11

4153 Words
By Michael Juha getmybox@h*********m fb: Michael Juha Full blog: h***:://michaelsshadesofblue.blogspot.com ------------------------------------ Habang walang humpay ang pagbuhos ng ulan, walang patid din ang pagpatak ng aking mga luha. Tila nakisimpatiya ang kalikasan sa tindi ng sakit na aking naramdaman. Basang-basa ang aking katawan sa ulan ngunit hindi ko ito alintana. Ni ang lamig na dulot nito ay hindi ko naramdaman sa aking katawan. Ang tanging nasa isip ko lang sa pagkakataong iyon ay ang matinding hinagpis ng aking puso. Hindi ako natinag sa aking kinauupuan. Hinayaan ko ang sariling magdalamhati. Ipinalabas ko ang lahat ng sama ng loob sa pag-iiyak. Humagulgol ako, naglupasay sa sobrang sakit na nadarama. Nasa ganoon akong pag-iiyak noong mula sa likuran ko ay may tumawag, "Tol..." Napalingon akong bigla. Si Prime. Nakatayo siyang basang-basa rin at wala na ang plastic bag na itinakip niya sa kanyang ulo. Sa pagkakita ko sa anyo niya, hindi ko mapigilan ang sariling hindi mapangiti. Mistula kasi siyang isang basang sisiw na nanginginig sa lamig, simputi ng papel ang mga labi, basang-basa ang damit, pati ang kanyang knapsack na siguradong ang mga gamit sa loob ay basa na rin. Nakatitig siya sa akin, seryoso ang mukha ngunit halatang gustong tumawa. Iyon bang parang proud siyang ipinakita sa akin ang katarantaduhang ginawa niya na ibabad ang sarili sa ulan gayong puwede naman siyang magtakip ng plastic o anong bagay sa kanyang katawan upang hindi mabasa. "Akala ko ba ay umuwi ka na? At ba't ka nagtampisaw sa ulan?" ang tanong ko. Bagamat patuloy pa rin ang pagdaloy ng luha sa aking pisngi, hindi ko talaga napigilan ang sariling hindi mapangiti sa nakitang anyo niya. "Bakit? Ikaw lang ba ang may karapatang magtampisaw sa ulan? Ikaw ba ang may-ari nitong ulan?" ang pabalang niyang sagot na biro sabay upo sa aking tabi. "Hindi... Nag-alala ako sa iyo kung kaya hinintay na lang kita." Dugtong niya. "Tado!" sambit ko. "Bakit ka nga nagpapaulan?" "Syempre... dinamayan kita. Bakit? Ayaw mo bang samahan kitang magtampisaw sa ulan?" Mistula naan akong nabilaukan. Na-sweetan kasi ako sa kanyang ginawa. "Hindi na kita hahayaan pang mag-isa, o magtampisaw sa putik o sa ulan, lalo na sa panahong kailangan mo ng isang karamay. Nandito lang ako palagi. Tandaan mo iyan." At inakbayan na niya ako. Syempre, bagamat nagluluksa ang aking puso, may kilig na dulot ang sinabi niyang iyon. Sobrang touched ako sa kanyang ginawa. "S-salamat tol..." Ang nasambit ko. "Hindi nga ako nagkamali na punuin ng buhangin ang iyong garapon..." Ngumiti siya. "S-salamat sa pagtitiwala muli." Sagot niya. Sinuklian ko ang kanyang ngiti sabay yakap sa kanya. Niyakap din ako ni Prime. Tinapik-tapik niya ang aking likod. At habang nasa ganoon kaming ayos, kinatahan niya ako ng – All my life, without a doubt I give you All my life, now and forever till the Day I die, you and I will share All the things this changing world can offer So I sing, Id be happy just to Stay this way, spend each day, with you There was a time, that I just thought That I would lose my mind You came along and then the sun did shine We started on our way I do recall that every moment spent Was wasted time but then I chose to lay it on the line I put the past away I put the past away I put the past away All my life, I will carry you through All my life, between each hour of the passing days I will stay with you There was a time, that I just thought That I would lose my mind You came along and then the sun did shine We started on our way I do recall that every moment spent Was wasted time then I chose to lay it on the line I want this all my life I want this all my life I want this all my life... At habang kumakanta siya ay para kaming dalawang magkasintahang nagsayaw ng sweet music, marahang umindayog sa kanyang musika. Sinabayan ko na rin siya sa pagkanta. Hindi ko na naman napigilang pumatak ang aking mga luha. Iyon bang pakiramdam na bagamat may ininda kang mabigat na pinapasan ngunit nadiyan ang isang kaibigan at tinulungan kang pasanin ito, pawiin ang iyong pangamba, at pilit na magbigay ng ngiti sa iyong mukha. Maya-maya lang, noong natapos na ang kanta, kumalas na siya at tiningnan ang aking mukha. "Bakit?" tanong ko. "Cute mo!" sambit niya at nilapirot ang aking mukha, sabay tayo at takbo. "Arekop!" ang sigaw ko, nabigla sa kanyang ginawa. Parang gusto niyang habulin ko siya, walang pakialam sa ulan, sa basang-basa naming mga katawan, sa lamig na dulot nito sa aming mga katawan, sa mga taong nakatingin sa aming ginawa. At tumayo na lang din ako at hinabol siya. "Kapag naabutan kita makikita mo!" sigaw ko rin. At doon na tuluyang napawi ang aking sama ng loob. Naghabulan kami na parang mga inosenteng paslit na tuwang-tuwa sa ulan at hindi alintana ang buhay. Naalala ko tuloy ang aking pagkabata kung saan, kahit nakahubad, tuwang-tuwa kami ng mga kaibigan kong nagtatakbuhan at naghahabulan sa ulan at walang pakialam sa takbo ng buhay, sa ikot ng mundo, at sa kaguluhang hatid ng mga nakapaligid na tao. Walang problema, simple lang ang lahat, masaya na akong naliligo sa ulan... Sa ginawa ni Prime na pag-aliw sa akin, panandalian kong nalimutan ang sakit na aking naramdaman. At noong inaya na niya akong umuwi, hindi kami sumakay ng tricycle. Hawak-kamay naming nilakad ang kahabaan ng ng may mahigit dalawang kilometro patungo sa bahay nila, nakapaa at bitbit ang aming mga basang sapatos at medyas. Hindi namin alintana ang layo, hindi namin alintana ang mga buhangin at maliliit na batong sumusundot sa aming paa. "Di ba?" ang sambit niya habang naglalakad kami. "Ano?" ang tanong ko naman noong hindi nakuha ang ibig niyang ipahiwatig. "Di ba sabi mo nagkaka-phobia ka na sa ulan? Kung noong paslit ka ay masaya ka kapag umulan, kabaligtaran na ngayon?" "O-oo. Ano naman ang punto mo?" "Ang ibig lang sabihin niyan ay walang kinalaman ang ulan sa kung ano mang hakbang ang gagawin mo sa buhay upang sumaya, upang ipagpatuloy ang buhay, upang lumaban sa mga hamon, upang magtagumpay. Ibig sabihin na kahit anong dagok ang dumating sa buhay mo, puwede mo pa rin gi-enjoy ang ulan. Di ba masaya ka noong bata ka pa kapag umulan?" "Oo." "O di dapat masaya ka pa rin." "E ang karamihan ng mga masasakit na nangyari sa buhay ko ay nagkataong umulan din eh. Paanong hindi ako matatakot niyan?" "Ginawa mo lang dahilan ang ulan eh. Walang kinalaan ang ulan. Pwede ka pa ring sumaya kahit umulan. Masaya ka bang kasama ako?" Tumango ako. "See? Hindi dulot ng ulan ang sakit na naramdaman mo. Ano kung nasaktan habang umuulan, may kaibigan ka namang kasama at dumadamay sa iyo sa gitna nito? Ibig sabihin lang niyan, na kahit nasa tuktok ka pa dagok sa buhay, may katumbas din itong bagay na magbigay sa iyo ng pag-asa. Walang kinalaman ang ulan." "Weee! Ang lalim hindi ko mahukay!" biro ko. "E paano kung ang problema ko ay mahina ang utak ko kung kaya hindi ako makapasa-pasa sa subject?" "E di mas igihan mo ang pag-aaral! Kapag mahina ang utak mo at tamad ka, babagsak ka talaga." "E paano kung wala akong pera, nagugutom ako?" "Wala ka ngang pera pero may kaibigan ka namang manlibre sa iyo, ok lang..." "E paano kung wala ring pera ang kaibigan ko." "At least may karamay kang sa iyong naramdamang gutom." "Paano naman kung isa akong bulag o kaya ay lumpo?" "May mahal ka naman sa buhay na aakay sa iyo." "Paano kung wala?" "Nakakapagsalita ka pa naman, di ba? Nakakarinig. Gamitin mo ang kakayahan mo. Kasi, ibinigay iyan sa iyo upang huwag bumitiw; upang lumaban, gawing makabuluhan ang buhay. Nakita mo iyong bulag sa TV na magaling kumanta? Wala kang makitang lungkot at pangamba sa kanyang mukha sa kabila ng kanyang kapansanan. Puro pag-asa ang kanyang sinasabi, paniniwalang may dahilan kung bakit siya patuloy na nabubuhay." Napaisip ako sa kanyang sinabi. Nakita ko nga ang sinabi niya. Masayahin ang batang bulag na iyon, nakangiti palagi at kapag pinag-uusapan ang kanyang kapansanan, sinasagot niya na may dahilan nga kung bakit siya isinalang na isang bulag. At ang isang dahilan, sabi niya ay ang maaaring pag-inspire niya sa mga tao na kung kaya ninyang maging masaya kahit na bulag siya, mas dapat ang mga taong walang pisikal na kapansanan. At sabi pa niya, lahat ng tao ay may kanya-kanyang kapansanan. Ang iba ay normal ang pisikal na anyo ngunit hindi naman nakatapos ng pag-aaral. May mga nakatapos ng pag-aaral ngunit hindi naman masaya sa trabaho. May mga mayayaman na maraming problema sa pamilya. May mga taong guwapo, hinahangaan ngunit hindi makahanap ng mamahalin. Mayroon ding mga anak-mayaman na kahit nasa kanila na ang lahat ng kaginhawaan, nalulong naman sa droga, may problema sa pamilya, o ang iba nagsu-suicide. Nagkataon lang daw na ang ibinigay sa kanyang kapansanan ay pisikal. Ngunit kagaya ng ibang kapansanan, kaya niya itong i-overcome. Hindi ako nakapagsalita agad. "Di ba? Kumpara sa problema natin ay maituturing na mas mabigat ang sa kanya? Habambuhay kaya siyang bulag. Kaya ako tol... gusto ko rin na sana maging makabuluhan din ang buhay ko. Iyon bang kahit wala na ako sa mundo ay may maiiwan akong alaala. Ikaw, ganoon ka rin ba?" "Tado! Huwag ka ngang magsalita ng ganyan! Ambabata pa natin eh!" and sambit ko, medyo tumaas ang boses. Natatakot kaya akong magkuwento ng patay, lalo na kapag sariling kamatayan. "Tol... ang kamatayan ay kusang dumarating sa buhay. Malay mo mamaya sa pagtulog natin, hindi na tayo magigising. O ba kaya ay biglang mabilaukan sa paglulon ng fishball, o kaya ay makoryente tayo ngayon habang naglalakad... o di kaya ay madaganan ng poste ng Meralco na bigla na lang matumba. O di kaya ako... atakehin na naman at tuluyan nang hindi makahinga. Di ba?" "Arrgggghh! Ayaw ko ngang pag-usapan yan! Nakakaasar ka eh! Basta! Ayoko pang mamatay! Ayokong mamatay ka o sino man! Period!" sigaw ko habang tumiwalag sa pagkakahawak ng kanyang kamay, nagmamaktol at naunang naglakad. Hinabol niya ako. Hinawakan muli ang aknig kamay. "O sya... ibang topic na lang." Ang sambit niya. Tahimik. "P-paano kung ang problema ko ay dahil nilayuan ako ng aking mahal?" ang tanong ko noong sumagi na naman sa aking isip si Marco. "Di hayaan mo siya? May papalit naman e..." Napatingin ako sa kanya. Iyon bang tingin na gustong tumawa dahil inisip kong sarili niya ang tinutukoy niya at na may kaakibat na pagtatanong ang aking isip. "Bakit? Totoo naman, di ba?" sambit niya noong nakitang nakatingin lang ako sa kanya at hindi nagsalita. "At sino naman ang papalit?" "E di ang crown prince, sino pa ba?" Sabay naman pose ng pa-pogi pahiwatig na siya nga ang crown prince. "Di ba si Marco ang king? O e di kapag ang king ay namatay, na-depose, o nag-abdicate sa kanyang trono, ang papalit sa kanya ay autmatic ang crown prince?" Napangiti ako sa kanyang sinabi. Syempre, bagamat may naramdaman pa rin ako kay Prime at kinilig sa kanyang mga ginawa at sinabi, hindi ganyan kadali ang paglimot kay Marco. Tahimik. "S-sana palit na lang kami ng puso ni Marco..." "Bakit?" "Para maramdaman ko ang naramdaman niya, na minahal mo. P-para magkaroon ako ng puso na minahal ng puso mo. Mas matimbang yata ang puso niya kaysa puso ko eh, d'yan sa puso mo." "Tange! Kung mahalin kita, hindi dahil kay Marco o sa puso niya, kun gmay ganyan man. Iyan ay dahil ikaw iyon, hindi siya." Nahinto ako nang sandali. "A-ano nga pala ang pinag-usapan ninyo ni Marco?" ang bigla kong paglihis sa usapan noong naalala ko ang kanilang pag-uusap. Nag-isip siya. "Ah... sinabi lang niya na alagaan kita, na huwag kitang pabayaan?" "A-ano nga pala ang pinag-usapan ninyo ni Marco?" ang bigla kong paglihis sa usapan noong naalala ko ang kanilang pag-uusap. Nahinto siya sandali. "Ah... sinabi lang niya na alagaan kita, na huwag kitang pabayaan?" "Iyon lang? Wala siyang sinabing ano pa?" "Wala naman." "Hindi nagkuwento tungkol sa kasal niya?" "Hindi ako nagtanong eh." "Walang sinabi kung bakit hindi na siya babalik? Kung bakit hindi na niya ituloy ang kanyang pag-aaral?" "Hindi na ako nagtanong tol. Dapat kasi siya ang magsabi noon, di ba?" "Parang inihabilin niya ako sa iyo ganoon? Iyong parang mamatay na siya at ikaw ang tagapagmana ng kanyang mga ari-arian, ganoon?" ang sarcastic kong sabi. "Hmmm. Parang ganoon na nga." Sagot niya. "Na parang isa akong kalabaw na hindi maruinogn magsalita at mag-isip na ihahabilin na lang basta-basta sa taong gusto niyang pagbigyan, ganoon?" Tumango-tango siya. "Parang ganoon na rin..." At ewan kung nagbibiro siya o seryoso. At ang nasambit ko na lang ay "Ewan ko sa inyo!" at tumahimik na lang ako. Sa isip ko lang kasi ay walang kalatoy-latoy ang kanilang pinag-uusapan. Hindi na lang din ako nagtanong. At noong may naalala ako, "Ikaw ba ang nagsabi kay Marco tungkol sa nangyari sa atin? Noong ginawa ko sa iyo ang bagay na iyon, na ikinagalit mo noon?" Bigla namang naging seryoso ang mukha niya. "Hindi tol... Wala kaming pinag-usapan tungkol d'yan. Bakit nalaman ba niya?" "Oo..." ang sambit ko. "T-talagang hindi ikaw ha?" ang giit ko pa. Para kasing hindi ako naniniwalang walang nagsabi kay Marco. "Hindi tol... promise." Hindi na lang ako nagsalita. Nakarating kami sa bahay nina Prime. Naligo kami at pagkatapos nagbihis. Putlang-putla kaming pareho dahil sa lamig. Hindi na rin kami pumasok dahil bumaha at suspended ang klase. Buong araw akong naroon kina Prime. Masaya naman kami sa bahay nila. Para kasing meyembro na rin ng pamilya ang turing nila sa akin. Tawa nang tawa si Prime sa akin. Lahat kasi ng suot ko ay damit niya. T-shirt, short, at pati na ang brief. "Mabuti pa ang brief..." ang pasaring niya sa akin. "Bakit ang brief?" "Naaamoy niya ang bayag mo." "O e di bukas paghubad ko nito, huwag mong labhan para amoy-amuyin mo na rin" Tawanan. Gabi na iyon noong nagyaya si Prime na mag-inuman kami sa kuwarto niya. Pampatulog lang daw. At habang nag-inum kami hindi nawawala ang katuwaan. "Kanta tayo tol ng may mga pangalan natin?" Mungkahi iya. "Paano iyon?" "Iyong kapag kinanta mo ang isang kanta ay may nabubuong pangalan natin. Pangalan mo lang at pangalan ko." "Sige.." pagsang-ayon ko. "Ikaw ang mauna." At kumanta sia, "IAN ka na naman, tinutukso-tukso ang aking puso... Ilang ulit na bang, iniiwasan ka, di na natuto..." Tawanan. "Ayos ah!" sambit ko. "Ikaw naman." Sabi niya. "O sige, heto. If you're lost, you can look – and you will find me, PRIME after PRIME. PRIME after PRIME..." Tawanan. At siya na uli ang kumanta. "Malayo pa, IAN umaga. Di matanaw, IAN pag-asa..." "Ay ang daya! Ang layo!" "Pwede na ah!" Tawanan. Sige, pwede pala ang ganyan ha. Heto, "PRIME... ikakasal ka nga ba, dinig koy ikakasal ka't buo nang isip mo. Ito ang wakas, ng ating usapan, ngayong may bago nang laman ang buhay puso't isip mo oh.. PRIME! Kung mahal mo syang talaga, sige pakasal ka, sige pagpatuloy mo na..." "Mas madaya ka eh! Ang layo-layo kaya noon!" Tawanan uli. "Laro na lang tayo ng baraha tol. Tapos kung sino ang matalo, maghuhubad ng damit. Tapos..." tumayo siya, may kinuha sa ibabaw ng study table niya at bumalik dala-dala ang bagay na kinuha niya. Isang kendi pala ito. "Itong kendi..." sabay tanggal ng balot noon at inilagay sa sahig ang laman, sa ibabaw ng isang papel, "ngungusuin mo ito at ipasok sa iyong bibig na hindi gagamitan ng kamay. Bahala ka na kung anong gagawin mo sa kendi sa loob ng iyong bibig sa loob ng 30 seconds, huwag lang nguyain. Pagkatapos, iluwa mo na siya at ang sunod na matalo ay siya namang gagawa noon." "Weeh!" sagot ko. Syempre, may malisya ang utak ko. Di lang sa sipsipan ng laway na nasa kendi kundi lalo na sa hubaran. "Bakit di naman ako bad breath ah! At sa hubaran naman, nasa kuwarto tayo!" ang pangangatwiran niya. Nag-isip ako. Sabagay exciting din ang ganoon, sa isip ko lang. Kaya't napa "Oo" na rin ako. Kaya nagbaraha nga kami. Unang talo ay siya. Hinubad niya ang kanyang rubber bracelet atsaka nginuso ang kendi sa sahig. "Ay daya... Dapat hindi kasali iyan! Lugi ako, wala akong bracelet!" "Beee!" ang sagot lang niya. "Yaan mo na para madali tayong matapos, hehehe." Sagot lang niya. Naglaro uli kami, talo pa rin siya. Ang sunod naman niyang hinubad ay ang kanyang T-shirt. Tawa ako nang tawa, lalo na noong nginuso na naman niya ang kendi na napuno na ng laway sa una pa niyang pagsipsip nito. Naglaro uli kami. Ngunit ako na ang talo. Hinubad ko ang aking t-shirt atsaka nginuso ang kending punong-puno na ng laway niya. Siya naman itong tawa nang tawa. "Ano ang lasa ng laway ko tol?" pang-iinis pa niya. Sinimagutan ko siya. "Sinadya mo talagang lawayan tong kendi no?" Na lalo pang ikinalalakas ng kanyang tawa. At ang sunod na natalo ay siya uli at wala na siyang nagawa kungdi ang maghubad na ng short atsaka iyong kendi... ako naman ang hindi magkamayaw sa pagtatawa sa kanya. Lasing na ako noong ako muli akong natalo. Hinubad ko ang aking short, at brief na lang ang natira sa aking katawan, iyong brief niya na sinuot ko. Pareho kaming nakabrief na lang. Tawa pa rin nang tawa sa Prime. Sobrang saya naming talaga sa pagkakataong iyon. Parang wala lang akong problema. Ngunit noong natalo muli si Prime, doon ko na naramdaman ang malakas na kalampag sa aking dibdib. Tumayo siya, hinubad ang kanyang biref atsaka bumalik sa kanyang pagkaupo sa aking harap na parang wala lang sa kanya. Wala rin siyang imik. At ewan ko rin... sa pagkakita ko sa hubad na katawan niya, hindi ko na nagawa pang tumawa. Naging seryoso ako. May mga bagay na nanumbalik sa aking isip. "A-ayaw ko na tol... lasing na ako eh. Tulog na tayo" ang sambit ko. "A... di naman ako papaya niyan. Kailangang makaganti ako. Naghubad na nga ako eh!" pag tutol pa niya. Lasing na rin siya. "O sya. Last na to ha? Kapag ikaw pa rin ang talo, tulog na tayo?" sagot ko. Sumang-ayon naman siya. Pinagbigyan ko. At naglaro muli kami. Kaso, natalo ako. Tawa siya nang tawa. Pumalakpak pa. Naghubad ako ng brief at nginuso ang kending halos matunaw dahil sa papalit-palit naming pagsisipsip dito. Habang nasa ganoon akong pagsisipsip sa kendi, bigla na lang niyang inilapit ang kanyang mukha sa mukha ko at inilapat ang kanyang bibig sa aking bibig! Dahil sa kalasingan, hinayaan ko lang siya sa kanyang ginawa. Naghalikan kami. Mistulang naglalaro ng football ang aming mga dila sa kendi sa loob n gamin gbibig kung saan ipinagtutulakan namin ito kasama na ang namumuong laway palayo sa sariling bibig. Hanggang sa dumami nang dumami nang laway na kasama dito na pagkatapos ng ilang sandal ay sabay rin naming sinipsip at pinaghatiang lunukin. Alam ko, nakakadiri ang laway ng tao. Ngunit manamis-namis ang naghalong laway naming iyon... At dahil naalipin na rin ako sa kakaibang kiliting bumalot sa aking katawan kung kaya ay nagpaubaya ako. Nasarapan sa sipsipan ng laway at kendi. Habang ginagawa namin ni Prime iyon, naglalaro naman sa aking utak ang alaala ni Marco. Parang gusto kong magwala dahil sa ginawa niya. Gusot kong tuluyang makalimot sa piling ni Prime... Hanggang sa tuluyang napuno ng ungol ang kuwarto ni Prime at naalimpungatan ko na lang na nakahiga na kami sa kama, ipinagpatuloy ang aming paghahalikan sa gitna ng hubo't-hubad naming mga katawan. At doon, tuluyan na akong bumigay. Sa gabing iyon, nangyari sa amin ni Prime and isang bagay na dapat ay nangyayari sana sa pagitan naming ni Marco. "M-may sasabihin ako sa iyo tol..." ang sambit ni Prime noong parehong nahimasmasan na kami, nakatagilid siyang paharap sa akin, ang kanyang bisig ay inilingkis sa aking dibdib habang ang kanyang paa ay idinantay sa ibabaw ng aking mismong harapan. "A-ano?" ang sagot ko. "N-noong unang ginawa mo iyon sa akin, aaminin ko, nasarapan ako. At ang tunay na dahilan kung bakit ako nagalit sa iyo ay dahil may naramdaman ako ngunit nagtatalo sa aking isip ang galit ko sa aking legal na ama; na ayaw kong matulad sa kanyang kabaklaan dahil sa kapabayaang ginawa niya sa amin ng aking ina. Kung kaya nag-galit-galitan ako sa iyo dahil ayaw kong tuluyang mahulog ang loob ko sa iyo. Tuliro ang isip ko noon tol... gulong-gulo dahil sa problema ko sa aking ama. Noon pa man... mahal na kita tol." Hindi ako kumibo. Hinayaan ko lang siyang magsalita, ang aking mga daliri ay iginuri-guri ko sa dulo ng kanyang palad. "Patawarin o ako tol... Kung sana ay ikaw ang pinili ko kaysa sariling galit sa aking ama, hindi ka na sana nasaktan. Kung sana ay hinayan ko ang sariling magpaubaya sa aking naramdaman sa iyo, hindi sana hahantong pa sa ganito ang lahat." "Tapos na iyon tol... at malaki ang pasasalamat kong nangyari iyon. Dahil doon, mas nakilala pa kita nang lubos. At nakilala ko rin si Marco. Kahit sinaktan niya ako, hindi ko maitatwang mahal ko siya, masaya ako sa kanya, at sa panahong kailangan ko ang isang karamay ay naroon siya. Pinasaya niya ako, ini-encourage, kinakantahan, pinapatawa. Lahat ay ginawa niya upang malimutan ko ang sakit. Siguro nga... may dahilan kung bakit nangyari ang lahat nang iyon; kung bakit ko nakilala si Marco..." "S-sabagay. Ngunit wala na siya tol... hindi na babalik" "N-nandito pa siya sa puso ko. At ang hapding dulot ng ginawa niya ay hindi sapat upang malimutan ko ang kabutihang ginawa niya sa akin..." "M-maghintay ako tol na hihilom ang sugat sa iyong puso at handa ka nang magmahal muli." Tumagilid akong paharap sa kanya. Binitiwan ko ang isang ngiti. "S-salamat" sambit ko. At idinantay nia ang kanyang labi sa mga labi ko. Alas 9 na marahil iyon ng umaga noong nagising ako. Wala si Prime sa tabi ko. Masakit ang katawan, disoriented, inikot ko ang aking paningin sa paligid. Hindi ko alam kung anong oras na iyon. Nasa kuwarto pala ako ni Prime at hubo't-hubad ang aking katawan. Naalala ko ang nangyari sa amin noong gabing iyon. Tandang-tanda ko pa ang lahat. Gusto ko mang magsisi, nangyari na ito. Marahil ay hindi ko rin masisisi ang aking sarili sa nangyari, dahil sa ginawa ni Marco. Pinilit kong tumayo. Ngunit masakit ang aking ulo. May hangover pa ako. Kung kaya ay nanatili na lang muna akong nakahiga sa kama. "Ma... nasaan na ba si Nolan ngayon?" ang narinig kong boses ni Prime. "N-Nolan???" ang halatang nagulat na sagot ng mama ni Prime. "S-sinong Nolan?" "Nolan. Iyong tunay kong ama. Nasaan siya ngayon?" "Prime... si Edgar ang iyong ama at iniwan na niya tayo. Di ba sinabi ko na sa iyo iyan?" "Ma... please. Sabihin mo na ang totoo. Gusto kong makilala ang aking tunay na ama. Matagal na akong nasasabik sa ama ma, hindi ka ba naaawa sa akin? Ang tagal ko nang nagtiis." "Anak... kung sino man ang nagsabi sa iyo na hindi mo tunay na ama si Edgar, hindi totoo iyan. Ok? Huwag mo nang guluhin ang lahat dahil ayoko na ng gulo... nahihirapan na rin ako anak." Dahil sa tila sensitibong sagutan ng mag-ina, pinilit ko ang sariling tumayo, dinampot ang brief at short at ibinuka ko ng kaunti ang pinto ng kuwarto. "Hindi ma... may karapatan akong malaman kung nasaan ang tunay kong ama. Buhay ko ito ma! Kung nasaktan ka, isipin mong buhay ko ang nasisira dahil sa pagtago mo sa akin sa katotohanan!" ang sagot ni Prime na tumaas na ang boses. "Hindi totoo iyan! Hindi totoo iyan!" ang sigaw na rin ng kanyang ina. "Iyan lang ang hiling ko ma!!! Hindi mo ba ako mapagbigyan?!!" "Hindi! Dahil hindi iyan ang totoo!" "Kung ganoon ma, lalayas na ako ditoooo!" ang malakas na sigaw na ni Prime. At narinig kong kumalampag nang malakas ang main door. Hindi ko na narinig pang sumagot ang kanyang ina. Dali-dali akong lumabas ng kuwarto at inalam kung lumabas nga si Prime. Nadaanan ko pa ang ina ni Prime sa living roon na nakaupo sa isang silya, hawak-hawak ang kanyang ulo at nag-iiyak. Noong nasa main door na ako, tanaw ko si Prime na nagtatakbo palayo. Naabot na niya ang kalsada, may 30 metro ang layo mula sa bahay nila noong tangkain kong habulin siya. Ngunit hindi ko pa man siya naabutan, nakita kong bigla siyang nahinto, hinawakan ang kanyang dibdib at mistulang nahirapang huminga. Binilisan ko pa ang aking pagtakbo palapit sa kanya, nag-alala nab aka inatake na naman siya sa kanyang sakit. Subalit bago ko pa man siya naabutan, isang kotseng humarurot ang biglang sumulpot at sa isang iglap ay binundol nito si Prime mula sa kanyang likuran. Kitang-kita ko ang pagtalsik ni Prime sa gilid ng kalsada. "TOOOOOOOOOLLLLLLLLLLLLLL!!!" (Itutuloy)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD