NANLAKI ang mga mata ni Alex nang bumungad sa pinto ang madilim na mukha ni James. Pero lalo iyong hindi maipinta nang humayon ang tingin nito sa kanilang dalawa ni Asher at nakita sila na magkatabing-magkatabi sa sofa. Ilang sandali pa ay nagmamadali na itong lumapit sa kanila. Si Asher ang una nitong hinarap. “What are you doing?” mariin na tanong ni James sa pinsan nito. “Hindi ba’t sinabi ko na sa’yo ang tungkol—” “I know,” mabilis na sagot ni Asher pero sa kalmadong boses lang. Tila hindi apektado sa kasungitan ng pinsan. “At nakapagdesisyon na ako. I’m keeping her as my guest.” Namilog ang mga mata ni James. “What? Are you crazy?” Si Alex naman ay nakanganga lang na nagpalipat-lipat ng tingin sa dalawa. Hindi niya gaanong naiintindihan ang pinag-uusapan ng mga ito. Pero sure ang