C66-Revas Flashback ‼️(PART 3)

1634 Words

Pagkatapos ng insidenteng iyon ay hindi ko na nakita pa ang mag-asawang Gerald at Mary. May nakapagsabi lang sa akin na bumiyahe raw ang mag-asawa papunta sa Maynila kahit kapapanganak pa lang ni Mary sa takot na baka balikan sila ni Maribel. Nanghihinayang ako dahil ang mag-asawang iyon ay kapwa masipag at mabait. Para sa akin ay malaki silang kawalan dahil para na rin akong nabawasan ng mga totoong kaibigan na tunay na mapagkakatiwalaan. “Anong iniisip mo?” tanong sa akin ni Maribel dahil umiinom ako ng alak ngayon. Imbes na magpahinga na ako dahil maaga pa ako sa bukid ay hindi ko magawa dahil iniisip ko ang mag-asawa. Preterm ang anak ni Mary kaya halos mahigit isang buwan din sila sa ospital. Hindi ko maintindihan kung bakit hindi sila nagpaalam sa akin gayong wala naman ako

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD