"Vaddah naman, pang labing isa mo na tung University na pinasukan mo ngayong taon tas anung ginawa mo nanaman? Bakit na naman kami pinatatawag ng Dean? Di ka pa ba napapagod kaka adjust lagi sa paligid mo? Kailan mo kaya maiisipang magpakabaet na bata ka huh?" Halos maluha luhang sabi ng kanyang uncle na si Vlady.
" You know what uncle? It's better nga ii." Nakangiting ibinababa ang bag ni Vaddah.
" Ano? So ano sa tingin mo ang better dun?" Halos atakihin pa sa puso ito sa isinagot ng pamangkin.
"Uncle, may kasabihan nga po tayo na the more the merrier. So for me? The more university,the merrier hahah." Saka parang bulang naglaho sa kanyang bilis sa pag akyat sa hagdanan.
" Jusko po mahabaging supremo, kunin niyo na po ko sapagkat nagkamali po yata kami ng pagpapalaki sa batang ito." Panalangin ni Vlady sa kataas taasan nilang ninuno.
Si Vaddah na yata ang may pinakamaduming record pagdating sa form niya sa school sa lahat ng mga nag aaral. Madalas kasi siyang napapaaway sa school at dahil hindi nga siya isang pang karaniwang tao lamang madalas nakakasakit na sya sa bigat ng kamay nya sa kapwa niya. Kaya ang ending kick out ang nangyayari, madalas sa loob ng isang taon ay halos pito o walong beses siya na ililipat pero yun palang bilang ng pinaka mababang bilang na paglipat niya ng school.
" Yaya Meling ! Can you get me po a bottle of blood?" Halos himatayin ang nasa edad na saysentang babae sa sobrang gulat nito ng bigla nalang itong lumitaw sa kanyang harapan nang nakangiti habang naglilinis ito ng kanyang kwarto.
" Jusko po. Vaddah naman huwag mo namang gagamitin sakin yang kakayahan mo baka sa sobrang gulat ko ii atakihin nalang ako at mamatay bigla." Nakahimas sa dibdib nitong sabi sa nakaupo sa kamang si Vaddah.
" Eto naman si Yaya, excited namang mamatay. Pwede namang gulat at hinimatay lang kaso kaw naman tung gustong gusto nang mamatay." Nakangiting sabi nito na ikinagulat naman ng matanda.
" Aba't ikaw na bata ka talaga. " Saka binatukan sa ulo.
" Aray ! Yaya naman ii. Joke lang po. Siyempre ayoko pong mawala ka nuh hayaan mo po sa susunod gugulatin po ulot kita hahaha." Saka yumakap ito sa matanda.
" Nako na bata ka. Oh? Teka pangatlong araw mo palang ngayon sa bagong school mo ah? Bat ang aga mo yatang umuwi?" Pagtataka ng matanda na bigla lang siya nitong nginitian.
" Abat. Vaddah wag mong sabihing?" Pag hihinala na ni Yaya Meling na ikinangiti naman bigla ni Vaddah sabay kamot sa kanang tenga.
" Nako si Yaya Meling talaga kunwari ka pa po. Umuwi po ko ng maaga kasi ipinatawag si uncle Vlad at uncle Vlade." Saad nya saka napahiga sa kama.
" At anu na namang ginawa mong bata ka?" Hahampasin na sana ng hanger ni Yaya Meling ng mapabangon siya
" Oy yaya masakit yan. Wag mo pong ihahampas yan." Napapa ilag sa pag aakalang tatamaan sya ng hampas nito.
" Talagang masasaktan ka. Nako di kana nagtinong bata ka. Akina yang ulo mo at hahampasin kita ng limampu." Saad ng matandang nakahandang patamaan ang ulo ni Vaddah.
" Te-teka lang naman yaya. Let me explain first. M--may binubully kasi yung mga freaky boys dun sa rooftop na babae eh ang iingay naisturbo ang tulog ko dun so tinulungan ko na lang yung babae para tumigil na kakangawa." Pag papaliwanag ni Vaddah.
" Tapos? anung tulong ang ginawa mo?" Napahinto ang matanda saka napatingin kay Vaddah.
" Eh. Ayun, yung isang lalaki lumipad sa ibabaw ng puno ng niyog, yung isa naman tumilapon sa rooftop ng kabilang department building, yun isa nabalian lang naman ng kamay at yung isa ayon di ko alam kong humihinga pa yun ngayon? Kaya pilit nila akong tinatanong kung ano daw ginawa ko at bakit daw umabot sa ganun? Alangan namang aminin ko baka ma triple kill ako ng mga uncle ko."
" Anoh ? Diyos ko naman patawarin ka nawa saiyong mga kasalanang bata ka. " Sabay sabi na kamuntik ng matumba mabuti nalang at mabilis na kumilos papalapit itong si Steffi at nasalo nya ang yaya niya na tuluyan ng nawalan ng malay
" Haysss ! Ganun ba kabigat yung ginawa ko? Eh di nga ako pinag pawisan dun eeh." Kausap nito ang sarili. Nang biglang napatingin siya sa leeg ng kanyang Yaya. Napakagat labi siya.
" Oh no no no-Vaddah-- no! " Saka parang hanging naglaho sa kwarto at lumitaw sa kusina. Mabilis nyang binuksan ang ref at kinuha ang isang litrong bote na naglalaman ng kulay pulang likido. Mabilis niyang binuksan na para bang sabik na sabik matikman ang nasa loob ng likidong iyun. Lunok.
" Hmmmmm craving satisfied. Sarap talaga ng dugo ng baboy ramo." Saka dinilian pa ang labi.
" Vaddah ! Lumabas kang pasaway ka." Nagulat bigla si Vaddah ng marinig ang sigaw ng kanyang uncle Vlade. Napakagat labi siya. Mukhang dumating na ang dalwang uncle niya galin sa school.
" Patay ka. Si bampirang sungit na yun Vaddah. " Saka mabilis na namang nawala.
" Makinig ka. Eto ang huling unibersidad na papasukan mo sa susunod na linggo. At kapag may ginawa ka pang kalokohan. Humanda kana saming tatlo." Galit na sabi ni Vlade.
" Eh, Uncle pinagtanggol ko lang naman po yung binubully nung nga lalaki ii. Tsaka ang iingay kaya nila. Alam nyo naman pong mabilis sumakit ang tenga ko pag ka ganyang mga pangyayari." Sagot nito na prang pusang nasa sulok lang at nakayuko.
" Kahit na. Lagi na lang. Iwasan mo gat maaari ang mga gulo dahil yan ang magpapahamak sayo balang araw. Kaya ngayon palang matuto ka ng makinig. Magbago ka dahil hindi laging ganito nalang na lilinisin namin ng mga uncle mo lahat ng dumi mo." Saad ni Vlade
" Eh uncle-" Sasagot pa sana siya ng tinapik siya ng uncle niyang si Vlady senyales na hindi na ito sumagot pa para di na humaba ang usapan.
" Vaddah, para sa ikabubuti mo tuh. Matuto kang kontrolin ang kakayahang meron ka para sayo tung ginagawa namin makinig ka naman samin. " Saka napapailing na tumalikod ang dalawa niyang uncle. Habang siya ay tahimik na napaupo.
" Wag ka nang magalit sa mga uncle mo. Alam mo naman kung gano natin pinaka iingat ingatan ang totoo nating pag katao lalo kana. Mahal ka namin kya ganito kami sayo. Dahil kung patuloy kang mawawalan ng control sa kakayahan mo panigurado mahahanapan na tayo nang tuluyan ng gusot ng mga tao. " Napabuntong hininga na lamang si Vaddah.
" Bakit ba ganitong buhay ang napunta sakin?" Bulong nya sa sarili niya habang tinititigan nya ang pusa na naglalaro sa harapan nya.
" Buti pa tung pusa walang kailangang itago. Ang saya saya ng buhay mo Catty." Tukoy nya sa pusa niya habang kaharap niya ito. Saka sakanya napalingon ang pusa.
" Cathy? Masarap kaya ang dugo mo?" Seryosong tanung nito habang nagkakatitigan sila ni Cathy .
" Mweeow !" Biglang nagtaasan ang balahibo ni Cathy sabay harap sa kaniya. Napatawa naman si Vaddah.
" Joke lang !" Saka niya dinampot ang pusa at niyakap saka napabuntong hininga.
" Paano kaya kung naging isang normal na tao lang ako?" Bulong niya sa sarili niya saka napabuntong hininga ulit.