C42-Senyales ng pagbubuntis‼️

1537 Words

Dito ko na pinakain si Gina dahil wala naman akong kasama. Ang bicol express na dinala niya ay pinagsaluhan naming dalawa. Ayon sa kuwento niya ay hindi niya pala totoong ina ang kasama niya dahil madrasta lang pala. Ang kinikilala naman niyang kapatid ay anak pala ng madrasta niya sa unang asawa. Kaya pala gusto niyang lumuwas sa Maynila para hanapin ang tunay niyang ina at mga kapatid. Noon pa daw dapat niya hinanap kaya lang natatakot siyang makipagsapalaran sa Maynila. “Ang sarap mo pa lang magluto,” puri ko sa kaniya. “Marunong akong magluto pero hindi ganito kasarap.” “Naku! Hindi naman po masyado, Señorita,” pa-humbe niyang wika sa akin. “Medyo nasanay na lang po siguro ako sa katagalan. Lagi nga po akong nasasaktan noon ng Inay ko kapag pangit po ang luto ko, eh.” “Gina.”

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD