Mia POV
Hinanap namin yung address kung nasaan ang ina at kakambal ko. Na ayun nga sa sulat ni Lolo ay nasa Bulacan daw.
Medyo nahirapan din kami dahil pangalan lang naman ang inilagay ni Lolo sa sulat wala man lang picture para mas mabilis sana naming mahanap. After 2 months ay natagpuan namin sila. Si Jeya ang madalas kong kasama dahil bumalik sa Canada si Philip para asikasuhin ang isa pa nyang negosyo dun. Isinama nya rin si Pritz.
Nakilala ko na ang biological mother ko. Napaka bait nya. Napa ka buti rin ng pangalawang asawa nya. May tatlo pa akong kapatid sa ina. Si Lonji ang panganay nya kay tatay Lino, may sarili na rin syang pamilya doon sika ngayon nakatira sa Baguio taga dun kasi ang napangasawa nya, may isa na rin silang anak. Si Lena naman ang pangalawa dalaga pa ito at may hawig sa akin ang bunso ay si Lino Jr. (Junli ang palayaw nya). Natuwa ako dahil tanggap nila ako. Nagtataka nga sila dahil bakit di ko raw kamukha si Catley. Hindi ko nakita personal si Alley dahil nasa bansang Japan daw ito. Pero nakausap ko naman sya sa phone at sinabi kong ililipat ko sa Isla sila nanay. Pumayag naman sila kaya walang naging problema sa akin..
Inuna ko munang puntahan ang Isla para maka sigurado na walang magiging problema dun. Alam kong nakatanggap rin ng sulat si mommy kaya lang ng dumating ako dun ay naroon pa sila, nagkaroon na naman kami ng di pagkakaunawaan. Hanggang sa nauwi sa away. Medyo na stress ako sa nangyari.
" Love please mag-iingat ka palagi. Pwede namang si Jeya na muna ang pag asikasuhin mo dyan para di ka ma pagod. Ilang buwan palang yang baby natin sa tummy mo baka kung anong mangyari sayo. Please!" Kausap ko ngayon si Philip via video call.
" Don't worry love kaya ko naman." Sabi ko pa sa kanya. Pero sa totoo lang kanina ay nag bleeding ako. Kailangan ko talaga ng bed rest pero di ko naman pwedeng kay Jeya ipaubaya, alam kong di nya kakayanin si mommy.
Mag 7 months na ang tiyan ko at nailipat ko na sa Isla sila nanay. Umalis na rin sila mommy dun dahil kay Atty. Nag message si Philip sa akin na nasa bahay na daw sila pero pupunta lang saglit sa Opisina nya. Kami naman ni Jeya ay pabalik na rin sa Manila.
" Friend dinudugo ka....!" na patingin naman ako sa binti ko may dumaloy nga na dugo. Kinabahan ako...
" Jeya yung baby ko. Hindi pa sya pwedeng lumabas... Arrrraaaayyyyyy......"
Narinig kong nagpa panic na si Jeya. Imbis na sa bahay ay sa hospital kami tumuloy.
--------------
Nagising ako na nasa hospital na ako. Mag-isa lang ako sa room. Maya maya ay may pumasok na nurse.
Chineck ang dextrose na nakakabit sa kamay ko.
" Gising ka na pala ma'am. Tatawagin ko lang si Doc." saka siya tumalikod na. Gusto ko sanang itanong if okay lang ang baby ko sa tummy pero kinapa ko ang tiyan ko hindi na ito ma umbok. Naluha ako sa isiping nailabas ko na sya ng maaga. Kagaya ni Pritz nung pinanganak ko sya kulang din sa buwan.
Sabay na dumating si Jeya at ang Doctor. Bakas kay Jeya na katatapos nya lang umiyak.
" You need to rest Misis. Maraming dugo ang nawala sayo. Kailangan mo pang magtagal ng dalawang araw dito para masalinan ka na rin ng dugo." Aniya pa.
" Doc saan po ang anak ko.?" Hindi ko na naintindihan pa ang ibang bilin nya. Mas inaakupa kasi ang sistema ko ng bagong silang kong anak.
" I'm sorry Misis pero wala na ang baby mo. Patay na sya sa sinapupunan mo palang, mabuti na lang at hindi kumalat sa katawan mo ang lason dahil kung hindi ka naagapan agad baka pati ikaw ay nag-agaw buhay din." nanginig ang buo kong katawan. Hindi ko na pinigilang umiyak... Ang sakit sakit... Naramdaman ko na lang na niyakap ako ni Jeya.
" Where's Philip???" Tanong ko kay Jeya ng magpaalam na sa akin ang Doctor ko.
" Papunta na..." sagot nya habang hinahagod ang likod ko.
" Alam nya na???" tanong ko ulit
" Sssshhhhh wag ka ng magsalita. Mamaya narito na rin sya." Sabi nya ulit. Inaantok ako kaya ipinikit ko ulit ang mata ko.
Kinaumagahan ay nagising akong nasa harapan ko na si Philip. Na guiguilty ako sa nangyari sa bunso namin. Hindi ko kasi sinunod ang mga bilin nya sa akin. Humingi ako ng tawad sa kanya. Hindi ko daw kasalanan ang nangyari. Napaka unawain talaga ni Philip.
Binurol pa namin ng ilang araw si Baby Phia Isabel. Ang laki ng panghihinayang ko dahil babae ang sumunod sana naming anak. Sinabi pa naman ni Philip na gusto nya ng babaeng anak kaya lang nawala naman sa amin.
-----------
Ilang taon na rin ang lumipas pero hindi pa namin nahahanap ang ka kambal ko. Nawala syang parang bula. Ang last na balita ko ay nasa bansang Japan sya. Ang sabi nila nanay ay baka daw kasama ni Akio.... Si Akio na dati kong asawa... How destiny.... Una kaming pinagtagpo pero sa kakambal ko pala nakatadhana...
" Love nasaan ka???" tinawagan ko na sya sa phone. Sa ilang taon naming pagsasama ni Philip parang may nag-iba. Mas madalas sya sa labas. Noong una akala ko ay busy sa business pero di ko maiwasang magduda. May nakita kasi ako sa sasakyan nyang dalawang bundle ng baby diaper... Para saan yun? Para kanino??? Dalawang taon palang mula ng mawala ang bunso namin. Nag se-s*x kami pero wala ng excitement. Parang wala ng pagmamahal. Ayaw kong isiping may iba na sya pero ginugulo ako kakaisip. Nakuha ko na rin syang pasundan pero laging bahay at Opisina lang naman ang ruta nya. Nababaliw ako kaka isip pero hindi ko sya kayang tanungin. Hindi ko alam kung bakit pero parang di ko kayang tanggapin kung sakaling may ibang babae nga sya at ma saklap ay may anak pa sya dito.