C53-Revas P.O.V

1602 Words

Kulang na lang baliktarin ko ang Pilipinas para lang mahanap siya pero hindi ko talaga siya makita. Ilang araw na akong walang maayos na tulog dahil sa kahahanap kay Anastasia pero wala talaga. May inutusan na rin akong mga tao para lihim na magmanman sa bahay nila para alamin kung umuwi ba siya roon pero wala raw silang Anastasia na nakita roon. Kung ganoon, nasaan kaya siya? “Ano’ng balita? Nahanap mo na ba siya?” tanong ni Asher sa akin na sinagot ko ng sunod-sunod na iling. “Inaasahan ko nang hindi na talaga siya magpapakita pa.” Napikon ako sa sinabi ni Asher kaya tiningnan ko siya ng masama. “Natural, iisipin no'ng tao na hindi na siya mahalaga sa iyo dahil ilang araw mong hindi inuwian tapos kapag tini-text ka naman niya, hindi mo rin nire-reply-an. Kung ako ang nasa sitwas

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD