Chapter 2

1802 Words
“Dumito ka na muna, anak. Wala naman dito ang bagong may-ari at pwede ko naman itawag sa kanya na pansamantala ka munang tutuloy dito habang naghahanap ka pa ng bahay. Sigurado naman na papayag ‘yon.” Tiningnan ko si Nanang saka pilit ang ngiting umiling ako. “Hindi na po, Nang. Nakakahiya naman po. Doon na lang po muna ako sa rest house pansamantala,” magalang na tanggi ko. Hindi ko naman kilala ang bagong may-ari. Isa pa ay lalo lang sasama ang loob ko kung sakaling hindi ito pumayag. May pride din naman ako. Ayoko nitong pakiramdam ko na para akong pulubi na kailangang pang makiusap na patuluyin ako sa sarili kong pamamahay. “Hindi ba talaga kayo nagkaka-usap ng Daddy mo?” Umiling ako saka yumuko. Kelan ba kami huling nag-usap nang maayos ni Daddy? Last time yata ay noong pinipilit niya kami ni Ethan na i-set na ang date ng kasal. “Kaya hindi mo alam na ibinenta niya na lahat ng properties niyo rito kasama na ang buong farm?” Mabilis akong napaangat ng tingin at nanlalaki ang mga matang tiningnan mabuti si Nanang. “Ho? A.. anong sabi niyo? I..ibinenta na ni Daddy lahat ng properties namin dito?” hindi makapaniwalang tanong ko. “Nang, totoo ba? Pati ‘yong mango plantation, iyong.. ‘yong farm?” Hindi pa man niya nasasagot ang mga tanong ko ay halos manginig na ang katawan ko sa galit. Hindi na niya kailangang sagutin iyon dahil kitang kita ko ang sagot base sa lungkot na nababanaag sa mukha nito. Napasinghap ako nang dahan-dahan itong tumango. Napapikit na lang ako at napailing habang hindi ko alam kung ano ang dapat kung isipin sa mga oras na ito. “Pati ako ay nagulat nang sabihin niya sa akin at ipakilala ang bagong may-ari. Akala ko ay alam mo ang lahat ng ito. Muntik pa akong magtampo sa ‘yo dahil akala ko ay wala ka na rin balak na bumalik dito o kahit ang dumalaw man lang dahil wala ng itinira ang Daddy mo,” malungkot na pahayag nito. “Ang unfair niya, Nang. Hindi ko akalain na gagawin ni Daddy ‘to para lang masunod lahat ng gusto at plano niya.” Pinigilan ko ang umiyak. Para saan pa? Alam ko naman na wala na rin naman maitutulong iyon. Kahit pa ang magmakaawa ako kay Daddy na bawiin ito sa kung sinuman ang nakabili. Kahit sana ito man lang bahay ay itinira niya para sa alaala nina Lola at Lolo. “Hindi na rin niya kayo inisip? Sorry, Nanang, hindi ko alam na ganito ang mangyayari. Paano na lang kung hindi pumayag ang may-ari na panatilihin kayo rito? Saan kayo titira?” Hindi ko na napigilan ang mapahikbi nang maalala ang kalagayan nito. Wala itong mapupuntahan. Kami na ang itinuring niyang pamilya sa mahabang taon. “May ibinigay naman bakanteng lote sa akin si Louie at pera na pwede kong gamitin sa pagpapatayo ng bahay kaya may matitirhan naman ako kung sakali.” “Pero Nanang, hindi pa rin tama ang ginawa niya. Alam niya kung gaano kahalaga sa atin ang bahay na ‘to. Sa akin, lalo na kina Lolo at Lola. Paano niya nagawang itapon na lang ang lahat ng alaalang meron sa pamamahay na ‘to nang ganoon na lang?” puno ng sama ng loob na tanong ko. “Sarili lang niya ang iniisip niya.” Tumayo ako at kinuha ang sling bag na ipinatong ko sa maleta. “Saan ka pupunta?” “Magpapahangin lang po ako sandali. Gusto ko lang muna mag-isip, Nang.” Pagkasabi noon ay lumabas agad ako ng bahay. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Hinayaan ko lang na dalhin ako ng mga paa kung saan nito gustong pumunta. I should let myself breathe. Parang sasabog kasi ang dibdib ko sa sobrang galit at sama ng loob na nararamdaman ko. Akala ko pa naman ay malaya na ako. Nakalaya na sa wakas sa pagmamanipula ni Daddy sa buhay ko pero hindi pa rin pala. Alam kong ginagawa niya ito para mawalan ako ng pagpipilian pero kung iniisip niya na babalik ako sa kanya dahil lang dito ay nagkakamali siya. Bahay lang ang nawala sa akin pero buhay ko ang nakataya sa magiging desisyon ko ngayon. Hindi naman siguro ako magiging suwail na anak sa pagkakataon na ito. Malaki na ako at dapat lang na ako naman ang masunod kung paano ko patatakbuhin ang buhay ko. May ilang tricycle na tumitigil sa harap ko at inaalok na sumakay pero tanging iling lang ang isinasagot ko. Hindi ko rin naman kasi alam kung saan ako magpapahatid. Medyo hapon na kaya’t hindi na masyadong mainit sa balat ang sikat ng papalubog na araw. Habang naglalakad ay naisip kong silipin ang farm pero medyo may kalayuan iyon at siguradong gagabihin ako kung ngayon ako pupunta. Pero para saan pa kung pupunta ako roon? Malulungkot lang ako lalo at maaalala ang mga memories namin doon ni Lolo. Napalabi ako at nagpatuloy sa paglalakad hanggang sa natanaw ko na ang pantalan. Tinungo ko ang makitid na kalsada papunta sa pinakadulo noon. May ilang mga batang naglalaro at naghahabulan doon. Nakiraan ako sa mga ito at umupo sa isang natumbang kahoy pagkatapos pagpapagan iyon gamit ang panyo. Tumingin ako sa malawak na lawa. Napaka-peaceful ng lugar. Pumikit ako at dinama ang malakas at malamig na simoy ng hangin. Ilang sandali akong nakapikit nang biglang magulantang mula sa malakas na tili ng isang babae na tinawag ang pangalan ko. Napalingon ako at agad na napangiti nang makilala ko ang may-ari ng boses habang gulat na gulat na sinuri ako mula ulo hanggang paa. “Oh my gosh! Iviang!” tili ko saka mabilis na sinalubong ito ng yakap. “Bruha ka! Maka-iviang ka talaga?!” nanlalaki ang mga matang sambit nito. Natatawa ako habang pinagmamasdan ang panunulis ng nguso nito dahil ayaw na ayaw nitong tinatawag siya sa palayaw niyang iyon. “At bakit hindi mo sinabi na nandito ka pala?” may halong pagtatampo na tanong nito. “Akala ko kanina namamalikmata lang ako nang matanaw kita at baka may naligaw lang na artista dito.” Tiningnan ko siya nang pairap saka nakangiting sumunod dito nang igiya ako sa isang bench malapit sa amin. “Actually, biglaan lang ang pag-uwi ko. Kaya sorry at hindi kita agad nasabihan,” prenteng paliwanag ko. “At mahabang kwento kaya h’wag mo muna tanungin kung bakit since I’ll be staying here for good na,” balita ko rito na pilit pinasaya ang boses. Namilog ang mga mata nito pati na rin ang bibig habang niyuyugyog ang magkabila kong balikat. “Totoo ba ‘yan, Tiff?” tuwang tuwang tanong nito. “Dito ka na ulit titira?” Nakangiting tumango ako. “Yes, kaya siguraduhin mo na uuwi ka every weekend, ha? Syempre, catch up tayo. Ang tagal din natin ‘di nagkita. Ang dami mo na sigurong iku-kwento sa ‘kin.” Napakunot-noo ako nang mapansin na unti-unting nawala ang ngiti nito. “Oh bakit?” nagtatakang tanong ko. Lumabi ito saka tumingin sa malayo. Inayos nito ang upo saka tumanaw sa malayo. “Buti naisipan ko pala na dumaan dito kung hindi eh baka matagal na ulit bago tayo magkita... Paluwas na kasi bukas pabalik sa trabaho. Pero magre-resign na din ako, one week na lang at aalis na ‘ko.” “Magre-resign ka? Lilipat ka ng trabaho?” Breadwinner siya sa kanilang tatlong kapatid mula nang mamatay ang mga magulang nila noong nasa second year college pa lang kami. Nag-aaral siya noon dito sa Laguna habang ako naman ay kasama na ni Daddy sa US. Panganay siya kaya siya na ang sumalo ng responsibilidad ng mga magulang niya. Tanda ko pa noon na kailangan ko pang umiyak kay Daddy para lang payagan akong umuwi para damayan siya noon at maghatid na rin ng tulong. Siya lang ang nag-iisang naging bestfriend ko rito. Marami rin naman akong naging kaibigan pero siya lang ang pinaka-special at pinagkakatiwalaan ko. Malaki ang agwat ng estado ng pamumuhay namin pero hindi ko alintana iyon. Wala naman sa estado ng buhay ang pagkakaroon ng tunay na kaibigan. Huminga ito nang malalim saka nakangiting tumingin sa akin. Magkahalong saya at lungkot ang nakikita ko sa mga mata niya habang nagku-kwento. Aalis na pala siya papuntang Canada para maging caregiver. Kailangan daw niyang gawin iyon dahil sa sunod na taon ay dalawa na ang pag-aaralin nito ng College. Ang sumunod sa kanya na si Vincent ay fourth year College na sa sunod na pasukan habang ang bunso naman niyang kapatid ay magpi-first year college naman. Nalulungkot man ako sa ibinalita niya dahil siya naman ngayon ang aalis kung kailan nandito na ako ay masaya na rin ako dahil matagal na niyang pinangarap na makapgtrabaho sa ibang bansa. ‘Yon nga lang ay malayo sa kurso na tinapos niya ang magiging trabaho niya roon. “O ikaw, hindi mo ba sasabihin sa ‘kin kung bakit bigla kang umuwi? Buti pinayagan ka ng Daddy mo,” maya-maya’y tanong nito. Huminga ako nang malalim saka nagkibit ng balikat. Kilala naman niya si Daddy at alam niya kung paano ako pagmanduhan nito dahil siya lang ang tanging sumbungan at iyakan ko kapag sumasama ang loob ko kay Daddy. “Actually, I don’t know where I’m going to right now.” Panimula ko habang nakatingin sa malayo. “Can you imagine na kanina ko lang nalaman na wala na pala akong bahay na uuwian dito?” “Ano? Bakit? Anong nangyari sa bahay niyo? Dumaan pa ako kahapon doon at nakita ko pa si Manang Ida na nagdidilig ng halaman ah!” Tumango-tango ako and then I begin to tell her my current situation and how I disobeyed my father. She knew everything about me hanggang sa manirahan na kami sa US kasama na roon ang palpak na pagpapakasal sana namin ni Drix. Kaya naman ganoon na lang ang panlalaki ng mga mata nito nang malaman na muli akong ipinagkasundo sa kasal. Pero ipinaliwanag ko sa kanya ang buong detalye pati na rin ang totoong nararamdaman ko noon para kay Ethan. I don’t want to put all the blame on my father. After all, pabor sa akin ang arranged marriage na iyon. For I really liked Ethan that time. Pero siguro nga ay hindi talaga kami para sa isa’t isa. And the only thing I think I should be thankful for, for our failed relationship is that, God didn’t let me get hurt so much that He didn’t let me loved him that much. And He spared me from the painful experience I had once from my past. A sudden and familiar loneliness enveloped my heart with the thought of a person who becomes a shadow of my past.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD