CHAPTER 2 (Carmela’s POV)

1340 Words
Carmela gritted her teeth. Her lips were set into a thin line. Habang papalapit sila ng papalapit sa gubat ay lalong bumibigat ang pakiramdam niya. Huminga siya ng malalim para kalmahin ang sarili niya. She knew she wants this from the very start. Now that she’s back, dalawa lang ang purpose niya. That is to protect nature and seek revenge for her father’s death.   “Carmela?”   She felt a hand on her shoulder. Napalingon siya dito. Sir Toto, her team leader smiled at her. Napalitan tuloy siyang ngumiti rin.   “Kinakabahan ka ba?”   Umiling siya. She was far from nervous. Pero natutuwa siyang nag aalala ito. Para na rin kasing tatay ang turing niya dito. The man was like her father. Mahal na mahal nito ang kalikasan. Mahal din nito ang trabaho nito bilang forest ranger. She respects him in that aspect.   “H-Hindi naman po.”   “I think hindi na kakabahan sa gubat si Carmela, Sir.” Kuya Bryan sneek a peek to their team leader. “Madalas din naman siyang isama ni Sir Harold[MJS1]  noon.”   “Wow. Ibig sabihin natural lang talaga sayong maging forest ranger.” Nick one of her team mate said that. Kanina niya pa napapansin na panay ang tingin nito sa kanya, nung una silang nagkita kita sa meeting place nila.   Ngumiti siya dito pero agad din naman niyang ibinaling ang tingin sa harap niya. She doesn’t want to encourage the guy. She wasn’t really into men. Sa harap niya naman ay nakaupo ang batang si Uno. Kanina pa rin ito nakatingin ng may paghanga sa kanya. Halata kasi sa mukha nito. Nakanganga ito, everytime na titingin siya sa deriksiyon nito.   “Yes madalas po akong isama noon ng ama ko.” Sagot niya.   Saglit pa silang nagka kwentuhan. She veered the topic away from her father’s death. Ayaw niya munang pag usapan dahil hanggang ngayon, it was still painful for her. Mabuti na lang at hindi rin naman nag tagal ang biyahe nila. Huminto ang sasakyan sa bukana nag gubat ng El Nido-Libertad. Isa isa silang bumaba lahat.     She inhaled sharply then exhaled her breath. Masarap ang simoy ng hangin. But the danger lies within the forest. Tumiim ang titig niya. Ito ang unang patrol niya. Sir Toto divided them into three persons per team. Alpha, Beta, Charlie, and Delta teams. She was put into team with Uno and Nick sa team Charlie. Ipinakilala din sa kanila ang ibang makakatulong nila sa patrol. Ang mga para enforcers na mga local sa area.   Nagulat pa nga siya ng videohan siya ng Team Leader nila. Napaangat ang gilid ng labi nito. Tila na-amuse ito sa reaksiyon niya.   “Sorry Carmela. This is a habit. Gumagawa ako ng blog para mas mapalawak pa ang information ng ibang tao, lalo na ang kabataan sa pag protekta ng kalikasan.”   “Sir. Nakuha niyo ba ang magagandang anggulo ni Carmela?” Nick appeared beside her, bago pa siya makapagsalita. Umakbay pa ito sa kanya na ikinairita niya. “Ganda niya eh. Swerte kami ni Uno.”   Ngumiti pa ito sa isa sa pinaka bata nilang kasama. Namumula ang mukha na tumingin ito sa kanya sabay iwas. It was adorable for a moment kaso lang hindi niya ito kahit kailan man magugustuhan. A part of her temple ticked. Kailangan niya din atang sabihan si Nick na hindi sila nito talo. But she has to be sure first. Kailangan niya din naman ang kooperasyon ng mga ito.   Pigil ang inis na tinanggal niya ang kamay ni Nick sa balikat niya. Hindi na rin niya tiningnan kung ano ang reaksiyon nito nang mauna na siyang maglakad. Hindi niya nilingon ang dalawa.   “Yan. Presko mo kasi.” She heard Uno said.   “Eh. Sayang pagkakataon.” Si Nick naman yung nagsalita.   Lihim tuloy siyang napaikot ng mata. She walked to Sir Toto. May kailangan siyang malaman at hindi niya iyon makukuha sa mga baguhan ding kasama.   “Sir.”   “Yes, Carmela?”   “Kilala niyo po yung dating team leader? A-Ang papa ko po.”   “Yes.” Humarap ito sa kanya. His hands on his camera na pinatay muna nito, but he continued walking. “He was a good man. He thought me many things about the forest, dahil sa kanya naging mas passionate ako. But his death, was a mystery. May mga militar na nag rescue samin but during the run we scattered. Akala ko nga nailigtas kaming lahat pero hindi ang ama mo. The rest is history.”   Natigilan siya. Ibig sabihin wala man lang nakakaalam kung sino ang pumatay sa tatay niya kahit sa mga dati pang forest ranger na naging kasamahan ng ama niya. Ibig bang sabihin nito ay hanggang dito na lang ang pag i-imbestiga niya? Napailing siya. Hindi maaari. She knew. Andito lang ang susi sa lugar na ito, para malaman niya ang pagkamatay ng ama niya.   She felt a hand on her shoulder. Sir Toto squeezed it. “You have to move on Carmela. His death wasn’t in vain. He would get the justice he deserved. Walang mga bagay sa mundo na hindi naitatama.”   Uminit ang dibdib niya sa sinabi nito. Everyone told her to move on. Pero paano niya gagawin iyon? Her father is the only family she had left, bago ito namatay. Namatay na ang ina niya simula ng isilang siya. Ang ama niya lang ang tanging naging pamilya niya simula ng mag kaisip siya.   Tumango siya dito. But she wasn’t gonna give up. May mga clues din siyang mahahanap. It is just a matter of time.     Ngumiti ito sa kanya. Umiwas siya ng tingin. Sir Toto was smiling sincerely. Ayaw niya namang makita nito sa mga mata niya na hindi siya titigil sa pag hahanap ng hustisya sa pagkamatay ng ama niya.      -------------------------   Carmela looked at her sorroundings. Dito sa lugar na ito madalas maglakad ang ama niya. Saan kaya ito possibleng pumunta? Inikot niya ang mga mata. Halos puno ang nakikita niya. Pero may mga hayop din kagaya ng balintong at mga komodo dragon ang nasa paligid.   Busy na rin ang iba niyang kasamahan. They are geo-tagging all the timber. Geo-tagging [MJS2] is tagging all the timber that is old enough to be used as a log. Yung ang pinoprotektahan nila. Yung mga matatandang puno na madalas putulin ng mga illegal loggers. Binibisita din nila ang mga bagong puno na itinanim ng mga dating forest ranger.     Naglakad siya sa isang lugar na puro puno ng niyog. Ilang oras na din silang nasa gubat. Talagang inilibot sila ng team leader nila para makabisado nila ang loob nun. Mula sa kinaroroonan niya ay kitang kita niya ang isang military outpost. Kumunot ang noo niya.  Halos 10 atang sundalo ang nasa post na iyon. Kung may mga sundalo na dito noon. Bakit hindi agad ang mga ito ang hiningan ng tulong noon ni Kuya Bryan?   Humakbang siya palapit sa mga ito. Kailangan niyang malaman sa mga ito. She was near the outpost when she stopped. May truck na may mga lamang bato ang nakita niyang pinadaan ng mga ito.   ‘VG…...something?’ Hindi niya masyadong mabasa ang ibang letra dahil natabunan na ng dahon ng puno na nakapalibot sa outpost na yun. Kumunot ang noo niya. Napadaan lang ba sa Libertad ang mga ito?   “Carmela!” Kuya Bryan approached her. Hindi niya ito nilingon. Deri-deritso lang siya sa paglakad papunta sa deriksiyon ng mga sundalo.  Kailangan niyang malaman. “Wait!”   ‘s**t!’ Naabutan siya nito at nahawakan sa balikat.   “Saan ka pupunta?”   “W-Wala naman kuya Bryan.” Humarap na lang siya dito. Sa susunod na araw na lang siya mag tatanong.   Hindi siya mag tititwala sa mga kasamahan niya. There was something that she felt in her guts. Sa tagal na ng ama niya sa gubat. Alam niyang maingat ito. Kailangan niyang malaman kung bakit namatay ang ama niya.  [MJS1]Dad ni Carmela.  [MJS2]Research geo-tagging
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD