C38-Talking about the past‼️

1616 Words

Ako lang ang tao ngayon dito sa kubo dahil sina Revas ay abala sa pangunguha ng niyog. Iyon muna ang inuna nila at pagkatapos ay tubo naman ang aanihin nila. Naglalaglagan na raw kasi ang mga niyog kaya kailangan na nilang kunin ang mga bunga para gawing kopra at pagkatapos ay ibebenta nila sa bayan. Habang abala sila ay heto naman ako at nililinis itong kubo na matagal ko ring hindi napuntahan. Nagwalis ako at inayos ang mga tuyong kahoy dahil ang iba ay natumba na. Nang wala na akong maisip na gagawin ay lumabas ako ng kubo para makihalubilo sa mga taong naghahanda ng lulutuin para sa tanghalian. “May maitutulong po ba ako?” tanong ko sa babaeng nagkakayod ng niyog. Hula ko ay maggagata sila pero hindi ko alam kung ano ang gagataan nila. Napahinto ang babaeng nagkakayod ng niy

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD