NAPAHINTO si Alex nang sa paglabas niya mula sa silid na ipina-okupa sa kaniya ni Asher sa bahay nito ay nakita niya ito sa sala na kakuwentuhan ang mga kaibigan. Hindi lang pala basta nagkukuwentuhan dahil napansin niya ang mga nakabukas ng bote ng beer na nakalapag sa ibabaw ng mesa. Pero mukhang kasisimula pa lang naman ng mga ito. Parang hindi siya makapaniwala na ang mga bilyonaryong tulad ng mga iyon ay umiinom din pala ng ordinaryong alak. Si Nicolas ang unang nakakita sa kaniya. “Hi, Char! Join us!” tawag nito sa kaniya, sabay taas ng bote ng beer. Agad namang lumingon sa gawi niya ang mga kasamahan nito na sina Asher, Makisig, at Chef Aah. Medyo nakahinga siya nang maluwag dahil wala roon si James. Gayon man ay nag-aalala si Alex sa likod ng isip niya dahil sa pagkawala ng pr