MARCU’S POV “Gusto mo bang pumunta sa ospital?” tanong ko kay Cherry. Hinatid ko siya pauwi sa bahay niya dahil bigla siyang nagsuka at hinimatay. Concern pa rin ako sa kanya kahit wala akong nararamdaman pagmamahal sa kanya. Nakapikit siya at nakasandal sa upua. “I wanna go home.” “Okay,” tipid kong sagot. Hindi na ako muling nagsalita sa halip ay tinuon ko ang pansin sa pagmamaneho. “Cherry, nandito na tayo sa bahay n’yo,” sabi ko. Bahagya siyang kumilos at tumingin sa labas. “Thank you.” Binuksan niya ang pinto ng kotse at lumabas. Lumabas na rin ako ng kotse para alalayan siya hanggang makapasok siya sa loob. “What happened to her?” tanong mommy niya. “Bigla siyang nagsuka at hinimatay.” Seryosong tumingin ang mommy niya kay Cherry. “Anak, dumating na ba ang monthly period