“Cally, Is it necessary for me to attend the party in order for you to lend me money for my new business?" saad ko sa stepsister ko.
Pinapunta ko siya sa bahay ko para pakiusapan na umutang ng malaking pera para simulan ko ang maliit na negosyong itatayo ko. Hindi ako humingi ng pera sa magulang ko dahil hanggang ngayon ay galit pa rin ako sa kanila. Napag-isip kong hindi kasalanan ng mga kapatid ko sa labas ang paghihiwalay ng magulang ko kung kaya’t kinakausap ko na sila.
“Yes, Magda. You must leave your cave to have fun, "she said, smiling.
"I've been done with that sort of thing for a long time. Do you remember what your mother said? I'm the black sheep of the family.”
‘Magda, your mother too. We are old enough for you to be resentful of your mother and father's divorce. Aren't you glad you have two handsome and lovely siblings?"
Umikot ang eyeballs ko. “Whatever, give me a loan.”
“Magda, I'll meet you at the hotel where the party will be held at eight o'clock at night. Bye, for now, see you later.” Ngumiti siya sa akin saka tuluyang umalis.
Bumuntonghininga ako nang tuluyan ng umalis ang kapatid ko. Mula nang mabasa ko ang sulat sa akin ng lolo ko ay tinuwid ko na ang buhay ko. Kahit wala na sila ay tinupad ko rin ang pangako ko sa kanila na ayusin ang buhay ko. Sa katunayan ay isang taon pa lang ang nakakalipas nang matapos ko sa kolehiyo. Hindi naging madali sa akin pero kinaya ko para sa lolo at lola ko.
“Hays! nakakainis naman.”
Lumabas ako ng bahay ay pumunta sa maliit na wholesale grocery ko. Ito lang ang naging ikinabubuhay ko sa ngayon. Ang perang ginagamit ko rito ay pera pa ng naiwan ng lolo at lola. Hanggang ngayon ay hindi ko ginagalaw ang pera na binigay sa akin ng mga magulang ko. Hindi ko pa rin kasi matanggap ang lahat kahit ilang taon na ang lumipas.
Papunta pa lang ako sa tindahan nang salubungin ako ni Tetay, ang matalik kong kaibigan at katulong ko sa tindahan.
“Magda!” sabay hawak niya sa akin.
Namumutla pa ang mukha niya at malamig ang mga kamay.
“Bakit?”
“Huwag kang pumunta sa tindahan nandiyan ang asawa ni Lito. Hinahanap ka at galit na galit.”
Kumunot ang noo ko. “May asawa si Lito?”
Sunod-sunod siyang tumango. “Gagong Lito na ‘yan may asawa pala ang hudas mong boyfriend.”
“Hayop talaga siya!”
“Huwag kang pumunta sa tindahan baka magpang-abot kayo.”
“Bakit ako matatakot sa kanya?” Dumiretso ako sa paglalakad papunta sa tindahan ko. Malayo pa lang ay nakikita ko na ang mga tsismosa kong kapitbahay habang naririnig ko ang ingay.
“Magdalena pokpok! lumabas ka diyan! hayop ka!” sigaw ng asawa ni Lito. Inaawat siya ni Lito pero hindi ito nakikinig sa halip ay sinasampal niya ito.
Nameywang akong humarap sa kanya. “Anong kailangan mo?” matapang kong tanong.
“Walang hiya ka!” sa sabunutan sana niya ako ngunit umiwas ako sa kanya. Hindi siya makapasok sa loob ng tindahan ko.
Dinuro niya ako. “Malandi kang pokpok ka! hayop ka! ikaw ang kabit ng asawa ko!”
“Hindi ko alam na may asawa ‘yan si Lito! ang sabi niya wala siyang asawa! Sa iyo na ‘yang asawa mo! itali mo sa saya mo, magsama kayong parehong pangit!”
“Ang kapal ng mukha mo! ikaw pa ang matapang! parausan ka lang ng asawa ko! pokpok!”
Dinuro ko siya. “Hoy! kahit d*de ko hindi niya nahawakan! Hindi ako m************k sa one inch ang t*t*! Ang lakas ng loob mong magwala rito saksak mo ang asawa mong pangtanggal lang ng tinga ang kaya!”
“Halika na! at umalis na tayo!” Sapilitang binuhat ni Lito ang asawa niya at dinala sa kotse niya.
Nameywang ako sa mga tsismosa kong kapitbahay. “Oh, ano? busog na ba ang tenga at mga mata n’yo? tapos na ang palabas!”sigaw ko sa kanila.
Daig pa nila ang hinawi ng ipo-ipo sa bilis umalis.
“Ikaw na naman ang pagkain nila sa buong araw.” Napailing na lang si Tetay.
“Hindi na bago sa akin ‘yan. Ilang taon na akong laman ng tsismis sa lugar na ito sanay na ako.”
“Nakakaloka talaga si Lito, totoo ba ang sinabi mo na jutay si Lito?”
“Oo, Jutay ‘yon wala ngang bumabakat kahit fitted ang pantalon kaya hindi ako nakikipagtalik sa kanya.”
“Bakit hindi ka ba dadalhin sa langit?” natatawang sabi ni Tetay.
“True, baka kung pumayag akong makipagtalik sa kanya, magawa ko pang maglaba at maglista ng mga pamimili ko.”
Tumawa si Tetay. “Baliw ka talaga, Magda, anong nangyari sa pag-uusap n’yo ng kapatid mo?”
“Ayon, kailangan kong um-attend ng party para lang pautangin ako.”
“Pumunta ka na baka diyan mo na makita ang lalaki na dinala ka sa ikapitong langit.” Sabay tawa ni Tetay.
“Pupunta ako para sa negosyo na itatayo ko. Gusto ko na rin kasing makaalis sa lugar na ito.”
“Hays! may pera ka naman ayaw mo lang galawin.”
“Hindi ko kailangan ng pera ng magulang ko. Hindi ko babawasan ang pera na binigay nila sa akin mula pa noon.”
Nagkibit-balikat si Tetay. “Ikaw ang bahala.”
“Kailangan ko ng gown na susuotin ko para bukas ng gabi.”
“Sige, mamaya kapag pumunta ako ng bayan ay maghahanap ako ng damit na gusto mong kulay.”
“Itim ang gusto kong gown.”
“Okay sige.”
"Salamat, Tetay."
Naging maganda rin ang eskandalo na nangyari kanina, dahil ang mga tsismosa kong kapitbahay ay napilitan bumili sa grocery ko, kahit ang iba ay hindi naman talaga bumibili akin. Gusto lang nilang makakuha ng tsismis.
"Magda, totoo ba ang narinig kong kabit ka ni Lito?" hindi napigilan itanong ni Aling Kuring.
Seryoso akong tumingin. "Kung tatanungin n'yo ako, at isang delata na sardinas lang ang bibilhin n'yo wala kayong makukuhang sagot sa akin."
"Ito naman, ang layo ng nilakad ko para lang magtanong sa 'yo."
Umikot ang eyeballs ko. Kung hindi lang matanda si Aling Kuring, baka kanina ko pa siya sinabunutan palabas.
"Aling Kuring, kung gusto mong may ibalita na tsismis sa mga kapitbahay mo bumili ka ng paninanda ko sa halagang limang daan."
"Wala naman akong bibilhin dahil may ulam na kami."
"Bakit hindi ka bumili ng toothpaste o kaya deodorant para naman mabango ang bunganga n'yo at kilikili habang nakikipag-tsismisan." Pagtataray ko.
Napahiya si Aling Kuring kaya bigla siyang umalis. "Ang sungit mo naman."
"Abah! Kung hindi ka matanda paka hindi lang 'yan inabot mo," bulong ko.
Kahit paano ay nakapagpigil ako sa matanda na 'yon.
"Si Aling Kuring, ayaw pahuli sa balita talagang dumayo pa rito," natawang sabi ni Tetay.
"Jusko! Baka hindi pa nga nakakahugas ng pempem pumunta na rito," inis kong sagot.
"Magda, pabili ako ng mani mo," sabi ni Omar, na isang tricycle driver.
"Walang tindang mani rito," sagot ni Tetay.
"Yung mani ni Magda ang gusto kong bilhin kaysa naman kay Lito ibigay."
"Bastos ka!" sagot ni Tetay. Hahampasin sana ni Tetay pero inawat ko siya. Nilapitan ko si Omar. "Gusto mo ba ng mani ko?"
Ngumiti siya. "Oo, magkano ba?"
"Bente mill."
"Ang dami ng kumain niyan bakit ang mahal naman?"
"Eh, gago ka pala! Kaninong bang mani ang binebenta? Kung wala kang bente mill 'wag kang ambisyoso. Hindi ka na nga makabili ng brief mo gusto mo pang bilhin ang mani ko."
Bigla niyang hinila ang shorts niya. "Ang sakit mo naman magsalita."
"Lumayas ka sa harapan kong kupal ka!" Inis kong sabi.
Umalis si Omar at sumakay sa tricycle.
"Hindi ka ba nasasaktan kapag binabastos ka?" tanong ni Tetay.
"Nasanay na ako sa kanilang lahat. Mula nang malaman ng mga taga baryo natin na may kaibigan akong adik. Akala nila gano'n din ako, akala nila pariwara na rin ang buhay ko. Noong una galit na galit ako pero na immune na ako sa pinagsasabi nila. Alam ko sa sarili ko na kahit naging masama ako noon ay dalawang lalaki lang ang nakatikim sa akin. Kahit 'yung pulis noon na may gusto sa akin hindi nakatikim sa akin."
"Sana na lang talaga ay pahiramin ka ng pera ng kapatid mo nang makalayas ka sa lugar na ito."
"Oo, madali lang naman ang pinapagawa sa akin ni Cally."
"Hindi mo naman kailangan maghirap kung kakausapin mo ang magulang mo. Mayaman ang pamilya mo, Magdalena."
"Alam mo Tetay, mag gugustuhin kong mag ulam ng asin kaysa patawarin ko ang magulang ko. Kahit isang sentimo hindi ko gagalawin ang pera na binibigay nila at lalong hindi ako hihingi ng tulong sa kanila." Inis kong sagot.
Ilang taon na ang lumipas pero sariwa pa rin ang sakit na nararamdaman ko nang magdesisyon silang iwan ako sa lolo at lola ko. Para akong aso na basta na lang pinamigay.
"Huwag na nga natin 'yan pag-usapan," sabat ni Tetay.
Nang sumapit ang hapon ay nakapag-rent si Tetay ng itim na gown na susuotin ko sa party. Kaya nang sumapit ang alas-sais ng hapon ay tinutulungan ako ni Tetay na maglagay ng makeup para naman magmukha akong tao. Matagal-tagal na rin akong hindi nakakapag-makeup kaya nanibago ako.
"Magda, ang ganda mo talaga," sabi ni Tetay sa akin.
Ngumiti ako. "Thank you!"
"Naku, kapag nakita na ng mga kapitbahay natin siguradong ikaw na naman ang tsismis."
Tumawa ako. "Wala akong pakialam sa kanila. Bahala sila sa buhay nila kung pag-tsimisan nila ako."
"Ako ang tatawag ng taxi para hindi ka na maghintay ng matagal." Lumabas si Tetay upang tumawag ng taxi.
Sobrang nagpapasalamat ako dahil kahit paano ay may isang tao na nakakaunawa sa akin sa lugar na ito. Lahat ng kapitbahay ko puro mapanghusga na parang akala mo at mga perpekto. Mabuti na lang talaga at wala akong pakialam sa kanila kaya kahit anong sabihin nila sa akin ay hindi ako nasasaktan.
Ang bilis ng kabog ng dibdib ko nang huminto ako sa isang sikat at kilalang hotel sa Manila. Pagtungtong ng paa ko ay parang matutumba ako. Hindi ako sanay um-attend ng ganitong party. Ang party na pinupuntahan ko ay puro inumin lang sa gilid-gilid. Kinuha ko ang phone ko para tawagin si Cally.
"Hello, Cally!"
"Magda, where are you?"
"Nandito na ako sa entrance door. Sunduin mo ako dahil baka madulas ako. Ang taas ng suot kong takong."
Tumawa si Cally. "Okay, Magda."
Naghintay ako ng dalawang minuto bago dumating si Cally. Elegante at sobrang sobrang sexy ang suot na damit ni Cally, kumpara sa suot kong damit na galing ukay.
Nakangiti sa akin si Magda. "Talagang tinupad mo ang sinabi mo sa akin na pupunta ka rito sa party."
"Kailangan ko ng pera para makalayas na ako sa lugar na tinutuluyan ko."
"Bakit hindi ka tumira sa bahay ni mommy?"
"Cally, puwede bang 'wag mong isingit ang mommy mo sa usapan. Nasisira ang mood ko kapag naririnig ko siya." Inis kong sabi.
Bumuntong-hininga siya. "Okay, pumasok tayo sa loob ipapakilala kita sa mga kaibigan ko."
"Huwag mo akong ipakilala na kapatid mo."
Kumunot ang noo ni Cally. "Hanggang ngayon ba hindi mo pa rin ako tanggap ba kapatid?"
"Kung hindi kita tanggap sana hindi kita kinakausap ngayon. Ayoko lang malaman ng mga kaibigan mo na may kapatid kang dukha. Baka ipagtanong pa ako ng mga kaibigan mo sa baryo namin e 'di nasira ka. Ayokong masira ang reputasyon mo kaya 'wag na."
"Okay, it's all up to you."
Inakbayan niya ako papasok sa loob. Nakaramdam ako ng hiya lalo na't kasama ko si Cally, pakiramdam ko ay isa akong feeling sosyal. Kinabahan ako nang lapitan namin ang mga tao na nakaupo isang malaking bilog na lamesa. Humigit sampu silang nakaupo.
"Hello! Everyone!" sigaw ni Cally.
Yumuko ako nang tumingin sila sa amin.
"Hi! Cally, sino ang kasama mo?" tanong ng isang lalaki.
Ngumiti si Cally sa akin. "She's my stepsister."
My gosh! Cally!
Gusto ko na lang maglaho sa harapan nila lalo nang titigan nila ako. Akala ko ay nagkasundo na kami ni Cally na hindi niya sasabihin na magkapatid kami.
"Anong pangalan ng stepsister mo?" sabi ng lalaki.
Tumingala ako para makita ko ang babae na nagtatanong kay Cally.
"May stepsister, Magda."
Pilit ang ngiti ko sa kanila. "Hello! Everyone!"
"Hi! Magda!" sagot nila.
"Join us!" sagot ng isa.
Tumayo ang isang lalaki at inalalayan akong umupo. Parang gusto ko na talagang lumubog sa kinatatayuan ko.
Magda, Bakit ka nahihiya? Hindi ba't makapal ang mukha mo?
Pasalamat na lang ako dahil hindi matapobre ang mga kaibigan ni Cally, dahil lahat sila ay kinakausap ako. Wala kahit isa sa kanila ang nagtaas ng kilay sa akin.
"Bakit wala pa si Marcus?" tanong ng isang lalaki.
"Parating na raw siya," sagot ng isa.
"Lagi talaga siyang late dumating," sagot ni Cally.
"May pinuntahan siyang party kaya expected mo lasing na siya," sagot ng kaibigan ni Cally.
Sunod-sunod ang naging inom ko ng alak habang nakikinig ako sa pinag-uusapan nila.
"Magda, anong tingin mo sa mga kaibigan ko?"
"Swerte mo nakakuha ka ng mabait na kaibigan. Ako kasi, napariwara ako sa mga naging kaibigan ko."
"Ang mahalaga nagbago ka na."
"Thank you!"
"Sorry! Guys! I'm late."
Lumingon ako sa nagsalita. Nakita ko ang guwapong lalaki na nasa harapan namin. Biglang bumilis ang t***k ng puso ko nang magtama ang mga mata namin dalawa. Hindi ko maintindihan pero parang matagal na kaming nagkita.
"Marcus, malapit na nga kaming umuwi," biro ng isang lalaki.
"Sorry, I'm late, medyo lasing na ako sa dami ng nainom kong alak kanina," sagot ni Marcus.
Iniwas ko ang tingin ko sa kanya, pagkatapos ay in-straight ko ang alak. Bigla akong nauhaw lalo nang hindi ko sinasadyang tumingin sa pagitan ng hita niya.
"s**t! Daks!"
Dahil sa tabi ko lang ang may bakanteng umupuan kaya umupo siya tabi ko. May kuryenteng dumaloy sa katawan ko nang magdikit ang balat namin.
"Marcus, ito nga pala ang step sister ko si Magda," sabi ni Cally.
Mukhang lahat ng makikilala ni Cally ay pinakilala niya ako. Hindi ko tuloy alam kung matutuwa ako na proud siya na kapatid niya o maiinis.
Humarap sa akin si Marcus. "Hello! I'm Marcus."
Nakayuko ako nang abutin ko ang kamay niya. "Magda," tipid kong sagot.
Kinilabutan ako nang pisilin ng daliri ni Marcus ang gitna ng palad ko. Pasimple kong hinila ang kamay ko.
What the heck is he doing?
Alam ko ang ibig sabihin ng sign na 'yon. Gusto niyang makipag-one night stand sa akin. Nagpatuloy sa pakikipagkwentuhan ang mga kaibigan ni Cally, hanggang sa maisipan nilang sumayaw. Dahil lasing na ako kaya nagpaiwan ako sa table.
"Parang matagal na tayong nagkita."
Bigla akong lumingon. Hindi pala umalis si Marcus.
"Wala akong maalala."
Nakatitig sa akin si Marcus. "Gusto kong malaman kung ikaw nga ang babae na hinahanap ko."
"Huh? Lasing ka na siguro."
Nagulat ako nang gumapang ang kamay ni Marcus sa hita ko sa ilalim ng lamesa.
"Anong ginagawa mo?"
"I like you," bulong niya.
Umakyat ang kuryente sa katawan ko sa sinabi niya. Lalo nang maramdaman ko ang kamay niyang hinihimas ang hita ko. Nakaramdam ako ng init kaya in-straight ko ang alak. Dahan-dahan niyang ipinasok ang daliri niya sa loob ng panty ko at hinanap ang butas nito.
"Hmm…"
"You want more?" bulong ni Marcus.
Lumunok ako saka hinawakan ang kanyang p*********i. Kaya ba niya akong dalhin sa ikapitong langit?"
"Of course," sagot ni Marcus.
Tumayo ako at lumabas ng venue. Akala ko ay hindi susunod sa akin si Marcus. Nang medyo malayo na kami ay nagmadali siyang lumapit sa akin. Hinila niya ako at pumasok kami sa isang hotel room.
"Kaninong hotel room 'to?" Kinabahan ako dahil basta lang niyang binuksan.
Isa-isa niyang hinubad ang suot na damit habang nakatingin sa akin. "Pag-aari ko ang buong hotel na ito."
Lumunok ako nang mapadako ko ang tingin sa kanyang sandata. "s**t! Daks talaga!"
Bigla kong naalala ang dalawang lalaki na na nagdala sa aking sa langit. Ganito rin kalaki ang kargada nila.