Kunot na kunot ang noo ni Saraya habang nakatitig sa isang malaking painting na nakasabit sa dingding ng kwarto. Hindi niya matukoy kung anong klase ng kwarto ang napasukan niya. Pero sigurado naman siyang kwarto iyon dahil may maluwang na kama at meron ding study table pero hamak na mas malaki iyon kesa sa study table niya sa kwarto at may malaking monitor ang computer. Marami ring mga libro sa bookshelves kaya agad na naalala ni Saraya ang sinabi noon ng Ninong Dwight niya na bibigyan siya nito ng libro. Mukhang mahilig nga talagang magbasa ang Ninong niya dahil bukod sa isang malaking bookshelf ay may meron pang maliit na katabi lang ng study table nito. Nagsimulang maglakad si Saraya palapit sa malaking bookshelf pero hindi niya maiwasang hindi mapatingin sa malaking painting na nak