CHAPTER 35—HOT ENCOUNTER WITH LUCAS PART 1

3017 Words

WALANG tigil ang kuwentuhan nina Alex at Lucas habang sakay sila ng kabayo. Para kasing hindi nauubusan ng kuwento ang binata kaya nahawa tuloy siya. At napansin niya na isa iyon sa ipinagkaiba nito kay James. Nahawa na rin tuloy ang dalaga sa kasiglahan nito. “Iyon na ba ang ilog na sinasabi mo?” tanong niya rito nang matanaw niya ang malawak na ilog pero mukhang mababaw lang naman at hindi gaanong malakas ang ago. Kayang-kaya ngang tawirin ni Sharp. “Yep,” sagot nito at bahagya siyang nilingon. “Natatakot ka bang tumawid doon?” “Hindi naman,” matapang niyang sagot. “Marunong naman akong lumangoy. Laking-da—” Buti na lang at napigilan niya agad ang bibig bago pa man niya maibuking ang sarili. At mas mabuti na lang at mukhang hindi naman iyon narinig ni Lucas. Tumikhim ito at nginitia

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD