C68-Revas Flashback‼️(PART 5)

1706 Words

“Aling Belen, si Maribel po?” tanong ko kay Aling Belen dahil paggising ko ay si Aling Belen na ang namulatan ko. “Bakit po kayo nandito?” “Schedule ko po kasi ng paglalaba ngayon,” sagot sa akin ng matanda. “Maaga niya po akong pinapunta rito para mabilis daw po akong matapos agad.” “Nasaan ba siya?” “May binili lang po sa bayan.” “Ano’ng oras siya umalis?” “Kaaalis-alis niya lang po ngayon.” Tumango ako. “Ano raw ba ang bibilhin niya?” Weekly ako lumalabas sa bayan para bilhin lahat ng mga kakailanganin namin sa loob ng isang linggo kaya hindi ko alam kung ano'ng binibili niya ngayon sa bayan. “Wala po ba siyang nabanggit, Señorito? Ang sabi niya, saglit na saglit lang daw po siya, eh. May bibilhin lang daw po siyang importante. “Ganoon ba?” “Opo.” Nang matapos na maglaba si

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD