C40-Unang asaran bilang magkasintahan‼️

1102 Words

Wala akong nakita na kahit ano sa cellphone ni Revas kaya tinigilan ko na. Nagpatugtog na lang ako para hindi masyadong tahimik dito sa loob. Habang nakikinig ako ng kanta ay bigla kong naalala si Melanie. Nasaan na kaya ang kaibigan kong iyon? Ilang beses ko na siyang tinawagan pero hindi ko na talaga ma-contact. Kahit iniwan niya ako sa gubat ay hindi ko kayang magalit ng matagal sa kaniya dahil no'ng nasa Manila kami ay laging siya ang tinatakbuhan ko. Kapag na-contact ko siya, makikiusap ako kay Revas na kunin ang kaibigan ko para magtrabaho rito dahil alam kong kailangan niya pera. Nabanggit kasi niya sa akin na parehong may sakit ang mga magulang niya. “Señorita!” Napatingin ako kay Gina nang bigla siyang pumasok dito sa kubo. Napansin kong namumula ang kabila niyang pisngi

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD