Nang makarating si Stephanie sa Impero Bar, agad na hinanap ng kaniyang mga mata si Avaluan. Ngunit sa kaniyang pagkadismaya ay wala siyang nakita. Pagtingin niya sa kaniyang relo ay roon niya lang napagtantong madaling araw na. Tiyak na nasa bahay na ito.
Nang maupo siya sa stool kung saan siya palaging nakapwesto ay agad siyang inabutan ng tequila ni Enteng. Nagpasalamat siya rito bago nilibot ang tingin sa dance floor na hanggang ngayon ay buhay na buhay pa rin. Wala sa sariling tiningnan niya ang bawat mukha ng mga tao, nagbabaka sakaling naroon si Avaluan.
“Hinahanap ka kanina ni Ava.” Napatingin siya nang magsalita si Enteng sa likod niya. “Mukhang sinadya ka niya rito dahil umalis siya agad pagkatanong tungkol sa ‘yo.”
“Sinabi ba niya kung bakit?”
Umiling ito. “Umalis agad siya pagkahanap sa ‘yo. At hindi rin maganda ang lagay niya. Ang dami niyang sugat at pasa sa mukha.”
Saglit na napatulala si Stephanie. “Matagal mo na ba siyang kakilala?”
“Madalas siyang magpunta rito kasama ang mga pinsan niya.” May tinuro siya sa kabilang dulo ng bar. “Si Peter. Siya ang madalas kong makita na kasama niya. Sa tingin ko ay siya rin ang pinakamalapit kay Ava.”
Tumama ang tingin ni Stephanie sa binata na kasalukuyang nakaupo sa isang sofa kasama ang dalawa pang lalaki at isang babae. Masaya itong nakikipag-usap sa kanila at halos mapunit na ang labi sa sobrang pagngiti. Hindi maipagkaila ni Stephanie ang pagkakahawig nito kay Avaluan.
Kumunot ang noo niya nang makita ang isang pamilyar na mukha ng lalaki na kasama nito. “Casper?”
“Pinsan din siya ni Ava. Ang mga Ramos.”
Matapos ubusin ang shot ng tequila ay tumayo si Stephanie at lumapit sa pamilyar na lalaki. Isa rin siyang mafio.so gaya niya. Madalang itong magpunta sa bar ngunit minsan na silang magkasama sa isang misyon na bigay ni Francesca. Ngunit sa sobrang tagal na no’n ay baka nakalimutan na siya ng binata.
“Hey,” tawag nito kay Casper. “Can we talk?”
Napatingin silang apat sa kaniya nang ngumiti si Peter nang nakakaloko. “Oh, nice one, kuya Casper.”
Agad siyang sinaway ang pinsan. “Tumigil ka, Peter.” Tumayo siya at lumapit kay Stephanie. “Long time no see, Steph. Kumusta?”
Bahagya silang lumayo sa mga pinsan niya nang mahimigan ang tono ng pananalita ni Stephanie. Kilala siya ni Casper kahit na saglit lang silang nagkatrabaho. At kahit kailan ay hindi nagpaligoy-ligoy ang dalaga. Hindi rin ito mahilig makipagbiruan.
“Pasensiya na. Gusto ko lang sanang itanong kung may contact ka ni Avaluan.” Napaiwas siya ng tingin.
“Avaluan? Ava na pinsan ko?” Tumango si Stephanie. “Bakit? May nagawa ba siya?” Nahihimigan ang takot at pangamba sa boses nito.
“Huwag kang mag-alala. Alam mong off limits ang mga kamag-anak. I just want to ask her if she’s okay.”
Kumunot ang noo ni Casper at saglit na natigilan. “Is it because of her stepfather? Sinasaktan pa rin ba siya ng lokong ‘yon?”
“Stepfather? So, hindi pa siya ang biological father niya. Kaya pala nakapagtatakang ganoon na lang siya tratuhin ng lalaking ‘yon.”
“Ilang taon na ring nangyayari ‘to. Palagi siyang sinasaktan ng ga.gong ‘yon.” Nilabas niya ang kaniyang phone. “Ito ang number niya. Baka sakaling sa ‘yo, eh, makinig siya.”
“Madalas ‘tong nangyayari sa kaniya? Why aren’t you doing anything? It sounds like you also hate her stepfather. And for sure, you have a lot of ways to punish that bas.tard.”
Bumuntonghininga si Casper. “Tama ka. Kung ako ang masusunod, baka matagal na siyang pinaglamayan. Pero pinigilan kami ni Ava na makialam sa pamilya nila. Sabi niya, siya na ang bahala. Ang tanging magagawa lang namin, eh, pigilan ang lalaking ‘yon sa tuwing nalalasing siya at nananakit.”
Napatulala si Stephanie habang nakatitig sa numero ni Avaluan. Kahit anong gawin niyang pagkumbinsi sa sarili ay hindi pa rin niya maintindihan kung bakit ‘yon ginagawa ng dalaga.
Sa panahon ngayon, ang dali na lang magsumbong sa mga pulis tungkol sa ginagawa ng tatay niya. Palagi siyang may sugat at pasa sa katawan, at tiyak lahat ng kapitbahay nila ay alam ang tungkol dito. Miski ang mga pinsan nito ay handang tumulong sa kaniya para matigil na ang pag-aalipusta sa kaniya.
Bakit hindi gumagawa si Avaluan ng paraan para pigilan ang stepdad niya? May dahilan ba ito? Natatakot ba siyang hindi siya manalo sa korte kung sakaling magsumbong siya at mas lalo lang saktan ng kaniyang ama?
Nakauwi na at lahat si Stephanie ngunit marami pa rin ang mga tanong ang tumatakbo sa kaniyang isip. Hindi niya namamalayang iyon lang ang pinoproblema niya noong gabing ‘yon imbis na mag-isip ng plano para sa kaniyang misyon.
What the he.ll is happening to me? tanong niya sa kaniyang isip.