7

4549 Words
By Michael Juha getmybox@h*********m fb: Michael Juha Full blog: h***:://michaelsshadesofblue.blogspot.com ------------------------------------ At kinain namin ang kanyang dalang puto. At siya na rin ang kumuha ng maiinum naming juice sa ibaba. Noong naubos na ang ang kinain namin, "Tol... kantahin muli natin ang 'One Friend' ha?" sambit niya. "S-sige..." sagot ko. Pinatugtog niyangmuli ito. Kumanta kami, sinabayan ang audio. I always thought you were the best I guess I always will. I always felt that we were blessed, And I feel that way, still. Sometimes we took the hard road, But we always saw it through. If I had only one friend left, I'd want it to be you. Sometimes the world was on our side; Sometimes it wasn't fair. Sometimes it gave a helping hand; Sometimes we didn't care. 'Cause when we were together, It made the dream come true. If I had only one friend left, I'd want it to be you. Ngunit hindi pa natapos ang kanta ay may itinanong siya, "Tol... kayo na ba ni Marco?" Natigilan ako. Ang usapan kasi namin ni Marco ay hindi aaminin na kami na nga. "K-kung sasabihin kong hindi, maniwala ka ba?" sagot ko. "Hindi..." sagot niya. "Bakit?" "Kasi... nakita ko kayo, isang beses sa restobar. Akala ninyo wala nang tao ngunit nandoon pa ako sa isang sulok. Kakausapin sana kita. Ngunit naghalikan kayo. Kung kaya umalis na lang ako." Syempre, nagulat ako. Hindi ko akalaing may nakakita pala sa amin. "G-ganoon ba? Usapan kasi naming huwag aaminin sa tao na kami na nga..." pangangatwiran ko. "Alam mo, k-kung ako si Marco, hindi ko gagawing itago ang relasyon ko." sambit niya. "Oo naman" sagot ko rin. "Di ba kayo ng girlfriend mo, lantaran ang paghahalikan ninyo kahit sa loob ng campus?" Natigilan siya. "Oo.. pero an gibig kung sabihin, kung ako si Marco at ikaw ang syota ko, hindi ako papayag na hindi malaman ng buong mundo na mahal kita..." Mistulang hinataw ng isang matigas na bagay ang aking ulo sa narinig. May punto rin naman siya. Bakit nga ba itatago namin ang aming relasyon? Ngunit hindi ko na ito sinabi pa kay Prime. Yumuko na lang ako at ang nasambit ko na lang sa kanya ay, "Iba-iba naman kasi ang tao, di ba. Iba siya, iba ka..." "Sabagay..." ang sambit niya. Tahimik. At sa pagkakataong iyon at parang may nag-udyok sa aking isip na ipalabas ang isang bagay na nagsilbing balakid sa aking puso sa pagbabalik muli ng aming pagiging magkaibigan. Hindi ko lang alam kung handa na ba akong sabihin sa kanya iyon. Tinitigan ko siya. Hindi pa rin talaga nagbago ang lahat. May naramdaman pa rin ako... "B-bakit?" ang tanong niya noong napansin ang kakaiba kong pagtitig sa kanya. "A-alam mo ba kung bakit nagawa ko sa iyo ang bagay na iyon?" "A-ang alin?" "I-iyong gabing nalasing ka.... at may ginawa akong ikinagalit mo?" "B-bakit? B-bakit mo nagawa iyon?" "D-dahil..." "A-ano?" "M-mahal kita e..." Natahimik siya noong lumabas sa aking bibig ang mga katagang iyon. "G-galit ka?" dugtong ko. Tiningnan niya ako. "Hindi ah..." ang maiksi niyang tugon. "D-di bale k-kasi... noon naman iyon eh. Ngayon... may Marco na ako." Ang nasambit ko na lang. Ayoko kasing maging issue na naman ang sinabi kong iyon at magalit na naman siya sa akin. O ewan ko rin, pride ba iyon na parang hindi ko pa tanggap na may sakit pa rin sa puso ko ang pagtakwil niya sa akin? Tahimik. Napabuntong-hininga siya. "A-alam mo ba kung bakit nagalit ako sa iyo noon?" "Hindi. B-bakit?" "K-kasi hindi ko lubos maintindihan ang aking sarili. Iyon bang may matinding galit ako sa ginawa mo ngunit sa kaloob-looban ko, may dulot din itong sarap. Iyong feeling na may naramdaman ka ngunit ayaw mo dahil... ayaw mo lang." "A-ayaw mo? B-bakit? Ano iyon? Bakit ayaw mo?" Tinitigan niya uli ako. "A-ayokong maging bakla tol. A-ayokong maging k-katulad sa..." "N-nino?" pag follow up ko. "S-sa papa ko. Hindi ko nasabi sa iyo, bakla ang papa ko. Iniwan niya kami ng mama ko noong nasa sinapupunan pa lamang ako ng mama ko." At nakita ko na lang na tumulo ang mga luha sa kanyang mga mata. Nagulat din ako sa narinig. Ang buong akala ko kasi ay patay na talaga ang kanyang papa. "S-sobrang galit ko sa papa ko tol na pinabayaan niya kami ng mama ko. Lumaki ako na walang kinikilalang papa, na naghahanap sa pagmamahal ng isang ama... kung kaya hindi mo siguro ako masisisi kung bakit ganoon na lang ang galit ko sa kanya. Itinakwil ko siya. Ikinahihiya ko siya. Sa bawat araw na nakikita ko ang aking mama na pilit bumangon upang itaguyod ang aming buhay, ang aking pag-aaral, hindi nawawala ang galit ko sa kanya. Kaya naipangako kong ayoko nang makita pa siya; at ayoko ring malaman ng mga kaibigan ko na may papa pala ako ngunit iniwan kami ng aking mama dahil isa siyang bakla. Ipinangako ko sa sarili na hindi ako maging katulad niya; na kamuhian ko ang kabaklaan. At ganoon na lang ang pagpilit kong ipakita sa iyo na ayoko nang ganoon; na ayokong maging bakla. At nag-girlfriend pa ako, at nakipagbarkada sa mga taong halos pakawala sa buhay, mga batang pinabayaan ng mga magulang." Tahimik lang ako. Pinakinggan ang lahat ng kanyang mga sinasabi. "Ngunit doon ko narealize na mali ako sa mga piniling kaibigan. At palagi, kapag may mga ginagawa silang hindi maganda, kagaya ng pag-aabsent sa klase, paglalakwatsa, pag-iinum, paninigarilyo at pagdo-droga, naalala kita. Naalala ko palagi ang pagbabawal mo sa akin na gumawa ng mga bawal, kagaya ng pag-aabsent. Kahit paninigarilyo nga ay nagagalit ka kapag nagpapaalam akong tumikim nito. Lalo na noong inatake ako at sinagip mo ako, lalo mo akong hinigpitan. Naalala ko pa nga isang beses, may nagbigay sa akin ng m*******a na itinago ko pa. Ngunit aksidenteng nabanggit ko sa sa iyo ito. Sabi ko, hihithitin ko iyon sa bahay, sa aking kuwarto, ako lang mag-isa, kasi alam kong ayaw mo. At upang hindi mo talaga makuha iyon sa akin at itapon, nagsinungaling ako. Sinabi ko sa iyong nasa kuwato ko ito, sa bulsa ng isang pantalon ko. Ngunit nabigla ako noong sinabing mong gusto mo ring makatikim noon, at sa oras na iyon na dahil sabi mo, gusto mong magwala. At sinabi mo pa nga na may lighter para pangsindi noon. Kaya sa tuwa ko ay umamin akong nasa akin nga ito at dala-dala ko pa. Dali-dali tayong nagpunta sa lumang tree house sa likod ng campus sa gabing iyon dahil iyon ang lugar na walang tao lalo na kapag ganoong oras at doon natin titirahin ang nag-iisang stick na iyon. Excited akong masyado. Kasi first time kong makatikim ng ganoon at kasama pa kita. Ngunit noong inilabas ko na ito, bigla mo itong sinunggaban sa aking mga kamay, sabay sabing, 'ito pala ang porma ng marijuana...' Sinagot kitang 'Iyan nga tol... Parang yosi lang no?' Sagot mo rin ay 'Oo nga' akala ko ay sisindihan mo na ito ngunit noong tinanong ko na ang lighter mo, sinagot mo ako ng, 'bakit ako magla-lighter. Naninigarilyo ba ako?' At bigla mo na lang itong pinunit-punit at inihagis ang mga nagkalat na pirapirasong bahagi nito sa buhangin. Sinigawan kita. At ang sagot mo lang sa akin ay, 'Pumili ka, m*******a o ako?' Natulala ako sa tanong mong iyon, nagulat. Syempre, nagalit din ako. Ang hirap kayang makakuha ng m*******a at ganoon lang ang ginawa mo basta. Dahil hindi ako nakasagot agad, tumakbo ka pababa ng tree-house sabay sabing 'sige... bukas maghanap ako ng m*******a para sa iyo ngunit huwag ka nang lumapit sa akin! Ayoko nang makikipagkaibigan pa sa iyo!' Sinundan kita at nag-sorry ako. Ngunit nagalit ka pa rin. Sabi mo sa akin na, 'kung papipiliin ka pala sa m*******a o ako ay mahihirapan ka pala. Anong klaseng kaibigan ka? Sa isang stick ng m*******a lang, maaari mo na pala akong ipagpalit?' At dahil sa inis mo sa akin, katakot-takot na pagsusuyo ang ginawa ko. Mahigit isang linggo yatang hindi mo ako kinausap. Ngunit parang aso rin akong sunod nang sunod sa iyo. Mahirap, ngunit noong nagbati uli tayo... ang sarap ng pakiramdam ko. Namiss ko iyong ganoon. Iyong panunuyo ko sa iyo. Namiss ko iyong pagsusungit mo sa akin kahit hindi ko alam kung bakit, iyong katarayan mo, iyong kakulitan mo..." Napangiti naman ako. Naalala ko rin kasi iyon. Alam ko kasing itinago lang niya ang m*******a at upang mailabas iyon, sinabi ko na lang nag gusto ko ring tumikim. Atsaka... sa ugali ko, madali akong magtampo. At naiintindihan ako ni Prime. Minsan nagagalit na lang ako sa kanya, sa mga maliliit na dahilan. At ang ayaw na ayaw ko ay ang manigarilyo siya, lalo na ang droga o m*******a. Ngunit sa kabila ng ugali ko, sa kabila ng paghihigpit ko sa kanya, nandoon pa rin siya, na sa sinabi niya, parang asong nakabuntot sa akin kahit sinimangutan ko siya. Alam ko, walang sino mang makapantay sa kabaitan ni Prime sa akin. Isa siyang tunay na kaibigan. Nagpahid pa rin siya ng kanyang luha.. "N-noong kasama ko pa ang mga kaibigan kong iyon, alam mo ba kung sino ang tunay na laman ng aking puso at isip? Sa kabila pa ng pagkakaroon ko ng girlfriend?" Hindi na ako kumibo. Parang alam ko na ang sagot. Hinawakan niya ang aking kamay. "Ikaw..." at humagulgol na siya. "S-sorry tol... kasi, dahil sa masakit na naging karanasan ko sa buhay at pamilya kung kaya ay parang nalilito ako. Hindi ko rin alam ang aking gagawin sa pagkakataong nasa ibang grupo ako, na kasama ko pa sila; kung bakit kita pinabayaang hamakin nila. Hindi mo lang alam, nasasaktan ako. Ngunit tiniis ko dahil nga naguguluhan ang isip ko. Naalala ko ang papa ko, ngunit naawa rin ako sa iyo. S-sorry talaga. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko sa buhay tol kapag wala ka sa piling ko..." Niyakap ko siya. Matinding pagkahabag ang nanaig sa aking puso para sa aking kaibigan. "Tol... hindi kita iiwan." Ang nasambit ko. "P-promise?" Tumango ako, pinahid ko rin ang mga luha sa kanyang mga mata. Para kaming mga basang sisiw na nawalan ng ina at kaming dalawa na lang ang natitirang taong nakakaintindi sa isa't-isa. Maya-maya, humiga muli kami sa kama. "M-mahal mo ba si Marco?" tanong niya. Tila nabilaukan naman ako sa tanong niyang iyon. Syempre, may naramdaman ako kay Marco. Ngunit may naramdaman din ako sa kanya at ayaw ko siyang masaktan. Hindi ko alam kung ano ang isasagot. Natahimik ako. "A-alam ko na ang sagot tol... mahal mo siya. Ok lang sa akin. Tanggap ko naman iyon eh. Basta, ang mahalaga sa akin ngayon ay palagi pa rin tayong magkasama, at... hindi mo ako iiwan. Kasi ako... hindi rin kita pababayaan. Pangako ko iyan sa iyo." Binitiwan ko ang isang pilit na ngiti sabay yakap sa kanya. "S-sorry tol... N-nauna kasi si Marco. Ayokong sabihin niyang n-nagtaksil ako sa kanya eh..." "Ok lang tol... ang importante lang naman kasi sa akin ay heto, magbest friends tayo muli. At pangako, hindi kita iiwan tol. Kahit buhay ko ay itataya ko para lamang sa iyo; sa kaligayahan mo... Kahit buong puso ko pa, kaya kong ibibigay ito sa iyo kung kailangan mo." Tahimik. Ngunit syempre, sa kaloob-looban ko, touched ako sa mga binitiwan niyang salita. "Buong puso pa talaga ang ibibigay..." sa isip ko lang. At doon na sumagi sa aking isip na sabihin sa kanya ang itinatago kong lihim na dapat niyang malaman din. "Alam mo, may sasabihin ako sa iyo. S-sana ay hindi ka magalit." Pagbasag ko sa katahimikan. "A-ano?" "Promise muna hindi ka magagalit." "Sige promise." "Hindi ko sinabi kay Marco na ikaw ang pinagsamantalahan ko. Ang akala niya ay babae ang aking pinagsamantalahan." "N-nagsinungaling ka sa kanya?" Tumango ako. "Kailan mo sasabihin sa kanya ang totoo?" "Ewan... baka magalit siya." "Kapag mahal ka niya, maiintindihan niya ang lahat. Maaring masaktan siya dahil sa pagsisinungaling mo ngunit sabihin mo narin ang totoong dahilan kung bakit. Kapag hindi ka niya matanggap, maaaring may kulang sa kanyang pagmamahal. O ba naman kagaya ko na may malalim na dahilan." "Bakla rin ang papa niya?" biro ko, nanlaki pa ang aking mga mata na parang inosenteng-inosente. Sobrang seryoso na kasi an gaming usapan. Natawa siya. "Gusto mo, lapirutin ko ang pisngi mo?" sabay kurot sa aking pisngi. "Arrgggghh! Ayoko!" Natawa siya. Tahimik. "At bakit mo pala itinago iyon sa kanya?" pagbasag niya sa katahimikan. Naging seryoso uli ako. "Bago pa naging kami, natakot akong kapag nalaman niyang b-bakla ako, ay itatakwil din niya ako, kagaya ng ginawa mo" Tiningnan niya ako. "Sorry..." "O-ok lang. Sasabihin ko rin naman ito sa kanya sa takdang panahon eh." "Tama iyan tol... mahirap na kung maunahan ka pa niya. Mas lalo siyang magagalit sa iyo. Dapat ay sabihin mo na ito sa lalong madaling panahon." Tahimik. Habang pareho kaming nakahigang nakatihaya, nakatitig sa kisame, ang aming kamay ay magkahawak sa aming tagiliran, ibayong saya naman ang aking naramdaman. Parang wala na talagang hadlang pa ang aming pagiging mag-close friends muli ni Prime. Ang nag-iisang problema na lang ay ang pagbunyag ko sa katotohanan kay Marco na si Prime ang aking kaibigang pinagsamantalahan at siyang nagtakwil sa akin; na nangyari ang pagsisinungaling kong iyon dahil natakot akong itaboy rin niya. "Siguro naman ay hindi mahirap intindihin iyon..." sa isip ko lang. "K-kung gusto mo tol... gawin mo uli sa akin ang ginawa mo noong nalasing ako. H-hindi ako magagalit..." Ang bigla niyang pagbukas ng topic. Bigla akong napalingon sa kanya. Lumaki ang aking mga mata, lumakas ang kalampag sa aking dibdib. "N-nagbibiro ka, di ba?" Nginitian niya ako. Umiling. Iyon ang pinakamaganda at nakakabighaning ngiting nakita ko sa kanya. Ngunit hindi ako kumilos. Nanatili lang ako sa aking posisyong nakatihayang nakahiga. Hindi ko kasi alam ang aking gagawin. Nalilito ako dahil boyfriend ko si Marco at heto, best friend ko lamang siya bagamat may nararamdman ako. Nalilito dahil ayaw kong magkasala kay Marco bagamat may dulot din itong kilig at kiliti sa aking kalamnan. "N-nalilito ako tol. K-kasi, boyfriend ko si Marco..." Tumagilid siya sa akin. Hinaplos niya ang aking pisngi. "Naintindihan ko tol... Naintindihan ko." ang bulong niya sabay halik sa aking pisngi. Tumagilid na rin ako paharap sa kanya. Hinawakan ng dalawa kong kamay ang kanyang mukha. Idinampi ko ang aking bibig sa gitna nito; sa kanyang bibig. Hinalikan ko siya. At noong tinanggal ko na ang aking mga labi sa bibig niya, ang lumabas na salita sa aking bibig ay, "S-sorry" Binitiwan niya ang isang pilit na ngiti. Hanggang doon na lang ang aming ginawa. Bagamat ang kalamnan ko ay nag-udyok na sunggaban ang pagkakataon, nanaig sa isip ko na huwag magtaksil kay Marco. Iyon lang ang kaya kong gawin, ang halikan ang kanyang labi... Balik normal na naman ang lahat sa amin ni Prime. Iyon nga lang, dahil sa naging close ko na uli si Prime, hindi ko minsan alam kung saan lulugar o kung ano ang gagawin kapag nagsama kaming tatlo. Kasi kapag nand'yan si Marco halimbawa at kasama ko at nakasalubong namin si Prime, sasama na iyan sa amin. At dahil best friend ko nga, hindi maiwasang may mga pag-uusap kaming intimate lang sa amin na minsan kami lang dalawa ang nakakaalam, kagaya noong sa puto na dala niya. "Padala ng mommy tol... At bagong flavor iyan. Nag-eksperimento kasi siya ng bagong flavor, ipatikim ko raw sa iyo dahil alam niyang ikaw ang number one fan ng kanyang puto..." Tawanan Napatingin na lang sa akin si Marco na napangiti nang hilaw. At ewan kung ano ang laman ng kanyang isip. Pero syempre, dedma lang ako. Kinuha ko ang puto, kinain iyon at namigay naman ako sa kanilang dalawa. Kaming tatlo kumbaga ang kumain. Minsan din, ang pag-uusapan namin ni Prime ay ang tungkol sa mga orchids ng mama ko, at ang mga ibinigay ng mama niya, kung namumulaklak na raw ba. Minsan nag-uusap kami tungkol sa mga nakasanayang gawin naming kagaya nang kapag naliligo kami sa ilog o sa dagat at bigla kaming magtatawanan kapag naisip naming ang mga karanasan na katatawanan. Out-of-place si Marco minsan. Ngunit syempre, pinilit ko na lang ang aking sariling gawin ang lahat para ang aming mga pag-uusapan kapag nagsama kaming tatlo ay iyong common na nakakarelate ang bawat isa. At sa tingin ko naman ay sport din si Marco. At dahil ayaw ko na ring malayo pa si Prime sa akin, iminungkahi ko kay Marco na kung maaari ay gawin na ring singer si Prime sa restobar. "Good idea!" sambit ni Marco. "Alam mo, noong kumanta si Prime, bilib din ang tita ko sa boses niya. Ibang klase daw. Kung ok lang kay Prime, Sali siya sa atin sa banda!" Tiningnan ko si Prime. Napangiti siya. "Payag siya burj!" sambit ko. So iyon ang nangyari. Naging singer din sa resto si Prime. Game lang naman din si Marco na kasama si Prime. Sa tingin ko, wala naman siyang pagseselos. Unang kanta naming ni Prime na duet ay – I can't fight this feeling any longer. And yet I'm still afraid to let it flow. What started out as friendship, Has grown stronger. I only wish I had the strength to let it show. I tell myself that I can't hold out forever. I said there is no reason for my fear. Cause I feel so secure when we're together. You give my life direction, You make everything so clear. And even as I wander, I'm keeping you in sight. You're a candle in the window, On a cold, dark winter's night. And I'm getting closer than I ever thought I might. And I can't fight this feeling anymore. I've forgotten what I started fighting for. It's time to bring this ship into the shore, And throw away the oars, forever. Cause I can't fight this feeling anymore. I've forgotten what I started fighting for. And if I have to crawl upon the floor, Come crushing through your door, Baby, I can't fight this feeling anymore. My life has been such a whirlwind since I saw you. I've been running round in circles in my mind. And it always seems that I'm following you, girl, Cause you take me to the places, That alone I'd never find. And even as I wander, I'm keeping you in sight. You're a candle in the wind, On a cold, dark winter's night. And I'm getting closer than I ever thought I might. And I can't fight this feeling anymore. I've forgotten what I started fighting for. It's time to bring this ship into the shore, And throw away the oars, forever. Cause I can't fight this feeling anymore. I've forgotten what I started fighting for. And if I have to crawl upon the floor, Come crushing through your door, Baby, I can't fight this feeling anymore Makahulugan ang kantang iyon. Dahil siya ang lead vocal, ramdam kong para sa akin ang kanta niyang iyon. Parang ang bawat liriko noon ay nagsasabi kung ano ang nararamdaman niya; kung ano ang laman ng kanyang puso. At ang sunod naman naming kinanta ay – I love you so much Somewhere back in time you became a friend of mine And day by day we've grown a little closer You're my spirit to be strong, a friend when things go wrong So I've written down these words to let you know Love's grown deep, deep into the heart of me You've become a part of me Let us plant the seed and watch it grow Love's grown deep, deep into the heart of me You've become a part of me As we travel down the road, side by side we'll share the load Hand in hand we'll see each other through Though we've only just begun, let's count our blessings one by one I thank God for life, I thank God for you Love's grown deep, deep into the heart of me You've become a part of me Let us plant the seed and watch it grow Loves grown deep, deep into the heart of me You've become a part of me And as the seasons slip away Forever lovers we will stay Together, do or die, with all our hearts Love's grown deep, deep into the heart of me You've become a part of me Let us plant the seed and watch it grow Love's grown deep, deep into the heart of me You've become a part of me At sa huling duet naming iyon, may mga sumisigaw na rin ng "KISS! KISS! KISS!" Ngumiti lang ako. Kampante naman akong hindi ako i-kiss ni Prime kasi alam niya, magsyota kami ni Marco. Ngunit laking gulat ko noong naramdaman kong dumampi ang labi ni Prime sa aking bibig. Iyong mabilisan lang. Pabigla niya akong hinalikan! At sa bibig pa! Pakiramdam ko tuloy ay nagsipagtayuan ang aking mga balahibo. Nakakabingi ang hiyawan ng mga tao. Palakpakan, sipulan. Tiningnan ko si Marco. Nakangiti lang ito na pakiwari ko ay wala namang bahid ng pagseselos. Ewan ko lang din kung ano ang nasa loob niya. Nag-fanfare ang banda. Sila man ay natagalan sa fanfare kasi hindi rin nila inaasahang hahalikan talaga ako ni Prime. At sa bibig pa! Marco-Ian lang kasi ang estilo na may halikan, signature mark na namin iyon kumbaga. Ngunit iba naman ang sa kanya, mas matindi! Sa bibig pa talaga ang halik. Wala na akong nagawa kundi ang umindak-indak, sumayaw-sayaw at itinaas-taas ang aking kamay sabay sa fanfare ng banda na tila hindi ko kunyari sinseryoso ang kanyang halik. "KISS! KISS! KISS!" sigaw uli. At kagaya noong una, humalik uli sa bibig ko si Prime. At muli, ang fanfare at ang pag-indak-indak ko at pagsayaw-sayaw samanatalang ang mga tao ay hindi magkamayaw sa paghihiyaw at pagtatawa, ang karamihan ay kinilig. Tiningnan ko ang tita ni Marco. Nakita ko siyang tawa rin nang tawa. Ngunit sa kaloob-looban ko, bagamat may kilig ako sa ginawang iyon ni Prime, may takot naman akong nadarama na baka nagseselos si Marco o kaya ay magagalit kay Prime. Pagkatapos ng show, unti-unting nagsiuwian ang mga customers. Umalis na rin ang tita ni Marco. Huling nagpaalam si Prime. Inihatid ko siya sa bulwagan ng resto. "Ingat ka tol... Sana ay sasamahan na kita pauwi pero alas dose na kasi. Alam mo namang dito na ako natutulog kay Marco..." "Ok lang. May tricycle pa naman d'yan. Makakasakay pa ako tol. Ikaw.... mag-ingat ka rin ha?" napahinto siya sandali. "Ay... nandito pala ang burj mo. Dapat iingatan ka niya. Kasi kung hindi..." hindi na niya itinuloy pa ang sasabihin. Napangiti na lang ako. Hindi ko alam kung may bahid pagseselos iyong sinabi niya. "Burj! Ihatid na natin si pareng Prime!" ang sigaw naman ni Marco na nasa loob ng resto at nagtatakbo palabas. "Pare... wag na! Pahinga na kayo. Ma-istorbo pa kayo. Sige na ako na. Kaya kong umuwing mag-isa. Alam ko naman ang daan pauwi at may tricycle pa naman ngayon." Sagot din ni Prime. Ngunit tinumbok pa rin ni Marco ang kanyang motor na nakaparada sa garahe ng resto. "Hindi! Wala nang tricycle ngayon at kung mayroon man, pahirapan na, mahal pa ang bayad. Lika na!" sabay angkas sa motor niya. At baling sa akin, "Sama ka Burj? Ila-lock lang natin ang resto sandali." "Ok sige, sama ako..." sagot ko. At hindi na magawang umayaw pa ni Prime. Habang umaandar ang motorcycle ni Marco, hindi ko alam kung bakit ako naging emosyonal sa tagpong iyon naming tatlo. Iyon ang eksenang tumatak sa aking isip. Para kasing nagsimbolo ito sa aming kalagayan. Si Marco na nasa harap ang nagdadala sa giya ng aming relasyon. Ako ang nasa likod niya, pinagitnaan nilang dalawa; nasa likod ko si Prime na matalik kong kaibigan, ngunit may pagmamahal din ako. Niyakap ako ni Marco, niyakap din ako ni Prime. Kanino ba talaga ang puso ko? Kaninong puso ang para sa akin? "Pare... ok ka lang d'yan sa likod ha? Baka malaglag ka!" sigaw ni Marco. "Ok lang pare. Walang problema. Kapag nalaglag ako, malalaman mo kasi wala nang sasagot sa iyo!" Tawanan. Parang wala lang nangyari sa kanila. Tuloy pa rin ang kuwentuhan nilang dalawa. At ang saya-saya pa. Biruan sa mga pangyayari sa resto, sa mga customer sa mga tagahanga. Ngunit hindi nila pinag-usapan ang paghalik ni Prime sa aking bibig. Parang wala lang talaga. As in... Hanggang sa naihatid namin si Prime sa bahay nila mismo at kami na lang dalawa ni Marco ang bumalik sakay sa kanyang motor. Doon na kami naging tahimik. Hindi ko alam kung bakit parang naiiba ang katahimikang iyon. Parang hindi kaming dalawa ang nagsama. "Mukhang enjoy na enjoy si Prime sa pagkanta niya ano?" tanong niyang pagbasag sa katahimikan. "Oo... enjoy na enjoy. Magaling naman kasing kumanta iyon. At pareho kami ng hilig niyan. Pareho rin sa iyo, pagkanta." "Pansin ko nga... P-pero iyong paghalik niya sa iyo, mukhang nag-eenjoy ka rin ah." Doon na hindi ako nakaimik. Hindi ko kasi alam kung nagbibiro siya o seryoso. Kaya hindi ko alam ang aking isasagot bagamat batid kong may halong pagseselos ang tanong niyang iyon. "Di ba may sinabi kang nanligaw siya sa iyo?" Mistulang hinataw naman ang aking ulo sa sunod niyang tanong. Naalala kong nagsinungaling pala ako sa kanya tungkol dito. Nanatili akong tahimik. "Kung sakaling ipagpatuloy niya ang panliligaw sa iyo, ok lang sa akin..." dugtong niya. "At kung sasagutin mo siya, ok lang din, hindi ako magagalit." At sa sinabi niyang iyon, nagreact na ako. "Bakit? Ganyan lang ba kadali sa iyo ang lahat?" parang ang sakit naman na marinig iyon. "Wala akong magagawa kung kayong dalawa ang magkatuluyan eh... Obvious naman na may pagtingin ka sa kanya." Pakiwari ko ay hinataw ng isang matigas na bagay ang aking ulo. Pakiramdam ko ay gusto ko nang bumaba sa kanyang motor at maglakad na lamang pauwi sa aming bahay. Ngunit nagtimpi pa rin ako. May karapatan din naman kasi siyang magselos. Naisip ko na kung ako man ang nasa kalagayan niya, na siya ay halikan din ng kung sino sa bibig, sigurado, magwawala ako sa selos. Mabuti nga siya, cool lang siyang nakikipagbiruan kay Prime na para bang wala lang nangyari. Kung ako siguro iyon, hindi ko kakayanin. Masasapok ko talaga ang taong manghahalik sa kanya. "Alalahanin mo lang palagi burj... mahal kita. Mahal na mahal. Ano man ang mangyari, palagi mong tandaan iyan. Hindi mo man minsan nakikita ang kabuuan ng pagmamahal ko, buong-buo ang puso ko para sa iyo. "Bakit ka ba nagsasalita ng ganyan burj? Mahal naman kita eh..." "Alam ko... pero hindi natin alam ang panahon, di ba? Hindi natin kuntrolado ang buhay. At kung mapunta ka man kay Prime, matutuwa pa rin ako kasi mabait siyang tao..." "Ewan ko ba sa iyo! Hindi kita maintindihan." Ang sambit ko na lang dahil sa inis na parang gusto niyang ipamigay ako. Nahiga kaming parang nasa ibang setup. Parang hindi ako kumposrtableng makatabi siya at siya naman ay hindi iyong nagbibiro, nakikipagharutan o puno ng saya na kagaya ng mga nakasanayan ko sa kanya. Sa pagkakataong iyon, tahimik lang siya. Bagamat idinantay niya ang kanyang kamay sa aking katawan at nakatagilid siyang paharap sa akin, wala siyang kibo. Maya-maya, bumulong siya. "Burj... hindi ako magagalit sa iyo. Sabihin mo sa akin ang totoo, tingnan mo ang aking mga mata... mahal mo ba si Prime?" (Itutuloy)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD