Napabuntong hininga na lang ako habang nakatingin sa labas ng bintana ng eroplano. Ilang minuto na lang ay lalapag na ang sinasakyan ko sa Manila airport.
Pinipigilan ko ang mapaiyak pero mas lalo pa yatang ginaganahan ang mga luha ko sa pag-uunahan nilang lumabas mula pa kanina.
Ngayon pa lang ay nami-miss ko na si Daddy. This is the first time I disobeyed him and fought for what I think is right for my own life.
Ginagawa ko lang naman ang sa tingin ko ay tama. Malaki na ako. Iyong mga classmates ko noon sa College, they were living independently since they reached their eighteen.
Pero ako? For God’s sake, twenty four na ako pero gusto ni Daddy ay siya pa rin ang masusunod at magpapatakbo sa buhay ko hanggang ngayon.
I’ve had enough. Maituturing bang suwail akong anak sa naging desisyon ko?
Napatingin ako sa ibaba kung saan makikita ang lawak ng karagatan habang inaalala ang huling pag-uusap namin ni Daddy.
“What do you think you’re doing, Tiffany? Bumalik ka pa talaga sa Pinas para lang tulungan ang ex fiance mo sa mismong kasal niya? Hindi ka na nahiya! What kind of a martyr woman you are?” Halos maglabasan na ang ugat sa leeg na sigaw ni Daddy.
Hindi ako kumibo at hinayaan lang siyang ilabas ang galit niya sa akin. Sanay naman na ako na sa ganoong paraan niya ako madalas kausapin.
“Usap-usapan ka sa convention noong isang araw at hanggang ngayon ay pinag-uusapan ka pa rin nila. You now that everybody knows about your engagement with Ethan at alam mo rin na tutol ako sa termination ng engagement ‘yon pero pinagbigyan kita but showing off your craziness to the whole world how pathetic you are is really disgusting. It totally pisses me off, Tiffany!”
Huminga ako nang malalim saka umiling. Tumayo ako at magpapaalam sana dahil gusto ko sanang magpahinga when he raised his voice even more.
“You’re such a loser, Tiffany. Wala talagang lalaking magpapakasal sa ‘yo kung ganyan ang attitude mo!”
Napatigil ako at agad na kinagat ang labi ko para pigilan ang luhang nagbabadyang tumulo sa mata ko. Wala naman akong ginawang tama para sa kanya dahil lahat ng ginawa ko at gagawin ko ay siguradong maling mali pagdating sa kanya.
“You’re right, Dad” sabi ko na mapaklang ngumiti. “Kaya tigilan niyo na ako sa kaka-arrange sa mga lalaking tingin niyo ay dapat kong mapangasawa since sa inyo na nanggaling na walang lalaking magkakagustong pakasalan ako.”
Naniningkit ang mga mata nito na lalong namula sa galit habang masama ang diretsong tingin sa akin. “How dare you say that to me? Kapakanan mo ang iniisip ko at ayokong mapunta ka lang kung kani-kanino. Ang dami ko ng isinakrispisyo para mabigyan ka ng magandang buhay at kinabukasan.”
Gusto kong matawa sa sinabi niya. If anyone can hear him, baka akalain pa nila na napakawalanghiya kong anak para galitin ang isang napakabuti at mapagmahal na ama.
“No, Dad! Marami akong isinakripisyo para matupad ang mga gusto mo,” puno ng sama ng loob na pagtatama ko sa sinabi niya. “Oo, minahal ko si Ethan pero hindi pa ako ganoon ka-desperada para pilitin siya na pakasalan ako pero ginawa mo ‘yong rason para ipilit ang kasal. At hindi dahil sa gusto mo akong maging maligaya—”
“You ungrateful—”
“Ungrateful? Ok, in that case, baka nga dahil ginusto ko rin naman. But how about when you forced me to engage with Drix? Do you forget that, Dad? Sixteen lang ako no’n pero ipinagkasundo mo na ako para sa pangarap mo. Kahit labag sa kalooban ko, sinunod kita.”
“You should forget about that, Tiffany! We both benefited from that decision.”
“No, Dad! Ikaw lang ang nakinabang sa lahat ng iyon. I never wanted to live here in the first place. Kung ikaw, gusto mong maghabol habang buhay kay Mommy, ako hindi. Dahil hindi ko siya kailangan!—”
Napaatras ako nang biglang umigkas ang kamay niya at akala ko ay dadapo iyon sa mukha ko pero nanatiling nakabitin ang kamay niya sa ere.
“Don’t you dare say that to your Mom!”
Napailing na lang ako habang pinipigilan ang umiyak. Naaawa ako sa kanya pero mas naaawa ako sa sarili ko. Hindi naman ako minahal ni Daddy eh! Si Mommy lang ang laging nasa isip niya. At lahat ng ginagawa niya ay para lang dito.
Nagsakripisyo ako noon para makarating dito sa US si Daddy para sundan si Mommy. Pero wala naman siyang napala. Pinilit niya akong pasunurin dito sa pag-asang mabubuo ang pamilya namin pero nauwi rin sa wala.
My Mom never loved us. Ang career lang nito ang mahalaga sa kanya. Pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ito sinusukuan ni Daddy.
“I want to go back to the Philippines, Dad.”
“What?!” Gulat na tanong nito. “And what are you going to do? Narito kami ng Mommy mo, narito ang pamilya mo—”
“Pwede ba, Dad, tigilan mo na ang pangangarap mo na mabubuo pa tayo dahil si Mommy mismo ang may ayaw na mabuo tayo. Ayokong umasa tulad mo. She never loved us, Dad!”
Isang malakas na sampal ang dumapo sa pisngi ko. Nasapo ko iyon at puno ng sama ng loob na tiningnan siya.
Akala ko ay pagsisisi ang makikita ko sa kanya pagkatapos niya akong saktan pero nabigo ako.
“H’wag na h’wag mo nang uuliting sabihin ‘yan kung ayaw mong masaktan. Mahal tayo ng Mommy mo!”
I pursed my lips and looked at him in disbelief.
“Kung ayaw mong marinig ang katotohanan then let me go. Stop manipulating my life. I want to live with my own. Without any expectations and disappointment.”
“Iyan ba ang gusto mo? Sige, pagbibigyan kita...Kung gusto mong umalis, umalis ka pero h’wag na h’wag kang lalapit sa akin kapag nabigo ka. Akala mo ba madali ang buhay sa Pinas? Tingnan natin kung kakayanin mo ang buhay doon nang wala ang tulong ko!”
Napakislot ako nang marinig ang boses ng piloto at ang pagkilos ng mga pasaherong naghahanda na para lumabas. Hindi ko namalayan na nakalapag na pala ang eroplanong sinasakyan ko.