CHAPTER 8 (Carmela’s POV)

1137 Words
May ilang oras pa naman sila bago talaga mag patrol. They are composed of 3 teams per hectares’ kaya silang tatlo nina Uno at Nick ang magkakasama. Tumatambay pa sila habang nakatingin sa ginagawa ni Selene. Nakatayo sila malapit sa van. Inaantay na bigyan sila ng go signal ng doktora para maihatid na nila ito sa clinic nito at makapag simula na sila sa pag p-patrol.   “Ganda ni Doc.” Lumapit sa kanya si Uno. Naka cross ang braso nito sa dibdib. Saka tinitigan ang kanina niya pa din tinitingnan. “Swerte ng lalakeng mamahalin niya.”    Bumangon ang inis sa mukha niya. “Sure ka bang lalake ang gusto niya?”   “Wag kang magalit Carmela.” Lumapit din si Nick sa kanya. Dito naman tuloy nabaling ang tingin niya. Pinapagitnaan na siya ngayon ng dalawa. Nginuso nito si Selene. “Sa sobrang hinhin ni doc. Tingin ko di yan napatol sa kapwa niya.”   Napangiti siya. Umiling iling pa siya para mas dramatic ang sasabihin niya sa dalawa. “I hate to buzz your asses pero may mga babae, na babaeng babae tingnan pero napatol sa kapwa babae.”   Napanganga naman ang dalawa sa kaniya. Naiiling na lang na lumapit siya kay Selene. Ang ganda talaga nito. Lalo na kapag nakikita niya ang pag kunot ng noo nito dahil sobra ang binibigay nitong konsentrasyon sa ginagawa.   Kinakausap ito ng mga locals. Magalang din naman nitong sinasagot ang mga tanong ng mga matatanda doon. Ngumiti ulit si Selene sa matanda. Napangiti din tuloy siya. Ang ganda ng dimples nito. Bagay na bagay dito.   “Do you need assistance in transporting the dolphin?” She approached Selene. Mukha kasing dudumugin na naman ito ng tanong ng mga locals. Minsan nahihirapan din kasi itong tumanggi sa iba.   “Yes. Thank you.” Ngumiti ulit ito.   Nakangiting inalalayan niya na ito patayo. “Tara?”   Nilingon niya ang mga kasama niya. Saka sinenyasan ang mga ito na asikasuhin ang dolphin. Sumunod naman ang dalawa sa kanya kahit na iniismiran siya ni Nick. Inilagay nilang tatlo ang dolphin sa malaking open container na may mga tubig dagat. Saka sabay sabay nilang binuhat para mailagay sa van.  Bumalik siya para alalayan naman si Selene.   “Bestfriend laway mo tumutulo. Sino ba diyan sa dalawa ang tinitingnan mo?” She heard a loud teasing voice.   Napalingon tuloy siya sa pinagmulan nun. A group of tourist, two women and a guy was looking at their direction. Mukha kasing hindi taga rito ang mga ito dahil sa suot na mga bikini. Hindi naman ganito ang suot ng mga locals kapag naliligo sa dagat. Maputi din ang mga ito. But the girl wearing a red two piece caught her eyes. Bilugan kasi ang mga hita nito at sa tingin niya ay nasa 5’3 lang ang tangkad nito. Ma kurba din na parang gitara ang katawan nito. The woman had an almond shape eyes na bagay dito pero nag mumukha itong masungit.   Mukhang na badtrip sa kaibigan nito yung babae. Nag usap usap muna ang mga ito. Kaya tumalikod na siya para alalayan sa van si Selene.   “Uy Carmela. Pahawak naman nung kabilang side nitong container.” Nick grumbled. “Nangangalay na ako eh.”   Natawa dito si Uno bago sumakay sa passenger side. Inirapan niya naman ang kaibigan pero ginawa niya din naman ang sinabi nito. Kinuha niya ang container at pinasok sa loob. The dolphin was probably sleeping dahil sa binigay na gamot ni Selene dito. Pumasok na din si Nick sa driver’s seat saka iyon pinaandar paalis.   Hindi niya alam kung bakit pero napatingin ulit siya doon sa babae. Saglit siyang natigilan dahil nakatingin din ito sa kanya. Ilang segundo niya itong tinitigan dahil na c-curious talaga siya kung bakit din siya nito tinititigan kanina.   Muntik na siyang matawa ng lumingon pa ito sa likod nito. So she settled for a corner smile. Napatingin din ito sa kanya. Pagkatapos ay napatingin din ito sa katawan nito. Nakakaamuse ito. Hindi niya tuloy mapigilang ngumiti. She hid it by looking at the woman in front of her. Nahuli niyang nakatingin din si Selene sa tinitingnan niya. Kumunot ang noo nito ng tumingin sa kanya.   “Do you like that girl?” Selene said.   Malayo layo na sila sa lugar na iyon ng itanong nito iyon.   Umiling siya. She can’t help but smile. Did she hint a jealousy in Selene’s voice?   “Hindi tinitigan ko lang kasi nakatingin satin kanina.”   Huminga ito ng malalim saka ngumiti sa kanya. “M-Mabuti naman.”   Tinitigan niya ang mga mata nito. She likes flirting with Selene. Nakipag titigan din ito sa kanya. Those eyes travelling to her lips then back to her eyes. She was about to lean in for a kiss nang huminto ang van. Nasa tapat na sila ng clinic nito.   Uno appeared in front of them. Nanlaki pa ang mga mata nito ng mapansing halos isang dangkal na lang ang layo ng mukha nila ng doktora.   Tumingin si Selene kay Uno na tila nahihiya. Nag mamadali na din itong bumaba ng van.   “T-Thank you sa pag hatid sa akin at sa dolphin dito sa clinic.” Yun lang at tinalikuran na sila nito para mag sabi sa mga kasamahan nito na ibaba ang dolphin.   Ni hindi na nga ito nakapagpaalam sa kanya. She reached out a hand peo ibinaba niya din iyon.   “B-Bye---“Yun na lang ang nasabi niya.   “Wow!” Uno clapped his hands. “Mukhang tama nga ang theory mo Einstein.”   She felt her face flame. Napakamot na lang siya sa batok niya.   “Uy Uno. Ano pang ginagawa mo diyan. Pasok na sa loob!” Nick shouted, mula sa driver’s seat.   Nag mamadali namang pumunta sa passenger seat si Uno. Napailing na lang siya dahil malamang ma-i-k- kwento na ni Uno ang nakita nito kay Nick mamaya.   Ilang minuto lang sila nag travel pabalik sa El-Nido Libertad na pinag kuhaan nila ng dolphin. Doon kasi malapit ang binabantayaan nilang protected areas. Pagkabalik nila sa lugar ay andun na rin ang ibang locals na tutulong sa kanila sa patrol. The Para-Enforcers, mga community members na inorganisa ng Palawan NGO Network Inc. or PNNI para tulungan sila sa pag secure ng protected areas.   They directed the Para-Enforces where to go and that they should call for help if they spot those illegal poachers or illegal loggers in the forest. Wala kasing proper training ang mga ito at wala ding armas na binibigay para sa mga ito para maprotektahan ang sarili. Honestly, she doesn’t like recommending the locals to help in the patrol. Lalo pa at walang training ang mga ito. It was like walking into a lion’s den ready to be slaughtered.    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD