20

1335 Words
Philip POV "Congratulation Mr. Villaluz your wife is 8 weeks pregnant. I suggest na iwasan nyang ma stress or ma pagod para hindi na ito maulit." " Oh thank you Doc..... Wala naman po syang ibang sakit Doc??? Kamusta ang baby namin???" " Ayos naman ang baby sa loob ng tummy ng asawa mo. May i refer ako na Doctor para sa kanya. Later magigising na rin sya." Nagpaalam na yung Doctor sa akin. " Thanks Lord! Blessing pala ang bigay mo sa amin. Salamat po." Sobrang saya ko. Nagising na rin si Mia. Pina general check up ko na rin siya para ma sure ang health nila ng baby namin. Tuwang tuwa ako dahil madadagdagan na naman ang miyembro ng pamilya namin. Nakalabas na rin sya kinabukasan. Binili ko lahat ng vitamins na kailangan ni Mia. Prutas at pati ang gatas na iinumin nya para sa baby namin. Na excite akong makita ang anak ko... " Love kainin mo ito." Ipinagbalat ko sya ng apple. " Wala ka bang pinaglilihian???" tanong ko sa kanya. Ngayon ko pa lang kasi masusubaybayan ang pagbubuntis nya. Nung kay Pritz kasi ay 7 months na bago ko nalaman na magkakaanak na kami. " Wala pa naman love." sagot nya sa akin habang kumakain ng apple. Tumango nalang ako sa sinabi nya. " Friend may letter ka pa lang pinadala dito ng Atty ng Lolo mo." sabay abot sa kanya ng envelope ni Jeya. Umalis na rin naman ito pagkatapos iabot ang sulat. " Anong sabi sa sulat love.?" Curious na tanong ko. " Gusto daw akong makausap ng personal meron daw ibibigay na importanteng bagay na iniwan si Lolo sa akin. Pero nakakapagtaka anak nya itong sumulat love." habang binabasa nya pa ang sulat. " Bakit daw? Edi tawagan na lang sya. Ayokong bumyahe ka malayo rin yun baka mapano pa kayo ng baby natin." hinaplos ko rin ang kanyang medyo may umbok na nyang tiyan.Nag-aalala ako sa kalagayan nya. "Samahan mo nalang ako love. Mukhang importante eh." Siguro nga mas maganda kung sasamahan ko nalang sya. Mag pa consult muna kami sa OB nya kung pwede siyang bumyahe pa. Ilang Linggo pa ang lumipas bago kami personal na pumunta sa Office ni Atty. Leslie sya daw ang anak ng Atty nila Lolo Solomon. " Oh Hi Mia... Natatandaan mo pa ako???" si Atty Leslie. Matangkad din itong babae at ma puti. Nagkatinginan pa kami bago kami papasukin sa loob. " Yes po. Ikaw ang nag-iisang anak ni Atty. Vico hindi ba???." sagot naman ni Mia " Please sit down. Sya na ba ang ipinalit mo kay Akio???" tanong nya pa. Nakatingin sya ngayon sa akin. " Kilala mo si Akio????" tanong naman ni Mia. Ah baka dahil sa ama nya. Kasi invited yun nung kinasal sila ni Akio. " Of course.... Best friend namin ni Caila yun..." sagot nya pa sa tanong ni Mia. Nakikinig lang naman ako sa usapan nila. " Caila??? His mistress????" tanong ni Mia. Yung Caila siguro ang tinutukoy nya dati sa akin na itinira ni Akio sa bahay nila. " Hahahahahh!!!! Until now your legally separated na sa kanya pero hindi nya pa rin nililinaw sayo yun??? Oh by the way hindi nya mistress si Caila. Best friend nya ito na to the point na pumayag itong pag selosin ka noon pero hindi umepekto dahil may iba ka daw mahal. Haha!!! Kung itong kasama mo ngayon ang tinutukoy nila. Not bad. Kahit ako maiinlove sa kanya." Pinagpapantasyahan pa ata ako. Tumingin rin si Mia sa akin at saka ako niyakap. " Yes... Sya lang ang nag-iisang mahal ko. Kaya kapag nagkaroon ako ng kaagaw sa kanya titiyakin kong makakalbo ko ang babaeng yun." Medyo galit na si Mia. Alam kong ramdam nya rin ang pagpapakita ng interes ng babaeng to sa akin. " Oh talaga ngang mahal na mahal mo. By the way here's the documents na iniwan ni daddy." sabay abot nya kay Mia mg mga papeles. " Hindi na kami magtatagal sa bahay ko nalang bubuksan. Thanks Atty." nagpaalam na kami sa Atty. " Love kanina ka pa tahimik." Buong biyahe kasi ay tahimik lang si Mia. May mga food naman kaming dala kaya sa sasakyan ko ka rin siya pinakain. Narito na kami ngayon sa bahay sa sala. " Naiinis ako sayo. At talagang nakikipagtitigan ka pa sa malanding yun. Halatang halata na inaakit na." inis pa na sabi ni Mia. Ngayon ko lang sya nakitang nag selos... " Hahahahahaha...." di ko talaga mapigilang matawa. Naalala ko kasi nung nagpanggap akong may babae at kalalabas lang ng banyo wala akong makitang bakas ng inis o selos nya. Parang wala lang sa kanya. " Pinagtatawanan mo ako????" bigla syang umiyak... " Oh I'm sorry love. Hindi kita pinagtatawanan. Masaya lang ako kasi alam kong di mo ako ipapaagaw sa iba. I love you I Love you..." hinalik-halikan ko ang buhok nya. Niyakap ko rin sya. " Mahal na mahal kita Philip, hindi ko na kakayanin kapag nawala ka pa sa akin." " I love you more love. Ikaw lang ang babaeng mamahalin ko. Mahal ko kayo ng mga anak natin." Sabi ko pa. Sandali akong nagpaalam sa kanya para ipag timpla sya ng juice at ipag balat fruits para sa miryenda nya. Gusto ko kasi kapag narito ako sa bahay ay ako ang umaasikaso sa kanila ni Pritz. Pagbalik ko sa kanya ay nakita kong may binabasa na syang sulat. " Here's your snack love." inilapag ko sa center table. Busy sya kaya di ko na rin inabala pa. In-open ko na lang ang TV. Gusto kong manood ng news. Mia POV Dear Apo, Alam kong sa mga oras na ito ay hindi mo na ako kasama, iniwan ko ang malaking share at ang Isla sa pangangalaga mo. Alam kong hindi mo ito pababayaan. May isang sikreto akong hindi nasabi sayo apo. Hindi mo tunay na magulang ang kinilala mong mommy at daddy. Alam kong nagtataka ka kung bakit malayo ang loob sayo ng mga ito, ako ang dahilan kung bakit ka nasa pangangalaga ko. (Anong ibig sabihin ni Lolo??) Patawarin mo ako kung kinuha kita sa ina mo nung sanggol ka pa lang. Ang tunay mong ina ang tunay kong anak. ( Ha??? Di ko ma gets. Ang alam ko si mommy lang ang kaisa-isang anak nila ni Lola. Nagkasala ako sa itinuring mong Lola, nag karelasyon ako sa isa sa mga katulong namin noon. Hindi ko alam na nabuntis ko sya. At ang tunay mong ina ang naging bunga. Nalaman ko lang ang tungkol sa kanya ng makita ko ulit ang tunay mong Lola. Ipinagtapat nya sa akin ang tungkol sa ina mo. Mula noon ay pinababantayan ko na sya. Nabuntis sya ng maaga, hindi pinanindigan ng walang kwenta mong ama. Ayokong makita syang miserable kaya kinuha kita sa kanya. Nalaman ko kasing gusto ka rin nyang ipaampon, wag sanang sumama ang loob mo sa iyong ina. Siguro nagawa nya lang yun dahil sa kahirapan at dahil na rin sa ka kambal mong may sakit.. Ayaw nilang tanggapin ang tulong ko kaya hanggang sa pagpapabantay lang ang kaya kong gawin. ( May ka kambal ako????) Patawarin mo ako apo. Ikaw, ang ka kambal mo at ang tunay mong ina ang tunay kong pamilya. Gusto ko ring hanapin mo sila. May iniwan akong malaking pera sa banko. Nakalakip dyan ang mga dokumento. Ang alam ko ay may ibang pamilya na ang ina mo. Ang huling balita ko ay nakatira sila sa Bulacan. May mga anak din ang napangasawa nya sa una. At may dalawa pa kayong kapatid sa kanya. Apo kahit anong mangyari ay wag kang papayag na mapunta kay Estella ang lahat ng iniwan kong yaman para sa inyong mag kapatid. ( Si mommy Estella pero sya ang anak nilang totoo. Ang gulo ni lolo????) " Ampon lang namin si Estella."( Ha paanong nangyari yun.????") Tulungan mo ang kapatid mo apo. Sya ang lubos na nakaranas ng kahirapan. Hanapin mo apo si Catley siya ang kakambal mo....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD