya, ang hindi niya alam, ay nalulungkot din ang puso ko..." sabay lingon sa akin at kinindatan pa ako. Hindi ako sigurado kung para nga sa akin nga iyong kanta o kinindatan lang ba niya ako dahil may ipinahiwatig siya. Ngunit noong nagsimula na siyang kumanta, para akong mangiyak-ngiyak. Kaibigan, tila yata matamlay ang iyong pakiramdam, At ang ulo mo sa kaiisip, ay tila naguguluhan, Kung ang problema o suliranin, ay lagi mong didibdibin Ay tatanda kang bigla, pag tumulo ang luha Hahaba ang iyong mukha, at ikaw ang siyang kawawa Iniwanan ka ng minahal mo sa buhay, at nabigla, sinamba mo siya Binigyan mo ng lahat at biglang nawala, Ang buhay mong alalahanin, at wag naman maging maramdamin At tatanda kang bigla, pag tumulo ang luha Hahaba ang iyong mukha, at ikaw ang siyang kawawa [refrain] Kasama mo ako, at kasama rin kita Sa hirap at ginhawa, ako'y kagabay mo At may dalang pagasa, limutin siya, limutin siya Marami, marami pang iba Kaibigan, kalimutan mo nalanag ang nakalipas Kung nasilaw siya, napasama sa lahat at biglang nawala Marami pang malalapitan, mababait at di naman pihikan At tatanda kang bigla, pag tumulo ang 'yong luha Hahaba ang iyong mukha, at ikaw ang siyang kawawa [repeat refrain] Kaibigan, kalimutan mo nalanag ang nakalipas Kung nasilaw siya, napasama sa lahat at biglang nawala Marami pang malalapitan, mababait at di naman pihikan At tatanda kang bigla, pag tumulo ang 'yong luha Hahaba ang iyong mukha, at ikaw ang siyang kawawa Hindi pa niya natapos kantahin ang unang paragraph ng kanyang kanta noong nasipan kong lapitan siya. Dala-dala ang isang mikropono, dinuet namin ang kanyang kanta. Hindi ko napigilan ang sariling hindi mapaiyak sa kanta, lalo na sa lirikong ito, "Kasama mo ako, at kasama rin kita, sa hirap at ginhawa, ako'y kagabay mo, at may dalang pagasa, limutin siya, limutin siya, marami, marami pang iba..." na habang kinanta niya ito ay nakatitig pa siya sa akin, hawak-hawak ang aking kamay na parang galing talaga sa kaibuturan ng kanyang puso ang lumabas na mga salita na kanyangbinitiwan at para sa akin ang mga ito. Ipinagpatuloy ko pa rin ang aking pagsecond voice sa kanta niya bagamat umaagos ang mga luha ko sa aking pisngi. Lihim ko itong pinahid. Sa loob-loob ko lang, para rin akong nagmamaktol. "Ano ba ito? Hindi ko mapigilan ang hindi kiligin sa mokong na ito? Tinutukso ba ako nito?" Kahit saan, kahit kailan kasi, hindi niya ako pinapabayaan, hindi tinatantanan ng mga nakakakilig na pakulo. "Sana siya na lang ang mahal ko... At sana, may naramdamn din siya sa akin." Sinulyapan ko si Prime. Nakayuko siyang parang malalim ang iniisip, ang isang daliri ay iginuri-guri pa sa bibig ng baso ng kanyang beer. Para bang isang taong nasaktan at ayaw tumingin sa eksenang nakakapagdulot ng ibayong sakit sa sa kanyang puso. Parang may naghilahan sa loob ng aking isip. May galit pa rin ako kay Prime ngunit may awa akong nadarama sa kanya. At nakapadesisyon na akong kitilin sa aking puso kung ano man ang aking naramdaman para sa kanya, bagamat sobrang nahirapan ako. Sa kabilang banda, nand'yan si Marco. Sobrang sweet at inaalagaan ako na parang isang bunsong kapatid kung hindi man isang tunay na kasintahan bagamat hindi ko alam ang kanyang tunay na pagkatao; tanggapin ba niya ako kapag malaman niyang isa akong bakla; o kaya rin ba niyang mahalin ang isang taong katulad ko; o baka itakwil din na katulad nang ginawa sa akin ni Prime... Litong-lito ang aking isip... Hanggang sa natapos na ang aming kanta ni Marco at sumigaw na naman ang audience ng, "Kiss! Kiss! Kiss!" Simula kasi noong insedente ng variety show na kiniss niya ako sa pisngi, ganoon na ang sigaw ng audience kapag nagdu-duet kami sa resto-bar at kinikilig sila sa aming kanta. At pinagbibigyan naman ni Marco sila. At kapag ganooong kiniss ako sa pisngi, magpa-fanfare ang banda, itataas ko ang dalawang kamay ko at iindak. Sasayaw na rin ang audience. Iyon ang naging parang signature act namin ni Marco kapag nagduet kami o nagpi-perform. Kumbaga, kami lang ang may ganyan. Sisigaw kaagad ang audience ng "Kiss! Kiss! Kiss!" pagkatapos ng aming kanta. Sumulyap ako sa kinaroroonan ni Prime noong kiniss ako ni Marco. Nakayuko pa rin siyang iginuri-guri ang daliri sa baso. Pakiramdama ko, nasaktan siya. Ayaw lang siguro niyang tanggapin na si Marco na ang kadikit ko, at naa-identify ng mga taong kapartner ko. Simula ng gabing iyon, hindi na ako makatulog. Pumapasok sa isip ko so Prime, pumapasok din si Marco. Naawa ako kay Prime, kinikilig naman ako kay Marco. Nasaktan na ako kay Prime noong nalaman niya ang pagkatao ko; samantalang hindi ko pa alam kung ganoon din ang magiging reaksyon ni Marco kapag nalaman niya ang aking lihim... "Ayoko nang masaktan pa..." bulong ko sa sarili. Kinabukasan, nasa plaza kami ni Marco. Linggo kasi iyon at namasyal kami doon. Nakaupo kami sa isang sementong upuan, nakaharap sa dagat, kumakain kami ng pop-corn. Nature trip. Habang nasa ganoon kaming pag-eenjoy sa tanawin, ganda ng paligid at sarap ng simoy ng hangin, may biglang tumawag mula sa aming likuran ng, "Tol..." Kilala ko ang boses na iyon. Nilingon ko. Si Prime. "Kumusta pare!" ang sambit agad ni Marco sa kanya noong nakita niya si Prime. "Ok lang pare. P-puwede ba kaming mag-usap ni Ian?" Tiningnan ako ni Marco. At dahil hindi ako kumibo, sinagot niya ito ng, "Oh, sure... sige dito lang ako sa may see-saw ha?" tukoy niya sa laruang nasa hindi kalayuan. Wala na akong nagawa kundi ang hayaan si Prime na umupo sa aking tabi. Kinabahan ako. Ewan. Feeling ko ay isang babae akong sinusuyo ng isang manliligaw. At ayoko. Ayokong i-etsapuwera si Marco nang dahil sa kanya. Bagamat hindi ko maitatwa na may naramdaman pa rin ako sa kanya, sariwa pa ang sugat na ginawa niya sa aking puso at ayoko nang lumago muli ang pagmamahal ko sa kanya. Gusto ko ay si Marco na lang ang lalaking iibigan ko. Sa piling ni Marco, masaya ako. At may naramdaman na rin ako sa para kanya. "Kumusta na ang best friend ko?" sambit ni Prime. "H-heto ok naman." Ang sambit ko ngunit sa aking utak ay gusto ko nang umalis siya upang tahimik kaming dalawa ni Marco na ipagpatuloy ang aming bonding. "Mukha ngang masaya ka sa kanya. Pero, hindi pa rin ako naniniwalang boyfriend mo siya eh." "Kung mapatunayan kong boyfriend ko nga siya, anong gagawin mo?" "Maniwala na ako. At maaaring dumestansya na ako sa inyo. Hindi kagaya ngayong ginambala ko pa talaga kayo sa inyong pag-eenjoy." At doon na ako na-challenge. Naalala ko ang sinabi niyang pruweba na ipakita ko upang maniwala siyang magkasintahan nga kami ni Marco. "Iyan lang ba ang gusto mo? Sige ipakita ko ang pruweba." At nilingon ko si Marko na nakaupo sa see-saw na nag-isa. Tinawag ko. "Marco!!!" Nilingon ako ni Marco. Itinuro ang sarili at tiningnan kung may tao sa kanyang likod. Marahil ay hindi niya narinig ang aking pagtawag. "Oo, ikaw! Halika!" Lumapit si Marco na tila nagtaka kung bakit isinali ko siya sa amin. Pinaupo ko sa kaharap na upuang sementong inuupuan namin ni Prime. Noong nakaupo na si Marco, lumipat naman ako ng upuan at tumabi sa pagkakaupo kay Marko, kaharap namin si Prime. Ginawa ko iyon upang makikita niya ang pruweba. "Bakit? Ang tanong ni Marco." na bakas pa rin sa kanyang mga mata ang pagkalito kung bakit ko siya pinatawag. Hindi ko na sinagot ang tanong niya. Bigla ko siyang niyakap at idinampi ang aking bibig sa kanyang mga labi. Kitang-kita ko sa mga mata ni Marco ang matinding pagkagulat. "Uhummpppppp!" ang boses na lumabas sa kanyang bibig noong pilit ko itong hinalikan. Gulat na gulat si Marco sa biglang paglapat ng aking mga labi sa bibig niya. Napahawak ang kanyang mga kamay sa aking beywang at bahagyang itinulak ako. Ngunit hindi ko ito alintana. Hindi ko alintana ang nakatingin sa aming si Prime. Wala rin akong pakialam kung may mga taong nakatingin. Itinuloy ko pa rin ang pagyakap at paghalik sa kanya. Noong una ay hindi niya pinayagan ang aking dila na makapasok sa kanyang bibig. Nakuntento na lamang ako sa pagsisipsip sa kanyang mga labi bagamat pilit ko pa ring ibinundol-bundol ang aking dila sa harapan ng kanyang nakalock na mga ngipin. Ngunit wala pang 10 seconds at naramdaman ko na lang na ibinuka rin niya ang kanyang bibig. Nakapasok ang aking dila sa loob ng kanyang bibig! At halos kasabay rin noon, humigpit ang paghawak ng kanyang kamay sa aking beywang, bagamat hinayaan lang niya ako sa aking ginawa. Inilaro-laro ko ang aking dila sa loob ng kanyang bibig, ikiskis ko ito sa kanyang dila, sa kanyang gilagid, sa kanyang ngipin. Ang sarap niyang halikan. Mabango at presko ang kanyang bibig at walang amoy ang kanyang laway. Kung binudburan lang iyon ng asukal na brown, marahil ay malalasap ko ang lasa ng isang caramel syrup na gawa sa kanyang laway. Pakiwari ko ay may kuryenteng dumaloy sa aking katawan sa pagpaubaya niya sa aking ginawa. Nag-init ang aking katawan at marahil ay kung kaming dalawa lang ang nandoon, baka tuluyan na rin siyang bumigay at baka siya na ang mag-initiate ng mas mahigit pa kaysa halikan. Lalo ko pang pinag-igihan pa ang paghalik sa kanya. Wala na siyang nagawa kundi ang umungol at higpitan ang pagyakap sa akin. Para siyang isang batang kinalikot ng dentista ang ngipin at wala na siyang magawa pa kundi ang ipaubaya sa dentista ang lahat, ibuka ang bibig, at humawak nang mahigpit sa braso ng kanyang inay. Alam ko, nagtatanong ang kanyangisip kung bakit ko ginawa iyon. Pero wala akong pakialam. Marahil ay may 30 seconds ko siyang hinalikan. Pagkatapos noon ay kumalas na rin ako. Tiningnan ko ang kanyang mukha noong kumalas na ako. Kung gaano ito kagulat noong nagdampi ang aming mga labi ay siya ring pagkagulat niya noong kumalas na ako. Nanlaki ang kanyang mata. Puno ng kalituhan. Pagkatapos, hinawakan ko ang kanyang kamay sabay sabing, "Tara na?" "S-saan?" ang gulat niyang tanong. "Sa restobar. Di ba may practice pa tayo?" ang sabi ko. Walking distance lang naman kasi ang restobar nila. "Ah... s-sige, sige." Ang pagsang-ayon din niya. Ang totoo, wala naman kaming usapan na magparactice kami. "Pare... mauna na kami sa iyo ha?" Tumango lang si Prime. Iniwanan namin si Prime na nakaupo lang doon na parang tanga, nag-iisa at ewan... baka nasaktan. Iyon naman din talaga ang gusto ko, ang masaktan siya. Kasi, kahit pa makikipagbalikan ako sa pagiging close sa kanya, babalik na naman ako sa dati na pagpapantasyahan ko siya. Wala naman siyang romantikong pagmamahal sa akin, purong pakikipagkaibigan lang. At kahit hindi kami close, ok lang, para talaga hindi na ako ma-inlove pa sa kanya. Ang hirap kaya ng kalagayan ko noon. At mag-effort kunyari siya upang maging close na magkaibigan kami, at pagkatapos, iyon na lang? Hahayaan na naman niyang matukso ako at iyon... magagalit na naman siya at itakwil ako. Ayoko na. Tama na ang ganoong nasa malayo siya at hindi ko palaging nararamdaman. Habang naglalakad kami ni Marco palayo kay Prime, nakahawak pa ako sa kanyang braso. Ngunit noong lumiko na kami ng isang kanto, binitiwan ko na ang kanyang kamay. Hinayaan lang din niya ako. Hindi kami nag-uusap. Hindi siya nagtatanong. Hindi ko alam kung ano ang nasa isip niya. Ako man ay kinabahan na hindi ko mawari. Parang obvious na kasi na parang ginamit ko lang siya. Syempre kung ikaw si Marco, di ba magtanong ka ng, "Ano bang nakain nito at bigla akong hinalikan sa bibig? At sa harap pa ng 'best friend' niya?" at lalo na, hindi naman ako nagparamdam na bakla ako. Hindi ako naglalantad sa kanya at ang alam niya ay lalaki talaga ako. Ewan kung char.com lang din na nagmaang-maangan lang syang hindi niya alam. Noong binitiwan ko na ang kamay niya, tiningnan niya ako. Ngumiti. Ngunit ang tingin niya ay parang nagtatanong. Napansin ko ito kung kaya ay tiningnan ko rin siya. Noong patuloy pa rin niya akong tinitigan, tinanong ko na, "Bakit?" at ako pa talaga ang may malakas ang loob na magtanong kung bakit. "Ngunit imbes na sagutin niya ako, bigla ba namang pinisil ang aking pisngi sabay sabing, "Kuleeeetttttt!" atsaka umakbay na sa akin, iyong mahigpit na akbay, nangigigil na halos sasakalin ka na sa sobrang higpit. Feeling ko ay masaya siya. Iyong normal niyang kasayahan, hindi siya galit sa aking ginawa. Siguro ay sobrang bait lang talaga ni Marco na hindi niya ako magawang pagalitan o bulyawan. Siguro ay tiniis lang niya sa sarili niya kung ano ang drama ko kung bakit ganoon ang inasta ko. "Nakaka-in love talaga ang kabaitan niya, ang ka-sweetan niya!" sa isip ko lang. At iyon naman talag agn gusto ko eh; ang ma-in love sa kanya upang tuluyan ko nang malimutan si Prime. Noong nakarating na kami sa resto bar, doon na namin ipinagpatuloy ang aming bonding. Ipinareserve niya ang mesa na nasa terrace ng restobar, nakaharap sa dagat. At dahil alas 6 na iyon ng hapon, napakaganda ng ambiance. Malamig at presko an gsimoy ng hangin na galing sa dagat, madilim-dilim na ang langit ay may bahid pulang mga ulap, maaliwalas ang dagat. Dagdagan pa ng inordern niyang tig dadalwang malalamig na beer at walong sticks ng barbecue at isang bowl na isaw... Ang sarap. "Bakit mo ako hinalikan kanina?" ang kalmante niyang pagbukas sa topic habang nakatuon ang mga mata sa isinawsaw na isaw sa patis at sukang may sili atsaka isinubo ito at nginuya. "Bakit? Hindi mo ba nagustuhan?" ang pabalang kong tanong sabay din kuha sa bote ng beer, nilinis ang bibig nito sa aking daliri atsaka tinungga, hindi na ginamit ang basong nasa aming mesa. "Ok lang..." sagot niya habang kinuha na rin niya ang kanyang beer at sinabayan ako sa pag-inum. "Pero bakit mo nga ako hinalikan?" "Ayoko nang pag-usapan iyon eh! Saka na, sasabihin ko sa iyo." "Gusto ko ngayon mo na sabihin sa akin" ang seryoso na niyang sabi, ang mga mata ay nakatutok sa aking mga mata. "Puwede ba please. Ayoko kasi..." "Kasi ano? Sabihin mo na kasi. Wala ka bang tiwala sa akin? Ayaw mo ba akong maging ka-partner? Ayaw mo akong maging best friend?" "E..." ang nasambit ko na lang. "Saka na lang kasi..." "Sige, kay pareng Prime na lang ako magtata--" "Huwag!" ang mabilis ko ring pagsingit, natakot na baka tuluyan nang mabuking ang aking itinatago. "O e di, sabihin mo na. Makikinig ako." Tinitigan ko siya. Iyon bang titig na nagtatanong kung talaga bang tamang sasabihin ko sa kanya ang totoo at wala akong pagsisisihan... Binitiwan ko ang malalim na buntong-hininga. Alam ko, wala akogn choice kundi ang magsalita. "Try me..." bulong niya. Nag-isip ako. "Eh... si Prime kasi..." "Yes... bakit si Prime?" At ewan kung bakit din ito ang nasabi ko. "N-nanliligaw kasi iyon sa akin eh" ang nasambit ko sabay kagat ko sa aking labi. Wala kasi akong ibang dahilan upang magiging alibi kung bakit ko siya hinalikan. Hindi pa ako handang sabihin sa kanya ang lahat. "Bakla ba si Prime? Akala ko ba ay may girlfriend iyon?" "Eh..." ang nasambit ko uli. Hindi ko kasi akalaing ganoon ang sunod na itatanong niya sa akin. "E-ewan ko siguro... N-naghiwalay na raw sila ng girlfriend niya." "At ang ipapalit niya sa puso niya ay ikaw?" Tumango ako. "Paano nangyaring magbest firend kayo at nayon lang niya nalaman na mahal ka pala niya?" "Ewan ko sa taong iyon." "Hmmmm" nag-isip siya. "Ano namang kinalaman noon sa paghalik mo sa akin kanina?" "A-ayoko sa kanya eh... Kaya sinabi ko sa kanya na mag-boyfriend tayo upang mahinto na siya sa kanyang panliligaw sa akin." Ang pagsinungaling ko uli. "At huwag mong sabihin sa kanya ha? Promise na sikreto lang natin ito." Ang may kaba ko ring dugtong. "Hmmmm.. tumango-tango siya. Ganoon ba?" Tahimik. Ewan kung ano ang nasa isip niya. Ngunit ang sa akin, ibayong guilt at takot ang aking naramdaman. Ewan. Marahil ay ganyan talaga kapag may kinikimkim ka pang sama ng loob para sa isang tao. May masasabi kang hindi maganda, minsan nag-iimbento ka na lang ng kuwento upang matakpan ang mga bagay na itinatago. "Sabagay, mukha rin namanng nanligaw sa akin si Prime eh. Nililigawan niya ako upang maging maglapit muli kami sa isa't-isa. Parang ganoon." "Mukha namang mabait si Prime ah!" "Ikaw kung liligawan ka ni Prime, papayag ka?" ang pabalang ko uling sagot. "Bakit hindi? Kung mahal ko ang tao, lalaki man siya o babae, bakla o tomboy basta mabait, totoong tao at malinis ang puso." At doon na ako sobrang naguilty. Parang gusto ko nang bawiin ang sinabi kong nanligaw si Prime sa akin. "Ngunit ano ang idadahilan ko?" ang tanong din ng aking isip. Maya-maya lang ay nilapitan kami ng isa sa mga waiters nila. "Sir Marco, kausapin ka raw ng tita mo..." Agad ding umalis si Marco upang kausapin ang tita niya. Noong bumalik, may mungkahi. "May birthday party daw na i-hold dito maya-maya lang at dahil last minute itong request nila, gusto raw makisuyo sa atin, kahit tayong dalawa lang daw ang kakanta. Kung papayag ka. Sige na, sayang din ito. Sa tingnin mo?" At tumango na lang ako. Tama nga naman. Pandagdag allowance ko rin iyon. At kumanta kami sa party na iyon. Ang siste, hanggang ala-una ng madaling araw na natapos. Laking pasalamat sa amin ang tita ni Marco. Enjoy na enjoy daw ang customesrs sa aming kanta. Kapag tinamad na kasing maggitara si Marco ay magsisingit ako ng kantang galing sa videoke. Pwede rin silang kumanta. "Dito ka na lang matulog Isan sa resto-bar. Sasamahan ka ni Marco." Ang mungkahi ng tita ni Marco na may-ari ng restobar. "May collpasible ceiling bed tayo, pedeng matulog ang dalawa, kahit pa limang tao d'yan. Hindi pa namin nagamit iyan Ian. Maganda matulog dyan. Dito na lang kayo para may bantay din ang bar. Wala pa naman tayong security." Marahil ay napansin niyang med'yo lasing na ako at pagod pa kung kaya ayaw niyang umuwi pa ako. "Ok lang sa iyo partner?" ang tanong ni Marco sa akin. "S-sige..." ang sagot ko. May excitement din kasi akong nadama. Imagine, makatabi ko na siya sa pagtulog bagamat may takot din akong baka hindi ko na naman maawat ang sarili at may mangyari. "Bahala na..." sigaw ng aking utak. "Ok.. so mag-beer pa tayo?" "Waaaahh! Lasing na ako ah..." "Dito lang naman tayo matutulog eh. Sige na. Please???" "Bakit? Ano bang mayroon at kailangan mo talagang magpakalunod sa alcohol?" "Wala lang. Happy lang ako ngayon." Sagot lang niya habang tinumbok ang refrigerator ng restobar at kumuha ng isang bote ng red horse grande at isang baso. "Bakit ka happy?" "Di ba may birthday party kanina? E di happy. Happy birthday." Sabay bitiw ng isang tawang nakakaloko habang binuksan ang bote ng grande at noong nabuksan ito, tumagay na at ibinigay sa akin ang unang tagay. Wala na akong nagawa. Tinanggap ko ang baso na may lamang red horse at ininum iyon. Pagkatapos kong uminum, siya naman. Tagay system. At noong naubos na ang laman ng bote, umakyat na kami sa hagdanan patungo sa ceiling bed. Halos hindi na makaangat sa kanyang paa sa sobrang kalasingan. Pati ako ay halos ganoon din. Ngunit pinilit ko ang sarili. Noong nandoon na kami sa taas, doon ako humanga sa ganda ng collpasible ceiling bed. Bale nasa pinaka-gilid ito ng ceiling na kung titingnan ay ordinaryong ceiling lang talaga, hindi mo iisipin na may nakatago pala itong higaan. Ngunit kung tatanggalin ang lock niya sa tagilirang bahagi nito at hihilahin pababa, lalabas ang isang malaking customised platform na nagsilbing higaan at may malaki at malapad na kutson na nakasabit sa ceiling mismo! Pwede pa ngang limang tao ang matutulog sa sobrang lapad. May harang sa bawat gilid at matatag naman, hindi ka matatakot huimiga. Ang lalaki kaya ng mga bakal na baraces at support. Bago pati ang kutson at mabango. At kitang-kita ang dagat "Ansarap pala dito..." sambit ko. Naupo muna ako, pinagmasdan sandali ang dagat na halos nasa ibaba lang namin. Ang lamig pa ng simoy ng hangin. Bagamat lasing na ako, naappreciate ko pa rin ang ganda nito. Para kaming sumakay ng isang barko at natulog sa isang hanging na bed. Noong nilingon ko si Marco, nakatulog na pala ito. Naaninag ko pa ang kanyang katawan mula sa isang ilaw sa resto-bar na sadyang nanatiling nakasindi sa gabi. Nakatihaya siya, nakahubad ang pang-itaas na katawan, hinayaang nakabukas ang kanyang zipper ng pantalon at kitang kita ang nakausling bukol ng kanyang puting brief habang ang isang daliri ay bahagya pang nakapasok sa ilalim ng garter nito na para bang wala sa isip na hinipo ang ulo ng kanyang p*********i. At doon gumapang na naman ang sa aking katawan ang kakaibang init sa nakita. Napakaganda ng porma kanyang dibdib. Hindi lamang ito matipuno, makinis pa. Flawless kumbaga. At ang kanyang abs, kitang-kita ang mga linyang nagsilbing border ng mga parang pandesal na nakahilera doon. Noong tiningnan ko ang kanyang mga mata, nakapikit ito, pahiwatig na himbing na himbing siyang nakatulog. Napakaganda ng kanyang mukha. Kagaya ng kanyang balat sa katawan, makinis ito, malinis, walang bigote o kahit na anong mga maliliit na spot. Matungis din ang kanyang ilong, magaganda ang hugis ng mga kilay, at higit sa lahat mapupula ang kanyang mga labi. Ang sarap halikan. Naalala ko tuloy ang paghalik ko sa kanya sa plaza, sa harap mismo ni Prime. Sariwang-sariwa pa sa aking isip ang bango na nalalanghap ko sa kanyang hininga at sarap ng kanyang laway. Habang nasa ganoon akong paghanga sa kanya, dahan-dahan akong humiga, tumagilid paharap sa kanya. Hindi maalis-alis ang aking mga mata sa kanyang mukha at ang umbok ng kanyang p*********i kung saan bahagya itong natakpan ng kanyang mga kamay. Dahan-dahan kong hinawakan ang kamay na nasa ibabaw ng kanyang puson at tinanggal ko ito sa kanyang lugar, inilagay sa kanyang tagiliran. Noong lumantad na sa aking mga mata ang umbok na iyon ng kanyang brief na nasa ilalim ng kanyang pantalon, naramdaman ko ang malakas na udyok sa aking utak na isiksik ang aking kamay sa ilalim ng kanyang brief at laruin ang nasa ilalim niyon. Halos bumigay na ako sa udyok ng aking pagnanasa noong bigla naman siyang tumagilid paharap sa akin, ang isa niyang kamay ay idinantay pa sa aking katawan at ang aming mukha ay halos magdikit na sa sobrang lapit namin sa isa't-isa. Nahinto ako sa akin sanang balak. Pinakiramdaman ang sunod niyang gagawin, naisip na baka nagising siya. Hindi na siya guamalaw. Langhap na langhap ko pa sa aking mukha ang hiningang galing sa kanyang bibig. At bagamat may bahid itong amoy ng alak, ang bango pa rin nito. PIlit kong idinikit pa ang aking mukha sa kanyang mukha hanggang ang aming mga labi ay nagpangabot na. HIndi pa rin siya gumalaw. Ngunit parang sasabog na ang aking dibdib sa matinding kalampag dahil sa halos maglapat na ang aming bibig. Halos isang minuto rin kami sa ganoong sitwasyon. Hindi siya gumalaw at ang hininga niyang galing sa kanyang bibig ay patuloy kong ninamnam, sininghot at ini-enjoy habang nanatiling nakadantay ang kanyang kamay sa aking katawan. Hanggang sa hindi ko na nakayanan ang kiliti na dulot ng pagpang-abot ng dulo ng aming mga labi, at tuluyan na akong bumigay. Sinakmal ng aking bibig ang kanyang mga labi at siniil ito ng halik. Sinipsip ko ang kanyang mga labi at tinangka kong ipasok ang aking dila sa loob ng kanyang bibig, idiniin-diin ito sa gitna ng kanyang ngipin. At dahil bahagyang nakabukas ang kanyang bibig, unti-unting nakapasok ang aking dila hanggang sa tuluyan na niyang ibinuka ang kanyang bibig. Tulog pa rin si Marco. Ipinagpatuloy ko lang ang paglalaro-laro ng aking dila sa kaloob-looban ng kanyang bibig. At maya-maya lang ay naramdaman ko nang nakikitaro na rin ang dila ni Marco sa aking dila at sinipsip-sipsip na rin nito ang aking mga labi. Umungol siya. Hindi ko alam kung nagising isya ngunit hindi siya kumalas at nakikisakay lang siya sa aking ginagawa. At dahil sa pagpaubaya ni Marco, mistulang sinaniban ng demonyo ang aking isip at nakalimutan ko na ang pangako sa sariling iwasan ko ang bagay siyang dahilan kung bakit nagalit sa akin si Prime. Nawalan ng sensibilidad ng aking isip at nalimutan ko ang sakit na dulot ng paggawa ko sa ganoong bagay kay Prime. Ang tanging nanaig sa aking isip sa ganoong sitwasyon ay ang sarap na aking nalalasap sa oportunidad na iyon at mairaos ang sarap ng aking pagnanasa para kay Marco. Hanggang sa tuluyan nang nahulog ako sa bitag ng pagnanasasa. At doon, hindi ko na nagapan pa ang sarili at ginawa ko na rin kay Marco ang katulad ng ginawa ko kay Prime. Noong natapos na, parang wala pa ring malay si Marco. Nanatiling nakahiga siya, ni hindi man lang siya nag-attempt na punasan ang sarili o ibalik sa loob ng kanyang brief ang kanyang p*********i. Ngunit ako na ang gumawa noon. Nanatili pa ring nakapikit ang kanyangmga mata at nakahigang nakatihaya. At bumalik n arin ako sa aking paghiga. Masarap kung sa sarap ang pag-uusapan. Masarap ang aking pakiramdam na sa wakas ay natikman ko rin ang p*********i ni Marco. Feeling ko, lalong lumalim ang aking naramdaman para sa kanya. Parang masasabi kong ang pagmamahal ko para kay Prime ay nabaling na sa kanya kundi man ay eksaktong nahati na ito. Bale 50% ang para kay Prime at 50% ang para kay Marco. Parang isang tao lang na naghihingalo, 50-50. Naalala ko kasi ang ka-sweetan ni Marco sa akin, ang kabaitan niya, dagdagan pa sa ganda ng kanyang porma. At sa kabilang banda, naroon pa rin ang paghahanap ko kay prime. Ngunit sa kabila nito, isang malaking dagok na naman ang aking naranasan sa aking konsyensya. Matindi ang takot na aking nadarama sa aking ginawa. Parang hindi na talaga ako natuto. Nang dahil lang sa init ng aking katawan at matinding pagnanasa ay panandaliang nakalimutan ko ang consequence na naman nito sa akin. Ipinagpalit ko ang respeto niya para sa pansariling libog. Dahil sa takot, hindi ko na hinintay pang magising si Marco. Alas kuwatro ng madaling araw ay umalis na ako ng restobar. Halos walang pahinga. Halso walang tulog, nababalot na naman ang isip sa matinding takot na baka iyon na ang huli naming pagiging close ni Marco. (Itutuloy)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD