02

1526 Words
Chapter 02 3rd Person's POV "Pre, birthday mo ngayon diba? After ng klase natin inuman tayo sa bahay. Wala ang parents ko doon," ani ni Anthony na may pagsuntok pa sa hangin bago inakbayan ang kaibigan. "Pwede naman sa bar na lang ulit tayo bakit sa bahay niyo pa?" "Araw-araw tayo nasa bar gago. Walang bago, ayaw mo ba matikman ulit ang mga specialties ko! Hindi na lang spaghetti alam ko. Marunong na din ako gumawa ng pasta—marunong na din ako gumawa ng curry iyong last time na hinanap mo sa bahay ni Timothy," proud na sambit ni Anthony. "Pumayag ka na dre. Nag-take pa ng culinary arts si pareng Anthony para maipagluto tayo," natatawang sambit ni Timothy. Kasalukuyang nag-aasaran sina Timothy at Anthony habang naglalakad sila sa bakanteng lote kung saan nila pinarada ang sasakyan nang may makita silang babae. May hawak itong pepper spray at nakatutok iyon sa dalawang kahina-hinala na lalaki. "Dude! Iyong babae— binabastos," ani ni Anthony matapos makita ang pamilyar na estudyante. Iyon 'yong babaeng laging binu-bully sa school nila—nila masyado kasi itong mahiyain at isama pa na kapatid nito ang tinaguriang Campus Queen at Ms. Perfect ng university nila. "Lagi na lang talaga problema ang dala ng babaeng iyan," gusot ang mukha na sambit ni Charles. "Kilala mo ba ang babaeng iyan?" tanong ni Timothy kay Charles na bahagyang tinaas ang suot na sleeve niya hanggang siko. "Ang babaeng iyan ang dahilan kung bakit muntikan na akong ma-kicked out at gumawa ng deal kay lolo. Napagkamalan akong r****t," asik ni Charles. Niligtas na kasi ito ni Charles mula sa mga taong binubully ito at tinatangkang gumahasa sa dalaga. Nagawa pa ng babae na ipagkanulo at sinabing siya ang nagtangkang gumahasa sa dalaga. "Tutulungan ba natin?" tanong ni Athony na bahagyang nagdududa masama kasi ang mukha ni Charles at mukhang may galit ito sa babae. "Sabing huwag kayong lalapit! Isusumbong ko kayo sa mga pulis!" Napatigil si Charles matapos makita ang tapang sa mukha ng babae. Nagtawanan ang dalawang lalaki hanggang sa mapatingin ang dalaga sa direksyon nina Charles. Nanlaki ang mata ng babae at tinuro ang dalawang lalaki. "Sisirain nila ang sasakyan niyo! Nakita ko sila!" sigaw ng babae na kinatigil ng dalawang kahina-hinala ng lalaki. Tatangkain ng mga ito hulihin si Savannah nang sipain nito ang iniingatan ng lalaki at buksan ang pepper spray. Nagsisigaw ang mga ito ng mapunta iyon sa mata nila. Mabilis na lumapit ang tatlong lalaki— napatigil sina Anthony matapos makita na nagkalat ang tools sa paanan nila. "Anong ginagawa mo dito?" tanong ni Charles na hindi pinansin ang dalawang lalaki at hinarap si Savannah na kasalukuyang pinupunasan ang noo. "Ayan ba iyong mukha ng nagpapasalamat? Pwede ba huwag ka na lang magtanong, nahuli ko ang mga culprit," ani ni Savannah na ngayon ay nakatingala at nakatingin kay Charles na may pagkadisgusto ang mukha. Savannah Menesess's POV Kahit saan anggulo ko tingnan malaki ang pagkakahawig nila ni Charlie. Dahil ba kambal sila? Ang pinagkaiba lang ng lalaking ito na nasa harap ko laging salubong ang kilay nito at ngayon ang sobrang sama ng tingin sa akin. "Magpasalamat! Dapat ba ako magkaroon ng utang na loob sa babaeng niligtas ko na nagawa pa akong ipagkanulo at iturong r****t! Dahil sa iyo muntikan na akong ma-kicked oit tapos iniisip mo na magpapasalamat ako dahil may nahuli kang nagtatangka na sirain ang sasakyan namin?" umuusok ang ilong na sambit ni Charles. Kumunot ang noo ko. Anong sinasabi nito n tinuro k— Nanlaki ang mata ko matapos may maalala. Si Selena— sinabi niyang hindi niya ako hahayaan sumali sa dance club nila kung hindi ko ituturo si Charles at ipagdidiinan na ito ang muntikan nang gumahasa sa akin. Patung-patong ang kahihiyan na natanggap ko 'non dahil maraming hindi naniniwala dahil sa tiyura ko at isama pa na sikat ang sira ulong ito sa university. Napasapo ako sa noo— hindi ko ini-expect na maki-kicked out siya dahil doon pero paano? Noong araw na iyon kahit ang dean tinawanan ako. "Look I'm sorry," medyo sincere na sambit ko. "Sa tingin mo maayos lahat dahil sa sorry mo? Dahil sa iyo kinailangan ko magkaroon ng deal kay lolo at dahil sa iyo nasira ang image ko sa university," may diin na sambit ni Charles na kina-pokerface ko. "As far as I know matagal ng sira ang image mo. Mas convenient naman ang kumakalat na r****t ka kaysa iyong kumakalat na chismis na gangster ka," pabalyang sagot ko. Natawa ang dalawang barkada niya na nasa likuran dahilan para sipain ito ni Charles. Duduruin niya ako nang mabilis ko siya tinulak palayo. Bigla kasing tumayo ang isa sa mga lalaki at may hawak itong screw driver. Tinangka nitong saksakin si Charles. Bumagsak si Charles sa sahig at nabasag ang salamin ng sasakyan matapos doon tumama ang screw driver Malakas itong sinipa 'nong isa sa mga kabarkada ni Charles at hinampas sa hood ng kotse. Agad naman tumawag ng pulis iyong isa habang hawak sa leeg iyong isa sa dalawang lalaki. Ibig sabihin si Charles ang target ng mga ito. Kung isa sa mga kaibigan ni Charles ang target una nitong susugudin ang lalaking may hawak sa kaniya pero hindi. Matapos ito makawala sinugod nito si Charles. "Anthony!" tawag ni Charles na kinatingin namin sa kaniya. Nanatili ito nakaupo sa lupa at nakayuko. "Huwag ka ng tumawag sa pulis dahil siguradong wala din mangyayari," ani ni Charles na kinatigil ko. "Anong sinasabi mo, Gangster? Tinangka kang patayin ng mga taong iyan tapos hindi mo sila isusumbong sa pulis?" sabat ko. "Manahimik ka! If I know isa ka din sa mga aso ng kapatid ko! Katulad ka din ng mga hayop na iyan! Isa lang naman gusto niyo mangyari diba! Mawala ako at makita niyong nagdudusa ako!" bulyaw ni Charles na kinatigil ko. Kapatid? Si Charlie ba tinutukoy niya? Gumusot ang mukha ko matapos ma-realize ang binitawan nitong mga salita. "Nagawa mo akong husgahan kahit hindi mo pa ako kilala?" ani ko na kinatingin niya. Iniyukom ko ang kamao ko at kinuha ang phone ko. Ako ang kumontak sa mga pulis at pinatawag sila para ipahuli ang mga taong nagtangka pumatay kay Charles. Maya-maya dumating ang mga ito at sinama kami sa presinto as in lahat kami kaya halos umusok ang dalawang tenga at ilong ni Charles dahil doon. "Anong nangyari?" tanong pulis officer. Umupo ako sa isang mono block na malapit sa table ng officer. Sisiguraduhin ko na kahit si Charlie walang magagawa para palabasin ang mga alagad niyam 3rd Person's POV Yumuko si Savannah at nagsimulang nilaro ang mga daliri. "S-Sir, nakita ko sila balak nilang nakawin iyong sasakyan ng isa sa mga ka-schoolmate ko. P-Pinigilan ko po sila sir— tapos tinawanan nila ako at binalak pa nila akong gahasain." "Wala akong nagawa sir buti na lang dumating iyong mga ka-schoolmate ko niligtas nila ako," ani ni Savannah na may paiyak effect pa. Nagulat sina Charles dahil malayo iyon sa nakita nila. "Sir, takot na takot ako tapos po binalak din nilang saksakin ng screw driver iyong isa sa mga nagligtas sa akin," ani ni Savannah na umiiyak bago tinuro si Charles na napanganga na lang sa acting ni Savannah. "Iyong gwapong iyon officer! Tapos nilagyan pa nila ng sugat sa braso at pisngi— isang krimen din iyon sir. Dapat sa mga iyan sir pinakukulong," ani ni Savannah na umiiyak. Todo tanggi naman ang mga ito dahil wala sa mga plano nila nag nangyari at malinaw na dinagdagan lang ng babae ang mga sinabi niya. "Ikulong niyo na iyan." "Sir! Wala kaming ginagawang kasalanan!" ani ng isa sa mga lalaki. Yumuko naman si Savannah at palihim na ngumisi. Pinatahan naman siya ng ilang officer na babae doon dahil nakikitang takot na takot ito. Kahit ang totoo ay mas kaawa-awa pa ang tyura ng mga r****t at carnapper kaysa sa biktima. Matapos ang ilang statement pinalabas na sina Savannah sa presinto at ng makalayo sila doon. Humagalpak ng tawa si Savannah dahil nag-enjoy siya sa araw na iyon. Hindi naman makapaniwala sina Anthony matapos makita ang side na iyon ng babae. Madalas nila ito nakikita sa building nila at lagi din ito laman ng usapan sa university nila dahil lagi itong nabu-bully. Wala daw kasi itong ginawa kung hindi buntutan ang kapatid o gayahin ito sa lahat ng bagay. Walang may gusto sa babae dahil doon. "Sobrang saya 'non diba!" ani ni Savannah bago nilingon ang tatlo na nagkatinginan na lang. "Hindi ako makapaniwalang pati mga police officer maloloko mo sa arte mo. Iyong totoo ganiyan ba talaga ang ugali mo?" tanong ni Charles na nakataas ang kilay. "Bakit mo tinatanong? Gusto mo din matutong umarte?" balik na tanong ni Savannah bago nakangiti ng malapad na tumalikod. "Alis na ako— bukas na lang ulit," ani ni Savannah bago kumaway habang nakatalikod. Ngunit bago pa siya tuluyang makaalis nilingon niya ulit si Charles na ilang metro lang ang layo sa kaniya. "Happy birthday pala and I hope magustuhan mo ang regalo ko sa iyo," ani ni Savannah na nakangisi bago pinagpatuloy ang paglalakad hanggang sa makarating siya sa sakayan at pumara ng taxi. "Regalo?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD