Ang sakit ng katawan ko nang magising ako kinaumagahan. Nang bumangon ako ay may katabi akong nakahubad na lalaki. Biglang nagulo ang isip ko.
"Anong nangyari kagabi?" Napahawak ako sa ulo kong sobrang sakit dahil sa hangover. Nang tumayo ako ay bumagsak ang puting kumot sa sahig at tumambad ang hubad kong katawan.
"s**t!" Mabilis kong kinuha ang kumot saka ibinalot sa katawan ko. Isa-isa kong kinuha ang mga damit kong nalaglag sa sahig saka tumakbo ako sa banyo.
Binuksan ko ang shower saka tinapat ko ang malamig na tubig sa katawan ko. Inisip ko ang nangyari sa akin kagabi
"Putang ina nila! Ipapahamak nila ako."
Ang buong akala ko kagabi ay bahay ni Lacey ito. Hindi pala dahil magnanakaw pala kami sa bahay na ito at ako ang sinubo nila.
"Hayop sila sana makulong sila."
Alam kong idadawit nila ako kung sakaling makulong sila pero hindi naman papayag ang magulang ko na makulong ako dahil ayaw nilang madungisan ang pangalan nila.
Kalahating oras akong naligo. Hindi na ako nag-isip kung magigising ang lalaking kasiping ko. Bakit pa ako matatakot mahuli ilang beses naming pinagsaluhan ang bawat isa.
Paglabas ko ay tulog pa rin ang lalaki. "Tsk! Sayang ang sarap mo pa naman." Nagsindi ako ng sigarilyo at sandaling nag-isip kung paano lalabas ng bahay. Nang wala akong ibang maisip ay ginising ko ang lalaki.
"Hey! Wake up!"
Mabilis naman siyang nagising. Nakakunot ang noo niya nang tumingin sa akin. "Who are you?"
"Hoy! Ilang beses tayong nagtalik kagabi sasabihin mo sa akin who are you? Kailangan ko ng umuwi samahan mo akong lumabas. Baka makita ako ng tatay mong may baril."
Tumayo siya at nagtakip ng towel. "Let's go!"
Umangat ang kanang kilay ko. "Hindi ka magbibihis?"
Nakabakat sa towel ang alaga niyang american size.
"Hindi na kailangan ihahatid lang naman kita sa labas."
Nagkibit-balikat ako. "Okay."
Nauna siyang lumabas at sumunod ako sa kanya. Pagbaba namin sa first floor ay nakita namin ang daddy niya. Nagkakape ito habang may hawak na dyaryo.
Ang talim ng tingin niya nang makita kami.
"Dad, good morning!" sabi ng lalaki.
"Anong itsura mo 'yan? Hindi ka man lang nagbihis ng damit bago lumabas ng kuwaryo baka may makita sayong katulong." Inis na sabi ng daddy niya.
"Nagmamadali kasing umalis ang girlfriend ko." Sabay tingin sa akin.
Yumuko ako nang tumingin ang daddy niya sa akin. Hindi sa natatakot ako. Baka makilala niya ako na isa sa mga magnanakaw kagabi.
"What is your name?" tanong ng Daddy niya.
"Luna," sagot ko.
Hindi ko sinabi ang tunay kong pangalan dahil ayokong hanapin nila ako kung sakaling malaman nilang kasabwat ako sa mga magnanakaw na pumasok kagabi.
"Luna, sumabay ka na sa amin kumain ng almusal."
Umiling ako. "Hindi po baka hinihintay na po ako ng magulang ko sa susunod na araw na lang."
"Okay, ingat ka sa pag-uwi."
Naglakad ako palabas ng bahay nila. Ngunit habang palabas ako ay narinig nagtanong ang lalaki.
"Dad, what happened to the thieves last night?"
"They're in jail. Those young people are drug addicts."
Binilisan ko ang paglalakad. Nang makalabas ako ay sumakay ako ng taxi. Kinuha mo ang phone ko upang kausapin si Lacey o kaya si Kevin. Ngunit kahit isa sa kanila ay walang sumagot sa tawag ko.
"Mga gago kasi masyadong lulong sa droga kaya 'yan ang napapala nila."
Pagdating ko sa bahay ay nakita ko ang daddy at mommy ko. Ang tamis ng ngiti nilang dalawa nang makita nila ako.
Huminto ako sa harapan nila. Sabay taas ng kilay. "Anong ginagawa n'yo rito?" Inis kong tanong sa kanila.
"Magdalena, nandito kami para ipagdiwang ang kaarawan mo kagabi. Hindi ba't ito ang gusto mo ang makasama tayong tatlo," wika ni Daddy.
"Ano 'to pakitang tao? Nandito kayong dalawa para ipagdiwang ang kaarawan ko? Bakit? Anong nakain n'yong dalawa at bakit naging concern kayo sa akin?"
Huminga ng malalim si Mommy. "Anak, 'wag ka ng magalit sa amin ng daddy mo. Nilaan namin ang araw na ito para sa iyo."
"Salamat! Dahil nagkaroon kayo ng oras sa akin. Ang akala ko nakalimutan n'yong may anak kayong dalawa." Iniwasan ko silang dalawa at pumunta ako sa kuwarto ko.
Hanggang ngayon ay sobrang sakit pa rin ang ginawa nila sa akin pag-iwan. Wala kahit isa sa kanila ang gustong alagaan ako. Sa halip ay pinaalaga nila ako sa lolo at lola ko. Kung kailan wala na ang lolo at lola ko ay saka sila lalapit sa akin.
Muli akong naligo at nagpalit ng damit para matulog. Ang akala ko ay umalis na ang magulang pero hindi sila umalis sa halip ay naglinis sila ng bahay. Nagpatugtog sila habang si mommy ay nagluluto sa kusina. Parang ganito kami noon hindi pa sila naghihiwalay sobrang saya namin.
Humiga ako sa kama at umiyak. "Lolo at Lola, sana nakita n'yo ang ginagawa nila mommy at daddy ngayon. Siguro matutuwa kayo dahil sa unang pagkakataon ay nabuo uli kami. "
Pinunasan ko ang luha ko sa pisngi. Pagkatapos ay natulog ako.
Nang magising ako ng alas-kuwatro ng hapon ay sobrang lakas ng musika sa labas ng kuwarto. Nakakarinig rin ako ng ingay kaya lumabas ako ng kuwarto ko.
"Happy birthday!"
Nagulat ako dahil nasa harap ko ang magulang ko, mga kaklase, teacher ko at ibang kamag-anak. Gusto ko sanang magtaray pero hindi ko magawa. Kaharap ko ang mga naging teacher ko at ibang kamag-anak.
"Tapos na ang birthday ko," tipid kong sagot.
"Anak, ngayon na lang natin ipagdiwang ang birthday mo." Nakangiting sabi ni Mommy.
Ngiting aso ako nang tumugon ako ng ngiti sa kanya. Wala akong nagawa kung hindi ang panindigan ang hinanda nila para sa akin.
"Salamat." Halos pabulong kong sabi sa kanila.
"Magdalena, happy birthday!" wika ni Daddy. Sabay yakap niya sa akin.
"Salamat," tipid kong sagot.
Nagkaroon ng konting salo-salo at message sila sa akin. Wala na akong 18'th roses at candles kaya videoke na lang pinagtuunan ng mga bisita ko.
"Magdalena, may gusto akong sabihin sa iyo," wika ni daddy sa akin.
"Dad, hindi ibig sabihin na binigyan n'yo ako ng handa ay hindi na ako galit sa inyo. Kung anuman ang gusto n'yong sabihin ay sabihin n'yo na ngayon dahil wala akong oras para makipag-usap sa iyo.".
Huminga siya ng malalim. "Alam kong galit ka sa amin ng mommy mo. Balang araw maintindihan mo rin kami."
Tinaas ko ang kanang kilay ko. "Magda-drama ba tayo?" diretsang tanong ko.
"Magdalena, nakausap ko ang abogado ng lolo mo ibinigay nila ang lahat ng mga naiwan nila sa iyo."
Tumulo ang luha ko dahil sa narinig ko. Kapag dating kay lolo at lola ay nadudurog ang puso ko. Sila kasi ang naging magulang ko kaya sobra ang respeto ko sa kanila. Hanggang ngayon ay sobrang lungkot ko pa rin dahil wala na sila.
Pinunasan ko ang luha ko. "Mabuti pa sila minahal ako samantalang ang tunay kong magulang walang pakialam sa akin."
"Magdalena, hindi totoo 'yan. Mahal ka namin ng mommy mo."
"Dad, hindi na ako bata para paniwalaan ang kasinungalingan n'yo."
Malungkot ang mukha ni daddy habang nakatingin sa akin saka bumuntonghininga. "Bukas ay kailangan mong makausap ang abogado ng lolo mo para maibigay ang mga naiwan sa iyo."
"Salamat." Sabay punas ko ulit ng luha.
Tumayo si daddy. "Mag-enjoy ka sa birthday mo." Sabay alis niya.
Nang umalis si daddy ay humagulgol ako ng iyak dahil naalala ko na naman ang lolo at lola ko.
"Masaya sana ang birthday ko kung nandito kayo," bulong ko.
Kabaliktaran ang naging pakiramdam ko ngayon. Hindi ako naging masaya kahit imbitado ang mga kaklase at ibang kamag-anak ko. Nang matapos akong kumain ay pumasok na ako sa kuwarto at natulog. Iniwan ko na sila na nagkakasiyahan.
Nang magising ako ng umaga ay wala ang magulang ko. Malinis na rin ang paligid at walang naging bakas na nagkaroon ng party sa gabi sa loob ng bahay. Malinis na kasi ang bahay namin. Nang bubuksan ko ang refrigerator para kumuha ng malamig na tubig. Napansin ko ang nakadikit na sticky note sa pinto ng refrigerator. Kinuha ko iyon para basahin.
Good morning, Anak.
Susunduin kita ng alas-dos ng hapon para puntahan ang abogado ng lolo mo. Huwag ka munang umalis kasi importante ang lakad natin. Initin mo na lang ang mga leftover food sa loob ng refrigerator. — Daddy.
Umiling ako matapos kong basahin ang sulat ni daddy. Hindi ako natuwa sa sulat niya. Gayunpanan, hindi ako aalis ngayon dahil gusto ko rin malaman kung anong mga naiwan ni lolo. Pagbukas ko ng refrigerator ay punong-puno ng mga leftover food. Ito ang mga handa ko kagabi at hindi siguro naubos.
"Nakakaumay."
Hindi ako nag-init ng pagkain sa halip ay nagtimpla lang ako ng kape na may kasamang hithit ng sigarilyo. Pagkatapos ay naligo ako at nagbihis para kapag dumating si daddy ay diretso alis na kami.
"Ang bahay na naiwan ng lolo at ang three milyon pesos nila sa banko ay ibinigay sa iyo," wika ng abogado ni lolo nang kausapin niya ako.
Hindi ko napigilan ang luha kong pumatak. Hindi ko akalain na ibibigay niya nila sa akin ang mga naiwan nila.
"Hindi ko kailangan ang naiwan. Sila ang kailangan ko attorney, sila lang ang nagmamahal sa akin."
Huminga ng malalim si Attorney. "Alam mo, sinabi sa akin ng lolo mo na masama ang loob mo sa magulang mo kaya sila nag-aalala sa iyo. Bago ko makalimutan ay may naiwan pa lang sulat ang lolo mo sa iyo." Kinuha niya sa puting envelop ang nakatikplop na puting sobre.
"Ibigay ko raw ito sa iyo." Sabay abot niya sa akin.
Nilagay ko ito sa loob ng bag ko. "Mamaya ko na lang babasahin ang sulat niya baka maiyak lang ako. Maraming salamat, Attorney."
"Walang anuman."
Nakipag-shake hands ako sa kanya pagkatapos ay umalis na kami ni daddy.
"Gusto mo bang kumain muna bago umuwi?" wika ni daddy habang binabagtas namin ang daan pauwi.
"Mas gusto kong umuwi ng bahay," tipid kong sagot.
Hindi na muling umimik si daddy kaya ang tahimik ng naging biyahe namin. Hindi na bumaba ng kotse si daddy kaya pagpasok ko sa loob ng bahay ay nag-double lock na ako. Pumunta ako sa kwarto at doon ko binuksan ang sulat ni lolo.
Sa aking magandang apo, Magdalena.
Kung nabasa mo ito ay siguradong kasama ko na ang lola mo. Apo ko, mahal na mahal ka namin ng lola mo lagi mo 'yan tatandaan.
Apo ko, ang pangarap ko sa iyo ay magtapos ka ng pag-aaral sana gamitin mo ang naiwan kong pera para makapagtapos ka ng pag-aaral. Gusto kong mapanood ka mula sa langit na nakasuot ng itim na toga. Huwag ka ng mag-iinon at iwasan mo na sana ang mga kaibigan mong dadalhin ka sa maling landas. Nalulungkot kami kapag nakikita ka namin na sinisira mo ang sarili mo. Lalo na ngayon wala na kami diyan para gumabay sa iyo, kaya sana ikaw na mismo ang umiwas. Alam kong galit ka pa rin sa magulang mo pero sana mapatawad mo sila balang araw. Huwag mong sirain ang buhay mo dahil galit ka sa kanila. Dapat ipakita mo sa kanila na kaya mong maging matagumpay kahit wala sila. Apo ko, mahal na mahal ka namin sana ingatan mo ang sarili mo. Tulungan mo ang sarili mo na magbago. Lagi ka namin babantayan ng lola mo kaya 'wag ng gumawa ng mali. Hanggang sa muling pagkikita apo. —Guwapo mong Lolo Cosme.
Humagulgol ako ng iyak pagkatapos kong mabasa ang sulat ni Lolo. Kahit sa huli ay ako pa rin ang inalala niya. Bigla akong nakaramdam ng guilty dahil sa mga binigay kong sakit ng ulo sa kanila noong nabubuhay sa kanila. Ngayon ko lang nalaman na hindi ang magulang ko ang sinasaktan ko sa ginawa kong pagrerelbe kung hindi ang lolo at lola ko. Kinuha ang picture frame na kaming tatlo ang nasa larawan at niyakap ko ito.
"Lolo, patawarin n'yo po ako kung naging sakit n'yo ako ng ulo. Pangako, tutuparin ko ang pangarap n'yo sa akin." Hinalikan ko ang picture nila pagkatapos ay muli akong umiyak ng malakas. Bigla ko kasing naalala ang mga masasayang araw na kasama sila.
Nang halos wala na akong mailuha ay tumayo ako at inalis ko ang lahat ng alak sa aparador at refrigerator ko saka tinapon ko sa basurahan. Inalis ko na rin ang sim card na ginagamit ko para kontakin ang mga naging kaibigan ko para uminom. Tinapon ko iyon para hindi ko na sila matawagan.
" Isa-isa kong inalis ang hikaw sa dila, ilong at kilay. Inalis ko rin ang makapal kong mga porselas, kuwintas at tinapon ko ang mga damit na sobrang ikli.
"Gagawin ko ito para sa inyo, lolo at lola," bulong ko habang nakaharap ako sa salamin.