AYOKO talagang pumunta sa mansyon nila mommy, pero wala akong choice dahil kailangan kong kausapin si mommy. Nilapitan ko ang sekyu na nagbabantay sa malaking gate nila. “Psst! Manong Panot!” tawag ko. Lumapit naman ito. “Yes, Ma’am?” “Nandiyan ba ang mommy ko?” “Nandito si Ma’am Elena.” “Sabihin mo nandito ang anak niyang si Magdalena.” Tumango ito at tumawag sa loob ng mansyon. Ilang sandali pa ay pinapasok ako sa loob at hinatid pa ako ng isang sekyu hanggang sa entrance door nila. “Magdalena!” Nakangiti si mommy ng salubungin ako. Tipid akong ngumiti. “Hello!” Nagulat ako nang yakapin ako ni mommy. Hindi ko siya pinigilan sa halip ay hinayaan ko na lang siya. “Anak, sana tumawag ka para sinundo kita.” “Mommy, puwede ba akong makikain?” Sunod-sunod ang naging tango niya. “Ha