KABANATA 7

1073 Words
Kabanata 7: Agent Hell "Are you sleepy?" Biglang tanong sa akin ni Santino nang mapansin nitong ma-mula-mula ang aking mata at maluha-luha. Talagang antok na ako dahil napagod ako kanina. "Medyo." Sagot ko. "Hatid na kita sa loob." Offer niya sa akin. Bigla akong naalarma. Bigla kong natandaan ang sinabi niyang papasukin niya ako ngayon. Tangna, mukhang nawala bigla ang aking antok, ah. "Pasok na tayo." Ani ko. Bubuksan ko na sana pinto ng may biglang tumawag sa aming crew. Napatingin kaming dalawa. "Ma'am at Sir, may mga pulis pong naghahanap sa inyo." Magalang itong wika at bahagyang ngumiti. "Ahh. sige susunod kami." Wika ko. Tumango ang crew sa amin at tumalikod na. Kaswal na tiningnan ko si Santino at nagkibit balikat lang ito. "I'm sure magi-interview ito sa atin." Aniya at naunang humakbang palabas. Bumaba na kaming dalawa at sa waiting area ng hotel napansin namin ang dalawang lalaki na naka-uniform ng pulis. Lumapit kami sa dalawa. "Goodevening po, nandito po kami to investigate." Wika ng isang pulis. Napatango kami and we are expecting na ito ang mangyayari. "Ahh, can we talk privately?" Paanas na tanong ni Santino. Alam ko ang iniisip nito. Hindi pwedeng malaman ng iba na nasa misyon ito ngayon at pati ako ay napasama na rin. Napansin kong panay tingin ng isang pulis sa akin. Well, gwapo ito at may katawan rin. "Sige, doon nalang kayo sa aming presento." Sabay kaming napatango ni Santino. Mas mainam na iyon at mukhang mapagkakatiwalaan naman ang dalawang ito. Nanunang lumabas ang dalawang pulis at sumun0d kami ni Santino. Nakapark ang patrol car ng mga ito sa harap at naka-on pa ang light. Tangna, para kami nitong dinadakip, ah! Napatingin ako sa paligid, may iilang taong nakatingin sa amin gawi. Napabuntong hininga ako at nauna ng pumasok sa loob ng patrol car. Agad namang sumunod si Santino. Mukhang napansin niya rin ang napansin ko. "Tungkol saan ang pag-uusapan natin?" Tanong ko kahit alam ko naman. "Kaugnay ito sa nangyari kanina sa bakanteng lote ng mall." "Ahh, okey." Ani ko. ILang minuto pay nakarating na kami sa presento. Agad kaming pumasok at sumunod sa dalawang pulis. Pinaupo kami sa dalawang upuan na nakaharap. "Iyong mga nakalaban niyo ay hindi basta-bastang tao." Wika ng isang pulis. Itong iyong panay tingin sa akin. "I know, nandito ako for a mission." Ani ni Santino. Napakunot ng noo ng dalawang pulis. "We are agent at matagal na naming minamanmanan ang mga magnanakaw na iyon. You're place is not safe, may mga kayamanan silang hinahanap rito." Dagdag niya sa mga pulis. Dinamay pa ako sa misyon niya eh, sa kanyang lubos lang naman itong misyon na ito. "Paano niyo kami mapapaniwala na mga agent kayo." Kinuha ni Santino ang cellphone nito at may binuksan itong profile. Ilang sandali pa ay ibinigay na niya ito. "Kailangan rin namin makita ang profile ng kasama mo." "Next slide." Sinunod ng pulis ang sinabi ni Santino at nandoon ang profile ko. Hala, paanong may kopya siya sa akin? "Kung makikipagtulungan kayo sa amin mas mainam iyon at kung hindi we can manage all of this." Anas ko. Mukhang ubos na yata ang bakasyon ko. Naman, sasabak na naman ako sa madugong problemang ito. "Sige, makikipagtulungan kami sa inyo, by the way I'm SPO2 Montemayor, just call me Gil at ang partner kong si SPO1 Sebastian, just call him Drake." Nakipagkamay kami sa dalawa. "I'M Agent Hell." "And I'm Agent B." So Gil pla ang pangalan ng pulis na ito. Infairness hindi na masama ang pangalan bumugay sa hitsura nito. Nagtama ang mga mata namin at agad naman akong umiwas. Mas gwapo pa si Santino! "Kailangan lang namin malaman ang full information sa sindikatong ito para ma-submit namin at makagawa ng report." "I'll send it to your gmail." "Sige-sige, Gilmontemayor2gmail.com." "Done." Ang bilis. May marami pa kaming pinagusapan at after 1 hour bumalik na kami ni Santino sa hotel. "Matutulog ka na?" Tanong sa akin ni Santino. "Yes." Sagot ko. Talagang pagod na pagod ako. "By the way, sorry kung nadamay ka sa mga pangyayaring ito, you're supposed to spend your vacation peacefully." "Don't mind it, choice ko ito at may ipinangako ako sa bayan." "Right. Goodnight." Ani niya at mabilis niya akong nahalikan sa lbi. "Goodnight too." Npangiti siya sa akin. Naman, not now! pinagod niya ako kaninang umaga at huwag na muna ngayong gabi. "Bye." Nagmamadali akong pumasok sa aking room. Hayss, ano ba itong napsukan ko. Unti-unti na akong nahuhulog sa kanya. At kapag nalaman ito ni Alexa na nilalandi ko ang nobyo niya. Sigurado akong papatayin niya ako. Napabuntong hininga akong humiga sa kama. s**t! Ang sarap at lambot ng kamang ito. Nakatulog ako na hindi manlang nagpapalit ng damit. ************************************ Nagising ako sa sobrang ingay ng cellphone. s**t! Gusto ko pang matulog! Napabalikwas ako ng bangon at kiunha ang phone ko sa mesa. 10 misscalls galing kay Maharta. Tangna, may nangyari yata. Hinintay kong tumuwag muli si Maharta, at wala pang isang minuto tumunog na naman ang phone ko. Mabilis ko itong sinagot. "Hello?" Ani ko. "Bloom, kailangan mong bumalik rito dahil kailangang-kailangan ka." Ani ni Maharta sa kabilang linya. "Why?" Tangna, gusto kong tumulong sa misyon ni Santino. "Alexa is on leave, she's pregnant at kailangang ikaw ang pumalit sa hindi niya natapos na misyon." "WHHATTTTTTTTTTTTTTTTT???" Tangna, hindi ko alam kung shock ako dahil ako ang tutuloy sa misyon niya o gulat ako dahil buntis siya. Tangna magiging ama na si Santino. "Ano ba kasi ang misyon niya?" "You will know it later, kailangan mo munang bumalik rito. By the way saan ka ba?" "Nasa Bohol ako now. Sige I'll be there mamayang gabi." Agad akong nagbooking ng ticket pabalik at inimpake ang aking mga damit. Kailangan ko munnag magpaalam kay Santino. Lumabas ako at kinatok ko ang room niya. Ilang saglit pa'y bumukas ito. Napansin kong wala sa huwesto ang mukha nito. Eh, parang ang lungkot ng mukha ng gago. "You're now a Daddy, at kailangan kitang iwan dahil ako ang tatapos sa misyon ni Alexa." "I know, you may now go." Walang buhay nitong wika, anong problema niya? Para din naman ito sa kanyang magiging anak at kay Alexa ang gagawin ko. "Sorry, mukhang hindi na ako makakasali sa misyon mo." "It's okey, importanteng matapos mo ang misyon ni Alexa." "Sige." Ani ko. Tumango lang si Santino at tumalikod na ako!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD