BAGO pa man dalawin ng antok si Alex ay naisipan niyang tawagan ang kaniyang mga magulang para kumustahin. Siguradong sa mga sandaling iyon ay hindi rin dalawin ng antok ang mga ito sa kakaisip sa kaniya. Iyon kasi ang unang beses na nahiwalay siya. Gayon man ay sinikap ng dalaga na gawing normal ang pakikipag-usap sa ama’t ina. Walang kamalay-malay ang mga ito sa totoong ginagawa niya rito sa Manila. Dahil siguradong hindi siya papayagan kapag sinabi nila ni Mrs. Guanzon ang tunay na dahilan ng pagluwas niya. Ang paalam ni Alex, sasama siya sa mga Guanzon para sa isang buwang trabaho na may malaking sahod. “Sigurado ka ba, anak, na okay ka lang diyan?” nag-aalala pa rin na tanong ng kaniyang Nanay Sally na tila hindi kumbinsido nang sabihin niyang maayos lang ang lagay niya. Pinaniwala