“Do you still love him?” tanong ni Ryan. Pasimple akong lumingon sa mesa ni Marcus bago ko sinagot. “Mabuti naman at nakarating ka dito,” pag-iiba ko ng usapan namin. “Hindi sana ako pupunta dito kung hindi ako niyaya ni Cherry.” Tumango ako. “Close pala kayo ng bruha na ‘yon.” “Kaya pala hindi mo tinanggap ang alok ko sa iyo dahil mayaman ka.” “Ang magulang ko ang mayaman at hindi ako.” “Pero sa ‘yo nila binigay ang mga negosyong pinundar nila noong mag-asawa pa sila.” “Matagal ko ng alam, pero hindi ko tinanggap.” “Why?” “May personal na rason ako kung bakit hindi ko tinanggap ang alok nila noon." “Ikaw lang ang nakita kong walang pakialam sa yaman. Siguro, kung ibang babae 'yan baka nagkadarapa na sa paghahabol ng yaman." “Hindi mo alam kung anong pinagdaanan ko kaya 'wag mo