NANG makapasok sila sa loob ng kubo ay dumoble ang kabang naramdaman ng dalaga. Para siyang nauubusan ng lakas. Kaya nanatili siyang nakalambitin sa batok ni Lucas nang ilapat nito sa sahig na kawayan ang mga paa niya. Muntik pa siyang mabuwal dahil sa sobrang nerbiyos. Mabuti na lang at mabilis na pumalibot ang matitipunong braso nito sa kaniyang baywang bago siya niyakap nang mahigpit. Si Alex naman ay matamang napatitig sa guwapong mukha ng binata. Mula sa mga magagandang pares ng mga mata nito ay hindi niya naiwasang ibaba ang tingin sa mga labi nitong nakatikom. At nang ilapit ni Lucas ang mukha sa mukha niya ay tuluyan na niyang napigil ang hininga. She couldn’t stop but to close her eyes nang sa akala niya ay hahalikan siya nito. Pero sa halip ay naramdaman ng dalaga na kumilos a