NAKAHINGA ako ng maluwag nang nakasakay ako ng taxi papunta sa dati kong tirahan. Wala sana akong balak na pumunta doon kung hindi pupunta si daddy sa kumpanya. Ayokong makita niya ako doon at lalong ayokong malaman ni Marcus ang totoo kong pagkatao. Kinuha ko ang telepono ko para tawagan si Tetay. “Oh, bakit ka tumawag?” “Nandiyan ka ba sa bahay n’yo?” “Oo, kadarating ko lang bakit?” “Puntahan kita diyan samahan mo akong dumalaw sa Lolo at Lola ko.” “Wala kang pasok?” “Half day ako ngayon.” “Sige, hintayin na lang kita.” “Salamat.” Pinutol ko ang tawag. Pagkatapos kong tawagan si Tetay nakita kong malapit ng ma-lowbat ang telepono ko. “Nakalimutan ko pa lang mag-charge kagabi. Si Marcus kasi ang hilig masyado," bulong ko. Isang oras ang naging biyahe ko papunta sa bahay ni Te