Hindi mapigilan ni Dwight na mapahilot sa sentido habang nakatingin sa inaanak niyang si Saraya na palayo sa kanya. Mukhang pikon na pikon ito sa kanya kaya ayaw nang magpatuloy sa pakikipag-usap sa kanya. Hindi niya maintindihan kung bakit ang lalim na kaagad ng pinaghuhugutan nito ng emosyon samantalang dalawang beses lang naman niyang hindi nasagot ang tawag nito during lunch time dahil nagkataon na dalawang magkasunod na araw ang luncheon meeting niya. Hindi niya akalain na dahil lang sa hindi niya pagsagot sa tawag nito sa magkasunod na tanghali ay mag-iisip na ito ng gano’n at susugod na sa kanya sa Maynila. Parang gusto tuloy niyang pagsisihan na hindi niya nireplayan ang mga messages nito. Kaya naisip niya na kahit na tamad na tamad siyang mag-text ay sasanayin na niya ang sari