03

1536 Words
Chapter 03 Savannah Menesess POV Malakas na sampal ang bumungad sa akin matapos ako umuwi sa bahay ng gabi. "Saan kang pumunta na babae ka! Bakit hindi ka pumasok!" bulyaw ni mom. Nakita ko naman nakaupo si ate Selena na tatawa-tawa. Siguradong ito ang nagsabi na hindi ako pumasok since kaklase ko siya. Wala din naman pakialam si mom kung pumasok ako o hindi ayaw lang nila masira ang image na iniingatan nila kung gumawa na naman ako ng panibagong gulo. "Don't worry mom. Wala akong ginawa na kahit ano ngayon. May pinuntahan lang ako na lugar at tumambay," sagot ko at hindi ininda ang pang-iinit ng pisngi ko dahil sa sampal ni mom. Nanatili lang akong nakatayo sa harapan nina mom habang paulit-ulit mg mga ito nilalait ang pagkatao ko at ang dahilan kung bakit nanatili pa din ako sa bahay. Kung hindi dahil sa lola ko alam kong hindi nila ako patatagalin dito. Hindi ako parte ng pamilyang ito at si Selena lang naman talaga ang anak nila. Hindi na ako nag-explain pa at ng magsawa sila tumaas na ako ng hagdan. Mabilis akong pumasok sa sarili kong kwarto at napapagod na dumapa sa kama. "Kung ako pa din ang dating Savannah. Matapos ako sampalin ni mom at pagsalitaan ng kung ano-ano. Iiyak ako at magmamakaawa— ako pa ang magso-sorry." "Pero iba na ang Savannah na nasa katawan na ito ngayon. Hindi na ako ang dating Savannah," bulong ko bago umikot at tumitig sa kisame. "Pagsisihan niyo lahat ng ginawa niyo sa akin at sa pamilya ko. Sisiguraduhin ko na babawiin ko ang mga bagay na inagaw niyo sa akin." Pero magagawa ko iyon kung magagawa kong makasundo si Charles. Nang pumasok sa isip ko si Charles nag-pop sa isip ko ang nangyari sa bakanteng lote. 'Manahimik ka! If I know isa ka din sa mga aso ng kapatid ko! Katulad ka din ng mga hayop na iyan! Isa lang naman gusto niyo mangyari diba! Mawala ako at makita niyong nagdudusa ako!' "Bigla kong nakita ang sarili ko sa kaniya," bulong ko bago naiinis na tumagilid at niyakap ang unan ko. "Bwisit, kahit naman lagi ako nabu-bully hindi naman ganoon mukha ko palagi." Charles Argen Sergio's POV Hanggang sa makarating kami sa mansyon. Hindi na nawala sa topic nina Timothy at Anthony ang babae. Tuwang-tuwa ang mga ito lalo na sa ginawa nitong pag-acting. "Hindi na talaga ako nagtataka Pareng Serge kung bakit ka muntikan na-kicked— out ang galing umarte eh," ani ni Anthony ba ang tinutukoy ay iyong babae na kapatid ng campus Queen. Tatawa-tawa ito habang hinuhubad ang uniform niya matapos makipag apir kay Timothy na agad sumang ayon. Sino ba ang kaibigan ng mga kupal na ito? Napaismid na lang ako at umupo sa sofa matapos hubarin ang suot kong necktie. Hindi ako nagkomento dahil in terms of sincerity mas kapani-paniwala ang sinabi at pinakita nito 'nong nasa office sila. Puno ito ng takot at umiiyak kahit wala naman akong ginawa sa kaniya. Kung anong nakikita mo sa expression niya iyon ang nakikita sa mga mata niya pero iba ang nakita ko sa police station. Completely acting lang ang nakita— alam kong nagsinungaling siya pero for god's sake mga pulis officer ang niloko niya. Wala siyang takot ganoon din 'nong kaharap niya ang dalawang lalaki. Kahit 'nong tinulak niya ako at makita ang screw driver. Napakamot ako sa ulo sa idea na dahil sa mga gagong ito pati ang babaeng iyon iniisip ko. Kinuha ko ang bag ko— hinanap ang phone at napatigil ako matapos may makita akong lalagyan. Nilabas ko iyon kaya napatingin sina Timothy. "Whoa! Ayan ba iyong regalo na tinutukoy 'nong babae," natatawa na sambit ni Anthony matapos makita ang hawak kong lalagyan. "Sino naman matinong tao ang magreregalo ng pepper spray." "Pero bukod sa ating dalawa siya iyong pangatlo tao na may alam sa birthday ni Pareng Serge diba?" sambit ni Anthony na kinatingin ko. Paano nalaman ng babaeng iyon ang birthday ko kung si Anthony at Timothy ang ang may alam ng tunay na kaarawan ko. Sa school documents ko 21 ang birthday ko kahit pinanganak naman ako ay 22. Magkakambal kami ni Charlie pero pinanganak siya 11:59 pm at ako ay 12:04. Malinaw na magkaiba kami ng araw ng kapanganakan pero ni minsan hindi iyon binigyan ng pansin ng parents ko. Hindi na nakakapagtaka iyon dahil sa mga mata nila si Charlie lang ang anak nila at hindi ako nage-exist. Pero paano nalaman ng babaeng iyon ang birthday ko. Tinitigan ko ang lalagyan ng pepper spray. Keychain type ang pepper spray na ito kumpara sa hawak niya kanina mas maliit ito medyo magandang tingnan. Sumandal ako sa sofa at tumingala. Hindi na din masama ang nangyari sa araw na ito. Kahit for the first time nakapunta ako ng presinto na hindi ako ang kinukulong o pinapahiya ng pamilya ko. Pumikit ako at hindi na lang pinansin sina Timothy at Anthony na busy sa pagtatalo kung anong lulutuin nila ngayon gabi. "Hoy Serge! Hindi ka matutulog kakain at magpapakalasing tayo buong gabi!" sigaw ni Anthony mula sa kusina. "What the f**k! Ang lakas ng boses mo nage-echo dito sa kusina." Minulat ko ang mata ko at tiningnan sina Timothy at Anthony sa kusina na kasaluluyang nage-espadahan gamit ang carrot at patola. Hanggang ngayon hindi ako makapaniwalang mga naging kaibigan ko ang mga ito at nagkakasundo kaming tatlo. "Idiots." Pero aminin ko 'man o hindi sa mundong ito— sila lang ang naging kakampi ko. Hindi nila ako iniwan o hinusgahan kahit lahat ng tao walang ginawa kung hindi tingnan ako na parang ako ang pinakamasamang tao sa mundo. Palihim akong naggitgit matapos maalala si Charlie. Lahat ng bagay na ginagawa niya ay para mapasama ako sa mata ng maraming tao. Ilang beses niya na akong tinangkang patayin na hindi ko akalain na magagawa niya. Nilingon ko ang glass wall sa living room kung saan nakikita ang ilabas nitong mansyon. Hindi ako takot mamatay dahil wala naman akong maiiwan na kahit ano— dahil lahat ay para kay Charlie. Mula sa mga bagay na nasa Sergio's house hold hanggang sa existance ko ay para kay Charlie since madalas din ako napagkakamalan na si Charlie dahil kamukha ko siya. Pero katulad ng ibang tao— gusto ko din magkahanap ng mga taong makakasama ko, lugar na matatawag kong tahanan at isang bagay na matatawag kong akin. "Pareng Serge! Nag-order ako ng cake," ani ni Anthony na kinatingin ko. "Hindi ako bata! f**k off Reyes!" Nagtawanan kasi sila matapos ibato sa akin ang birthday hat habang may hawak pang balloons si Timothy na mas kinainit ng ulo ko. Savannah Menesess's POV Maaga ulit ako nagising. Bumalik ako sa pagiging 18 years old pero hindi pa din nawala ang pagising ko ng ganitong oras. Nakabalik na ako pero nandoon pa din ang pakiramdam at takot ko. Hindi nawawala at lahat iyon dahil sa mga Sergio. Dahil maaga ako nagising— maaga din ako naghanda para pumasok ng school. Hindi na din ako sumasabay sa pamilya ni Selena at mas pinipiling kumain sa university mag-isa. Matapos ko magbihis at lumabas ng mansyon sumakay na ulit ako ng taxi dahil sa kondisyon ko ngayon pakiramdam ko masu-suffocate ako kung makakasama ko sa iisang lugar ang isa sa mga taong naging dahilan para masira ng buhay ko. Noong nakaraan na buhay ko tuwang-tuwa ako kahit makasama lang sa iisang sasakyan si Selena kahit alam kong pakitang tao lang iyon pero ngayon tuwing naiisip ko ang side ko na iyon. Parang gusto ko na lang itali ang leeg ko at isabit ang sarili ko sa kisame dahil sa pagiging tanga ko. Masyado ako naging uhaw 'non sa atensyon at pagmamahal. To the point na ginagaya ko si Selena para magustuhan ng maraming tao. Iniisip ko 'non kung magiging katulad ako ni Selena magkakaroon din ako ng marming kaibigan at magugustuhan nina mom at dad. Natawa ako ng mahina matapos ma-realize na isa iyong malaking kalokohan. Tiningnan ko ang bintana ng sinasakyan kong taxi matapos ito huminto dahil sa traffic. May nakita akong isang buong pamilya sa labas ng taxi. Nasa harap sila ng isnag ice cream parlor. May tatlo itong anak, may ina at ama— lahat sila may hawak na ice cream. Ang isa sa mga anak nito mukhang kasing edaran ko lang at kahit mas matangkad na siya sa ama niya. Nagawa pa din ng matandang lalaki na guluhin ang buhok ng anak na lalaki na agad nagreklamo. "Pamilya," bulong ko habang nakatingin sa mga ito. Iyon 'yong kaisa-isang bagay na hinangad ko mula ng isilang ako hanggang sa namatay ako. Sa 38 years na naging existance ko. Wala kahit isang segundo sa buhay ko na iyon ang naranasan ko maging masaya o magkaroon ng pamilya. Masyado akong naging tanga at pilit na pinagsisiksikan ang sarili ko sa iba para matanggap lang ako at mahalin— to the point na nakalimutan ko na kung sino ako at ano ba talaga ang halaga ko. Iniyukom ko ang kamao ko. Pero ngayong nabigyan ako ng pangalawang pagkakataon— gagawin ko lahat ng bagay na hindi ko dati nagawa at sisiguraduhin kong hindi ako mamatay sa parehong sitwasyon at mga kamay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD