Chapter 5

1377 Words
“Standby,” ani Stephanie sa kaniyang earpiece. “I can see them from here. They’re loading a black van.” “Roger,” sagot ni Wyeth. Pinanood ni Stephanie ang mga lalaking nagkakarga ng mga bag sa isang itim na van. Kasalukuyan siyang nasa ikalimang palapag habang naghihintay ng tamang tyempo para sumugod. Hindi pa sila sigurado kung ilan ang kasama nila. Kailangan nilang malaman ang kinalalagyan ng bawat grupo upang maiwasan ang aberya. Kahit na handa sila sa kahit anong mangyari, mas gusto pa rin nila ang magkaroon ng isang maayos na operasyon. Habang nililibot ang tingin sa buong compound ay napahinto ‘yon sa isang sulok. Naningkit ang mga mata ni Stephanie nang makita ang isang pamilyar na bulto ng tao. Noong una ay hindi niya dapat pagtutuonan ng pansin. Ngunit nang mapagtantong sinasaktan ito ng isa pang lalaki ay kumunot ang kaniyang noo. Tinatanggap lang ng babae ang pananakit na ginagawa sa kaniya ng isang lalaki. Nakayuko lang ito at hinaharang ang mga braso sa kaniyang ulo bilang proteksyon. Halos mamaluktot na rin ito sa sahig nang sipain siya nito sa tiyan. Bumuntonghininga si Stephanie at binalik ang tingin sa mga lalaking patuloy sa kanilang ginagawa. Ngunit muli siyang napabungtonghininga nang hindi na siya makatiis. “Argh!” ingit niya. “What a pain in the a.ss.” Mula sa ikalimang palapag ay tumalon siya sa kabilang bubong. Mabilis ang naging kilos niya hanggang sa makarating siya sa kinaroroonan ng dalawa. Bago pa man masipa ng lalaki ang babae ay sinuntok na ito ni Stephanie sa kaniyang panga. Nagpagulong-gulong ang lalaki hanggang sa tumama ang likod nito sa isang pader. Napaingit ito sa ginawa niya. Sa kabilang banda, napaangat naman ang tingin ng babae sa bagong dating at napaawang ang bibig. “A-Anong ginagawa mo rito?” tanong nito. “Ava, right?” tanong ni Stephanie. “Obviously, I’m here to help.” Naglakad palapit si Stephanie sa lalaki at hinila ito sa kwelyo. Isang malakas na suntok ang ginawad nito dahilan para pumutok ang labi ng lalaki. Matapos ‘yon ay sa ilong naman niya ito pinatamaan kaya halos mawalan na ito ng malay. Bago pa man niya ulit ito masaktan ay isang kamay na ang pumigil sa kaniya. “P-Please, stop!” Napatingin siya kay Ava. “This man’s hurting you, right?” Tumango siya. “Yeah.” “Then, why are you stopping me?” “Lasing lang siya. Hindi niya alam kung ano ang ginagawa niya kaya please, tama na. Baka kung ano pa ang magawa mo sa kaniya. Huwag mo nang saktan ang tatay ko.” Napataas ang kilay ni Stephanie. “This is your father?” Tumango si Avaluan kaya binalik ni Stephanie ang tingin sa lalaking hawak niya. Walang pag-iingat naman niya itong binitiwan kaya napasalampak ito sa sahig. Mabilis na naupo si Avaluan sa tabi ng ama at tiningnan ang lagay nito. Hindi na ulit tiningnan pa ni Stephanie ang dalawa at bumalik na sa pwesto niya. Pakiramdam niya ay nagsayang lang siya ng oras sa walang kwentang bagay. Kung ipinagsawalang bahala niya lang ‘yon ay baka may napala pa siya. “Where did you go?” tanong ni Wyeth. “Just shut some bas.tard up. What do we have?” “Tatlong grupo ang mayroon sa south compound,” sagot ni Froilan. “Isa sa north, isa sa west, at dalawa sa east.” “Do you think we can handle them?” tanong ni Stephanie. “Hindi na dapat tinatanong ‘yan,” ani Wyeth. “Let’s go!” Napailing at napabuntonghininga na lang si Stephanie habang pinanonood si Wyeth na sumugod sa mga kalalakihang kanina lang ay pinanonood nila. Bago bumaba si Stephanie upang tulungan si Wyeth ay napatingin ulit siya sa kinaroroonan ni Avaluan. Wala na silang mag-ama roon kaya kahit papaano ay nakahinga siya nang maluwag. Nabawasan ang dapat niyang alalahanin. Tumalon siya mula sa ikalimang palapag at tumakbo sa isang bubong papunta sa katabing bubong. Nang makarating sa east side ay mabilis niyang pinatumba ang mga kalalakihang naglilibot sa buong compound. Tiniyak ni Stephanie na hindi mabubulabog ang mga ito upang walang makatakas na wala sa plano. Nang mapatumba ang mga ito ay sabay na nagtungo sina Stephanie at Wyeth sa timog na bahagi ng compound kung nasaan ang tatlong grupo. Gaya ng plano nila ay hinayaan nilang makawala ang isa sa mga ito na para bang hindi nila napansin. Isang lalaki ulit ang hinayaan nilang mabuhay upang tanungin. Ngunit katulad lang ng una nilang operasyon ay masyadong matatag ang mga loob nito para magbigay sa kanila ng kahit anong impormasyon. Nang makarating ang cleaners, dumeretso na sina Stephanie at Wyeth sa headquarters upang makausap si Froilan nang mas maayos. Nagtungo sila sa isang private room kung nasaan ang ilan sa mga computer nila. “Patungo siya sa isang subdivision,” ani Froilan matapos ibahagi sa kanila ang kaniyang screen kung saan naroon ang isang mapa. May kulay pulang bilog na tumitibok doon habang gumagalaw papunta sa kung saan. “Isn’t this in Carmella Homes?” tanong ni Stephanie nang mapagtanto kung saan nagtungo ang lalaki. “Malapit ‘to sa bahay ng mga magulang ko.” “Yes.” Gumalaw ang screen at nag-zoom ‘yon. Kinabit nila ang kanilang mga earphone at doon nila narinig ang mabigat na paghinga ng lalaki. Tila napagod ito sa pagtakbo at pagtakas. Mayamaya pa ay nagsalita ito. “B-Boss, na-raid kami. Wala akong ma-contact ni isa sa kanila kaya sa tingin ko ay na.patay silang lahat.” Hindi nila narinig ang sagot ng kausap nito. Ngunit ayon sa pagkakautal ng lalaki ay alam nilang galit ang kausap nito. “W-Wala rin po kaming na-deliver sa mga kliyente. Na-am.bush kami bago pa kami maka—” Hindi na nito natapos ang sinasabi dahil narinig na nila ang malakas na boses ng kausap nito. “Masusunod po.” Nang hindi na ito nagsalita ay bumalik ang tingin nilang tatlo sa kulay pulang bilog sa screen. Imbis na magpatuloy sa loob ng subdivision ay tumalikod ang lalaki. Nang bumilis ang takbo nito, doon nila napagtantong sumakay ito ng taxi. “Papunta na siya sa headquarters nila,” ani Froilan. “Matagal na naming nahanap ang lugar na ‘to pero wala rin kaming nakuhang impormasyon dito. Another dead end.” Gusto sanang balibagin ni Stephanie ang hawak niyang mouse kung hindi lang siya nakapagpigil. “Are you telling me,” ani Stephanie, “that we did all that for nothing?” “Mukhang nakatunog ang lalaking ‘yon,” ani Froilan, “o ang tinawag niyang boss sa plano natin kaya pinaatras siya.” Dahil doon ay naihagis na nga ni Stephanie ang mouse sa pader. Nagkalasog-lasog ‘yon at nalaglag sa sahig. Ngunit bago pa man niya maihagis pati ang keyboard ay nagsalita na si Froilan. “Pero isang bagay ang nakuha natin sa operasyong ‘to.” Napataas ang kilay ni Stephanie. “Ang boss nila o kung sino man ang nag-uutos sa kanila ay sa Carmella Homes nakatira o malapit sa lugar na ‘to.” Napasandal si Stephanie sa upuan at medyo kumalma sa narinig. “You’re right. He was about to go to the subdivision. Pero umatras siya nang makausap ang boss na tinawag niya.” “Mukhang mahihirapan talaga tayong mahanap ang mastermind,” pagsingit ni Wyeth. “He or she is too smart. He can hide well, but not well enough for us.” “Or maybe too scared,” ani Stephanie. “Too scared to get out of his hideout.” Huminga siya nang malalim. “We need to smoke him out. Kung hindi natin siya kayang hanapin, kailangan nating gamitin ang negosyo niya para palabasin siya mismo at magpakita sa ‘tin.” Tumango lang si Wyeth at napatulala, nag-iisip ng plano para sa susunod nilang hakbang. Pero napatingin siya nang tumayo si Stephanie at nag-inat. “I need a drink,” ani Stephanie. “I’ll be back.” Bago pa makaangal si Wyeth ay nakalabas na ‘to ng silid. Nagkibit-balikat na lang siya at sinabi, “Kailangan ko rin ng tulog. Ilang araw na kaming dilat. Good job, Froilan. We’ll contact you once we have a plan.” “Thank you.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD