Kapitulo Dos

1309 Words
" Vada, tandaan mo. Last chance mo na ito?" At wag na wag mong gagamitin ang kakayahan mo dun nakukuha mo?" Paalala ng kanyang uncle Voughn. Tanging ngiti lang naman ang kanyang ibinigay sa kanyang tatlong tiyuhin na mababakas sa mukha ang pag-asang makikinig ang pamangkin nila sa kanilang munting habilin dito bago pa man pumasok sa unibersidad. Mabilis na ihinakbang ni Vada ang mga paa papasok sa kotse sabay kaway sa mga tiyuhin hanggang sa tuluyang makaalis na ang kotse papalayo sa tatlong bultong nakatanaw sa kaniya. " Sana naman kuya sa pagkakataong ito ay tumino na iyang pamangkin natin." Saad ni Vance sabay buga sa hangin na napailing. " Kailangan niyang magpakatino kung hindi, di ko na din alam pa kung pano pa siya maitatago sa mga kalaban." Sagot ng nakatatandang kapatid nito sabay talikod sa dalawang kapatid na mababakas sa mga mata ang pag-aalala sa posibleng maging kalabasan ng naging desisyon nilang tatlong magkakapatid. ----- " Nakakaantok !" Bulong ni Vada sa hangin habang nakapangalumbabang nakatingin sa labas ng bintana. Hanggang sa tuluyan na nga siyang nagpatianod sa haplos ng hangin at nakatulog. Maya-maya lang-- " Pst. !" May sumisitsit mula sa unahan niya. Pero wala pa din siyang pakialam. " Pstttt !" May kasabay na pag tapik tapik sa balikat niya ang sitsit na yun. " Anu ba ! Wag ka ngang magulo." Saway niya sa pag aakalang isang makulit niya lang na kaklase ito. "Pst ! Pst ! Pst !" Napapakunot noo na siya sa inis. Bang kulit nito na para bang ayaw siyang tantanan. " Miss Sachie Eva Vada!" Mabilis pa sa segundong naiangat niya ang ulo habang nanlalaki ang mga mata. Ang Prof pala nitong nanlilisik ang mga matang nakatitig sa harapan niya ang walang pakundangang nang-isturbo sa kalagitnaan ng panaginip niya. "Ah-eh, Pro-Prof--kayo-kayo po pala. Ma-magandang umaga ho!" May pagbating sambit niya sabay ngiti at pasimpleng pagpunas sa pawis. " You're not listening." Singhal sa kaniya ng guro na may kasabay pang paghampas ng folder na hawak hawak sa desk niya. Napabuga naman sa hangin si Vada saka napailing sa isip isip kasi niya ey, kaya naman pala nitong lakasan ang boses nito kung bakit di pa ginawa simula pa lang ng di sana siya nakatulog. " Mawalang galang napo Prof., ang totoo po kasi niyan nakakaantok po talaga ang boses mo--and your topic? Uhhh! Sorry po but-- not interesting. In short, ang boring mo po talaga magturo." Walan emosyong sabi niya dito saka dinampot ang bag. " Aba't boring pala huh? You! You! You get out in my class.Now! Now na!" Turo ng guro sa pinto kay Vada. "Eh di--e'get get out na natin ito. Thank you ma'am." Sagot niya na mabilis niyang kinuha ang jacket sabay ngiti sa guro at mga kaklase. "Oh, narinig niyo iyon mga kaklase ko. Labas daw ako." Saka mabilis na humukbang at tuluyan na lumabas ng pintuan habang ang karamihan ay napapahanga sa kanyang ginawa. Masaya siyang nakalabas ng room. Sa totoo lang kasi pakiramdam niya idinuduyan lang siya ng napakahinang boses ng kanilang prof habang nag sasalita ito sa unahan. At ang nakakainis pa ii halatang binabasa lang nito sa libro ang mga dinidiscuss nito sa kanila. " Pano kaya naging guro yun?" Saad niya sa sarili sabay buga sa hangin at napailing na lamang, maya-maya lang abot tanaw na niya ang locker room kaya mabilis niyang ihinakbang ang mga paa papasok dito. Napangiti naman siya ng makita ang dalawang bote ng pinakamamahal niyang inumin pagkabukas niya ng locker. " My love of my life." Saka kinuha ito ng may malalapad na ngiti sa labi nito. Tatangkain niya na sanang buksan ang bote ng may kumalabit sa kanya sa kanyang balikat na naging dahilan para biglang mapakunot noo siya. Naudlot tuloy ang pananabik ng lalamunan niya sa dugo ngayon. Kung hindi lang bawal baka nakapatay na siya sa pang iisturbo nito sa kanya. " Excuse me. Pwede bang makiinom? " Isang babaeng kyut na may mahabang buhok at magandang mga mata ang nagsusumamong makiinom sa hawak hawak niya na ikinalunok niya sa gulat nito. "Please! Can I--" " Anooo?" Gulat niyang sagot. " Ah-eh kasi ano ii. Iinom kasi ko ng gamot ey- nasa kabilang building pa ang canteen.please kahit yang hawak mo nalang." Saad nito. Habang nakahawak sa tyan at namimilipit na nagpapalipat lipat ng tingin. " No way. Di pwede. Bumili ka di ka naman siguro poor." Sagot niya na parang walang awa. " Please. Baka himatayin nako sa daan palang. P---pleaaase.. I badly--badly need water." Namimilipit na sa sakit at namumutla. Napatingin siya sa bote niya. Hindi niya kayang basta basta nalang ibigay ang hawak niya. Isang linggo din niyang pinaghirapang hanapin iyon sa gubat para lang makaipon ng maiinum niya sa loob ng isang linggo din. Maliban pa dun, dugo ito na may kaonteng halo na makakaalis sa amoy ng dugo at hinaluan din niya ng kaonteng lasa para naman maglasang inumin ng tao at hindi din mapansin ng mga tiyuhi niyang nagdadala siya ng ganitong inumin sa unibersidad. Napalunok siya. Saka ipinasok ang bottle sa locker at isinara at hinarap ang babae ng nakapamewang pa. " Anung floor at room yung canteen ba?" Tanung ni Vada habang nakatingin ito sa malayo. " Buliding 5, 2nd floor, room 10 eto yung per---- huh san na siya?" Nang mapansing wala na ito sa kanyang harapan. " Araaay kooo --- San na kaya yun nagpun--ta?" Nang biglang nagulat siya nang mag salita si Vada sa tabi niya. " Oh." Halos lumabas ang dalwang mata niya sa gulat. Nasa tabi niya na ito at may iniaabot ng mineral water sa kanya. " San?? papan--" Utal utal na nitong sabi habang nagtataka kung saan, paano at anong nangyari kung bakit biglang nawala ito sa tabi at biglang litaw ulit. Bahagya pa siyang nakaramdam ng kilabot para dito habang iniaabot nito ang tubig na hawak nitong si Vada. " Kala ko ba may masakit sayo? Inumin mo na yan at wag ng maraming tanung." Aniya nitong si Vada saka binuksan niya na ulit ang kanyang locker. " My love of my life." Ani nitong si Vada na mula sa pagkakakunot ng noo kanina sa pang-aabala ng babae ey ngayon ay parang nakakita ng inspirasyon sa buhay pagkahawak sa tumbler nitong naglalaman ng kaniyang pinakainaasam asam na klase ng inumin. " Thank you huh." Saad ng babae na nakasalampak sa baba. Ngunit, tila yata walang naririnig si Vada. Tanging nasa loob ng bote lamang nakatutok ang atensiyon niya. At sa wakas nabuksan na niya. Sa sobrang bango nito sa pang amoy niya ay napapapikit siya nito. Iinumin na sana niya nang hinawakan ang binti niya nung babae. Napakagat labi ulit siya saka tiningnan ng masama ang babae na tila ba isang-isa nalang ay kakainin niya na ito ng buhay sa titig. " Pwede-- pwede bang pakiabot nung bag ko na nasa left side ng locker mo?" Pakiusap nito sa kaniya. " Nako! Vada. Di ka mabaet. Di ka mabaet. Wag mo siya pansinin. Dedma mo na." Bulong niya sa hangin habang nag-aagaw ang konsensya niya. " Pwede ba? Di naman putol ang paa at kamay mo." Inis niyang sabi sa babae. " Please Miss ?" Pakiusap nito sa kanya habang namumungay ang mga mata nito. Napabuntong hininga na lamang siya sabay pikit ng mata sandali tanda ng pagkokontrol niya sa galit niya, baka kasi di siya makapagpigil ay sa bundok pulutin ang babaeng iyon. Mabilis niyang kinuha ang bag nito sa locker at pabagsak na inilaglag ang bag nito. " Ah--thank you. Ako nga pala si Jazz at ikaw si?" Ngunit imbes na sagutin ni Vada yun ay tumalikod lang ito dala dala ang bote saka naglakad papalayo. " Suplada naman nun.Pero ang baet niya. San kaya pupunta yun? " Saad ni Jazz.saka dahan dahang ibinalik ang lalagyan ng gamot niya sa bag at tumayo.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD