Mahalimuyak na hangin ang palaging sumasalubong sa kanila sa tuwing namumulaklak ang puno ng Narra, huni ng mga ibon na para siyang hinaharana at agos ng tubig mula sa bagsak na talon na para bang sumasabay sa ritmo ng kaluskos ng mga dahon.
Payapa man ang kanilang pamumuhay ng kanyang alipin ay bumagabag parin ang kasalanang nagawa niya sa kanyang asawang Hari.
"Isa akong taksil na asawa at pabayang ina, nais kong parusahan ang sarili ngunit ayaw kong idamay ang batang nasa sinapupunan ko." Umiiyak niyang tugon sa alipin nang dapit hapong kanilang inaayos na ang higaan upang makapag-pahinga.
"Nasa ilalim ka ng kapangyarihan ni Felicia ng panahong iyon mahal na Reyna, noon pa man ay nais nangsirain ng mga magulang niya ang lahat ng kaharian upang sila ang magmuno." Tumintingin sa kawalan ang alipin at ipinagpatuloy ang kanyang pagsasalita. "Walang dugong bughaw ang Reyna ng Esteria, nasa ilalim sila ng pangangalaga ng itim na mahika."
"A-ano?"
"Ngunit mag ikina-katakutan nila ang kapangyarihan ng isang natatanging nilalang na tatapos sa itim na mahika." Hindi maproseso sa utak ng Reyna ang mga pinagsasabi ng kanyang alipin ngunit kailangan niyang intindihin ito. "Mahal na Reyna, ang batang nasa sinapupunan mo ay dapat maikasal sa bunga ni Reyna Samirah at Haring Hades."
"Ang Hari ng Esteria at Reyna ng Oesteria?" Takang-taka siya sa mga pinagsasabi ng kanyang alipin kaya naisipan niyang komprontahin ito hinggil sa kanyang nalalaman. "P-paano mo nalaman ang mga ito?"
"May lahi akong bughaw, ngunit wala kaming kaharian sa mundong ibabaw." Maikling sagot niya rito.
Namuhay sila sa ilang buwan at hanggang sa mapanganak na niya ang sanggol sa sinapupunan niya. She died after giving birth kaya napilitan ang alipin na kunin ang bata at bumalik sa hari upang ibalita ang pagkawala ng Reyna, bago pa man ito maka alis ay nadatnan sila ni Haring Shu at Haring Constantine.
"Kaya pala parang tinatawag ako ng tubig at dito ako dinala ng hangin" ngumiti ng matamis ang hari. "Siya ay aming bunga." Nawala ang ngiti sa labi ni Haring Shu nang makitang naghihinagpis ang Hari ng Norteria.
"Mahal na hari, agaw buhay ang bata nang maipanganak ito ng Reyna kaya't ibinigay niya ang nalalabing buhay niya upang madagdagan ang lakas nito." Bagsak balikat na nilingon ng Hari ang bata. Bago pa man siya makagawa ng hindi nararapat gawin at hinawakan siya ng alipin sa balikat at ipinakita rito kung ano ang dahilan bakit ng Reyna isinakripisyo ang sariling buhay para rito.
"Hindi ko matatanggap ang batang iyan." Wika nito at lumisan dala ang bangkay ng kanyang asawang Reyna.
Noong ipinanganak na ang May lahing tatlong kaharian ay siya ring pagkamatay ng sanggol sa sinapupuan ng Asawa ng Duke na si Aguela. Si Frederick ay isang duke ng Oesteria.
"Frederick, may lahing bughaw ang batang ito, nawa'y tanggapin ninyo at palakihin bilang tunay na anak. Hayaan ninyong aalagaan siya ni Gilda (matapat na alipin ni Andromeda)." Wala pang lumalabas na sagot sa Duke nang kunin ng asawa niya ang bata.
"A-anak ko..."
Dahil sa nakita ng Duke, napagdesisyunan niyang tanggapin ito at pinagtiwalaan sila ng Hari nila.
"Ano ang nais mong ipangalan sa kanya mahal ko?"
"Divinia"
Ipinagtapat ng haring Shu sa asawang si Reyna Samirah ang tungkol sa kanyang nagawang kasalanan. Lubos na nasaktan ang Reyna ngunit inisip niya lamang itong kabayaran ng kataksilan niya. Ipinag kasundo ang Prinsepe Hadev at si Devinia upang siyang uupo sa truno pagdating ng panahon, at dito na nagsimula ang kanilang pamumunong mag-asawa na parehong mga ibang lahi.
Lumaki ang bata sa piling ng Duke at Ducktress, lumaki itong pinaglapit kay Hadev, ang batang may tatlong kaharian. Madalas manatili si Devinia sa Palasyo at doon minsan kumakain kasabay ng Prinsipe Hadev, kaya tinatawag na rin siyang prinsesa ng mga tauhan.
"Hadev, mahal... ayaw kong sabihin sa amang Duke and tungkol sa atin baka tayo paglayuin." Wika si Devinia nang makapasok sila sa palasyo galing sa kanilang pamamasyal.
"Ako may natatakot din sa magiging reaksyon ng mga magulang ko, ngunit buo na ang loob ko na ipaalam sa kanila habang maaga pa." Hinawakan niya ang kamay ng kasintahan at tinungo ang koridor.
Hindi pina alam ng mga magulang ng mga ito na sila ang nakatakdang ikakasal pagdating ng panahon dahil hinayaan silang magdesisyon ng kanila lamang. Hindi sila pipiliting ikasal kung hindi naman pareho ang kanilang nararamdaman.
"Masyado pa kayong bata, nag-aaral pa nga kayo ay nais niyo na humingi ng basbas?" Kompronta ni Shu sa kanila. "Alam mong hindi maaaring ikasal kapa-"
"Mahal na hari, basbas niyo po ang kailangan namin upang maging ganap na magkasintahan. Magtatapos po kami ng pag-aaral at sasabak sa ensayo ng pagpapalakas upang mapatunayang kaya naming pangangalaga-an ang kaharian at ang buong Norteria, hindi po kami magpapabaya."
"Paumangin po mahal na Hari at Mahal na Reyna, pinilit po naming pigilan ngunit mas lalong nahuhulog kami sa isa't isa." Yumuko ang dalaga at patuloy na nagoaliwanag. "Puso man namin ay hindi mapigilan, kontrolado po namin ang aming mga katawan upang hindi magawa ang bagay na kinakatakotan ninyo."
Napangiti ang Reyna sa winika ng kanyang Anak, tunay ngang napalaki nila ng maayos ang anak at nagabayan rin ng Duke at ng asawa nito ang anak nilang si Devinia. Natuwa rin si Gilda sa inasal ng kanyang alaga.
"Hadev, anak." Tawag niya rito. "maraming tukso ang mundo, kahit na ang pinakamatapat na nilalang ay kayang tuksuin. Kaya mo bang labanan ang tukso?"
"Ama, isang babae lamang ang nagmamay-ari ng puso ko."
Ayaw ng Hari ang maulit pa ang nangyari sa kanila ng Reyna, marahil ay hindi siya Mahal ng Reyna ng panahong iyon dahil iba ang minamahal nito at siya nama'y masunuring tinupad ang utos ng magulang. Ngayong nagmamahalan ang dalawa ay malugod nilang ibinigay ang basbas. Hanggang sa maikasal sila at pinamunoan ang Norteria.
Naghari ang mag-asawang Hadev at Devinia ngunit may hindi inaasahang rebelasyon silang natanggap. Ito ay patungkol sa pagkatao ng Hari, nais ng Haring Hades na kunin si Hadev upang ito ang mamumuno sa kaharian ng Easteria, nang malaman ito ng Reyna Felicia ay sinulsolan niya ang anak na huwag ito hayaang mangyari.
"Huwag mong hayaan na pamumunuan tayo isang kalaban Flavio!" Gusto ng Reyna Felicia na ang anak niya ang mamumuno ngunit pilit itong ipinagkakait ng hari.
Isang pagsasalo-salo ang naganap nang imbitahan ng Haring Hades ang anak na si Haring Hadev ng Oesteria.
"Mag tsa-a muna tayo mahal na hari."
Malumanay na tugon ng Reyna Felicia sa bisitang hari. Inilagay niya sa ibang tasa ang tsa-a nito kaya nagdududa si Hades. Sa tasang iyon ay palihim na naglagay ng lason ang Reynang Felicia upang walain sa landas nila ang Hari ng Oesteria.
"Parang mas gusto ko ang tasang iyan." Kinuha ng Haring Hades ang tasang hawak ni Hadev at huli na nang makagalaw ang Reyna Felicia. Ininom lahat ng Hari ang laman at nagmamadali siyang tumayo.
"Paumanhin sayo ngunit may pagpupulong pala kami ng konseho kaya ako na lamang ang dadalo sa inyo kung sakali. Hanggang sa muli..." Nagmamadaling umalis ang haring Hades at sumunod naman itong si Hadev sa nais ng ama.
Nang maka-uwi na siya ay mag-iilang araw narin ngunit hindi pa dumadalaw sa kaharian niya ang ama, hindi na siya makatiis pa at tumungo na nga siya sa kaharian ng ama ngunit... Ang kagimbal-gimbal na humarang sa kanya ay ang balitang, wala na ang kanyang ama.
Siya ang sinisi ng kapatid sa ama na si Flavio kaya't mahigpit na ipinagbabawal na ang pagpunta niya sa kahariang iyon.
Lumipas ang panahon at mas lalo pang lumakas ang Easteria, Naging abusado ito sa kapangyarihan, mas lalo itong naging ganid sa kapangyarihan gusto na nilang sakupin lahat ng kaharian at angkinin ito.
Naging malupit ang pamumuno ni Haring Flavio, sa panahon ding iyon ay nabuo na sa sinapupunan ng isang ina ang isa sa magwawakas ng kasamaan.
" May isang nilalang na ipapanganak, siya ay mag kakaroon ng bukod tanging kapangyarihang taglay. Isang kapangyarihang magiging sumpa sa mga may dugong bughaw." Sambit ni Demitrius na nakatirik ang mata, nakaliyad na para bang sinasaniban.
Sinasakal ng Hari si Demetrius, ang Ministro na galing sa lahi ni Eliseo na siyang ministro ng Oesteria. "Kaninong bata iyan?" Galit na itinulak niya ang ministro kaya ito nadapa sa tanggapan ng konseho.
Ipinapatay ng hari lahat ng nagdadalang-tao at iyon ang ikinatakot ng Haring Hadev at Reyna Devinia kaya itinakas nila ang Reyna upang hindi ito mapagmalupitan ng Hari ng Easteria.
"Tumakas kana mahal kong Reyna, sagipin mo ang anak natin. May alam na si Flavio tungkol sa propesiya dahil nasa kanya ang apo ni Ministro Eliseo kaya tumakas na kayo." Tugon ng Hari sa mahal na Reyna at inutusan niya ang ilan sa mga pinagkakatiwalaang kawal.
"Paano ka?"
"Susunod ako."
Walang nagawa ang reyna kaya sumama na lamang ito. Nasundan sila ng kalaban at saktong nakasunod rin ang asawa niya at nadepensahan sila. Nakatakas sila sa salot na nangyaring iyon kaya nanatili na muna sila sa loob ng kweba upang hindi sila mahanap ng kalaban.
Napunta sila sa Suria sa isang tagong kweba. Nakaligtas si Haring Hadev sa laban na iyon subalit marami sa kanyang mga kawal ang namatay. Nagtago sila hanggang sa maipanganak na ng Reyna. Lumabas ang isang talang subrang ningning na hindi masakit sa mata kung ito ma'y titigan. Nalaman ni Haring Flavio na nanganganak ang Reyna Devinia dahil biglaan na namang nagsalita habang tulong ang ministro niyang si Demetrius kaya pinahanap niya ito.
Nagkahabulan hanggang sa mapunta sila sa pagitan ng Kaharian ang Tubig at Kaharian ng Hangin kung saan malakas ang kapangyarihan ng Hangin. Subalit, masyadong malakas ang kapangyarihan ng Apoy kaya nahirapan ang ng tagapagtanggol ng Mga Kamahalan. Walang mapagpipilian ang Hari at Reyna. At isinagawa na nila ang kanilang plano.
Sinikap ng Hari na mapunta sa tubig at sumakay sila sa bangka upang maitakas ang anak ngunit bigo siyang mapalayo ito dahil nahila sila pabalik.
"Isinasamo ko ang kapangyarihan ng tubig, Hangin at lupa na ibigay ang lahat pati na buhay ko sa anak kong walang laban." Orasyon ng ina at ginawa rin ito ng ama niya. Nagbabakasakali siyang mailabas niya ang kapangyarihan ng tubig at makaligtas sa banta ng kamatayan.
"Sinasamo ko ang kapangyarihan ng Apoy na hindi pa lumalabas sa pagkatao ko, gayun din ang kapangyarihan ng hangin na pagsamahin ang lakas sa Reyna at sa akin upang protektahan ang batang walang kamuwang-muwang, alisin nawa sa isip ng lahat na may Haring Hadev at Reyna Devinia, isinusumpa ko na mawala sa isip ng lahat ang patungkol sa propesiya at babalik sa tamang panahon na handa na.
Sa huling salita ng Hari at dahan-dahan silang natunaw nang pinalibutan ito ng apoy at unti-unting nalunod ang sinasakyang bangka.
"Abuelito, I want more historia." I forced abuelito to tell us more.
"No dear, tama na... Maggagabi na kaya kailangan na nating umuwi" my mom came from nowhere.