CHAPTER 9 (Zyrene’s POV)

1469 Words
Sumusunod si Zyrene sa mga kaibigan habang papasok sila sa mapunong bahaging iyon ng gubat. Mathew was leading the way sa bukal na tinuro ng mga locals dito. He even made them drew a map. Ayaw nitong mag pasama sa mga locals dahil mas maganda daw na walang guide. Adventure daw iyon. Which she just rolled her eyes at. Ilang minuto na kasi silang nag lalakad.   Hindi niya pa maiwasang hindi isipin yung babae kanina na may nunal sa ilalim ng bibig. She was really intrigued. And she can’t help but think about that beautiful face. There was just something about that forest ranger that piqued her curiosity. Bakit ito naging forest ranger kagaya ng ama nito?   “Uy Z. Kanina ka pa nakatulala diyan.” Charlotte asked her.   Totoo namang natutulala siya hindi lang dahil sa Forest Ranger na yun. But because she doesn’t know what to feel. Makikita niya pala dito ang anak ng taong naging isa sa biktima ng dad niya. Hindi niya rin akalain na makikita niya ito sa malapitan. Hindi lang sa tv. Mas maganda ito sa personal. Pero hindi iyon ang inaalala niya. Sana wag ng mag krus ang landas nila ng babaeng iyon.   “Z!” Charlotte threw her hands in the air. “Naloko na. Mathew halikan mo nga yang si Z, para maisip niyang lalake pa din ang gusto niya.”   Doon na siya inis na tumingin sa kaibigan. Kanina pa kaya sila paikot ikot sa lugar na yun. Ilang minuto na nga ata silang palakad lakad pero hanggang ngayon wala pa rin yung tinutukoy ng mga itong falls. Nilalamok pa siya. Tapos aasarin pa siya nito.   “Hindi ako na t-tomboy sa kanya Charlotte.” Lumapit siya sa kaibigan. “Hindi mo ba nakikilala yung babaeng forest ranger?”   Umiling ang kaibigan niya.   “Haven’t you watched the news? Isa siya sa na-interview sa pagkamatay nung team leader nila. Si Veguilla. Ring any bells?”    Nanlaki ang mga mata ng kaibigan niya. “Oh, siya yun?”   Tumango tango siya.   “Guys. Up ahead. Malapit na daw dito yung falls ayon dito sa mapa ko.” Nakangiti pa si Mathew sa kanila kaya hindi na sila nakapag usap pa ng kaibigan.   Tila nabuhayan naman ng loob ni Charlotte. Sumabay na ito kay Mathew sa pag lalakad. Nakalimutan agad nito yung sinabi niya. Siya lang ba ang masyadong may concern sa nalaman niya?   Shocks! Ang daming lamok talaga!   Zyrene swatted the buzzing insects and mosquitos in her body and legs. Hindi niya tuloy napansin na lumiko ang mga kasama niya. Nakatingin lang kasi siya sa legs niya na mapupula na dahil sa kagat ng lamok.   Bakit nga ba ako nag shorts? Zyrene grumbled to herself. Derideritso pa rin siya sa trail na dinadaanan niya.   Napansin niya lang na may mali dahil hindi niya na naririnig ang dalawa niyang kasama. She looked up and looked around. Lumakas ang t***k ng puso niya sa kaba ng makitang siya na lang ang nasa daan na yun. No signs of Charlotte or Mathew.   “Charlotte?! Mathew?!”   Nangilid ang luha niya. Mamamatay na ba siya dito? But then she remembers that she still has her phone. Agad niya iyong kinuha sa bulsa niya. Only to see that it has no signal. Nakaramdam siya ng pag asa. Kailangan niya lang makarating sa lugar na may signal para matawagan ang mga kaibigan niya. Baka nga hinahanap na din siya ng dalawa. Those two won’t leave without her. Siguradong tatawag ang mga iyon ng pwedeng mag hanap sa kanya.   She composed herself.   “Ok Zyrene.” Tumigil muna siya. “Inhale. Exhale.”   Ginawa niya ang mga sinasabi niya, and when she felt relax.  Saka naman niya narinig ang alingawngaw ng isang baril malapit sa kanya. Then another. Napatili siya. Saka nag tatatalon na tumakbo. No direction. Basta makaalis lang siya sa lugar na yun.   When she felt like she was far enough to the sound of the guns. Napaupo na lang siya sa isang malaking ugat ng puno. Malapit iyon sa tila kweba. Pero hindi siya pupunta sa kweba para mag tago kahit pa may mag sabi sa kanyang safe iyon. Malay niya ba kung may mga gumagapang na insekto dun. Mas malala kung may ahas pa. Maisip niya pa lang ay naninindig na ang balahibo niya.   Napapaiyak na naman siya ng makita ang mga sugat na natamo niya pala kanina. May mga sugat siyang dumudugo na din. Siguro dahil sa adrenaline rush kaya hindi niya iyon nararamdaman kanina. Pero ito nga at humahapdi na ang mga sugat niya. Even the bites of the mosquitos and other insect is making her lose hope.   Napayakap siya sa mga tuhod niya. Bata pa siya. Sana lang hindi siya mamatay sa gubat na ‘to. Papaiyak na sana siya when something crawls up her legs. Napatayo siya at nag tititili. Ngayon lang siya nakakita ng ganung klase ng hayop.   Dirty pink ang kulay nito. May mga kaliskis ang balat nito at mahahaba ang mga kuko. Mahaba din ang nguso nito. Bumilog ito ng malaglag sa hita niya. Kumuha siya ng kahoy para sana hampasin ito pero may pumigil sa kamay niya. A hand gripped her own.   Nag titili siya at pinag hahampas ang humawak sa kamay niya.   “Aray!”   Napahinto lang siya ng marinig ang boses na yun. Babae ang nakakita sa kanya. Napaangat siya ng tingin at nanlaki ang mga mata niya ng makita ang green nitong sombrero at ang suot suot nitong uniform. It was the forest ranger!   “What the hell?!” Hinimas nito ng mabilis ang mga natamaan niya. All the while glaring at her. “Ikaw na nga itong nililigtas ikaw pa ang may ganang manghampas. Tapos hahampasin mo pa yung kawawang Balintong. This woman.” Umiiling iling pa ito.   “Hindi naman delikado ang mga balintong. Sila nga ang madaling ma-capture because they just curl into a ball. Kawawa naman ang mga balintong sayo.”   Nangilid ang mga luha niya. She’s safe! Napatigil ito sa pag sasalita. Tinitigan siya nito. There was worry in those eyes.   “O-Ok ka lang?”   Akala niya talaga mamamatay na siya dito sa gubat. Akala niya mabubulok na lang siya at kakainin ng mga hayop ang katawan niya. Akala niya mamamatay siya doon sa mga nag paputok kanina ng baril.   Napahagulgol siya at niyakap ito. Saglit itong naestatwa. Pero hindi naman siya nito niyayakap pabalik. Ilang minuto siyang nakayakap dito pero talagang hindi man lang siya nito kino comfort. Nakasimangot na humiwalay siya dito. Bakit dun sa babaeng doctor ang bait bait nito. May mga ngiti pa sa labi nito.   “Ok ka na ba?”   Nakasimangot na tumango siya dito. Ang sungit naman!   “Tara na para maihatid na kita sa safe zone. Wag na kayong pupunta ng mga kaibigan mo dito. Delikado dito. Madalas ang mga poachers at illegal loggers sa lugar na ‘to. Mabuti na lang at hindi yung mga illegal loggers ang nakakita sayo.” Tiningnan nito ang legs niya. Napailing ito. “Mas malala pa diyan sa mga sugat ang pwede mong matamo.”   “Nakita mo sina Charlotte at Mathew?” She sniffed.   Tumango ito. “Yes.”   “Mabuti naman.” Nakahinga siya ng maluwag. Her friends are safe. Sana hindi ang mga illegal loggers ang may gawa nun. They just added another list of crime againts her kapag nagkataon.   Tumalikod na ito at naunang mag lakad sa kanya. Ni hindi man lang siya hinawakan sa kamay para alalayan. Kung may isisimangot pa siya. Siguradong may mas pa doon. Siguro nga crush talaga nito yung doctor. Hindi man lang natinag sa ganda niya.   “T-Teka lang naman!” Hinawakan niya ang likod ng uniform nito.   Nakasimangot na nilingon siya nito. “Bitaw.”   Umiling siya. Nainis niya na ata ito kaya ito na ang humawak sa kamay niya at inalis ang pag kakahawak niya doon.   “Bakit sakin ang sungit mo? Pero pag dun sa doctor ngiting ngiti ka.” Hindi niya na napigilang sabihin ang iniisip niya.   Ngumiti ito ng sarkastiko. “So what? Do you want me to smile at you?”   Iniwas niya ang tingin dito. “H-Hindi. Tara na.”               Sino nga ba siya para ngitian nito? She was the daughter of a murderer.   Humakbang na ito, susunod na din sana siya. But then a gun shot was heard in the forest. Sunod sunod iyon. She panicked and attempted to run away. Kahit saan basta makalayo lang sa mga barilan na naririnig nila. But she felt a hand encircled her into a hug bago pa siya tuluyang makatakbo.   “You are safe.”   Hindi alam ni Zyrene but she really felt safe inside Carmela’s arms. Like she was meant to be protected. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD