Napangiti si Avaluan nang irapan siya ni Stephanie. Inaasahan na niya ang naging reaksyon ng dalaga bago pa man niya ito lapitan. Sa hindi malamang dahilan ay nage-enjoy siyang panoorin ang pagbabago ng kaniyang ekspresyon sa tuwing nakikita siya nito.
“You again?” tanong ni Stephanie.
“Grabe, ah?” Naupo siya sa tabi nitong stool. “Ang rude mo talaga.”
Hindi nagsalita si Stephanie at tinungga lang ang kaniyang hawak.
Humarap si Avaluan sa bartender. “Isang shot ng tequila, please. One for me, and one for my neighbor here.”
Napatingin muna si Enteng kay Stephanie bago sumagot. “Right away, ma’am.”
Humarap si Avaluan kay Stephanie. “Ang aga yata natin ngayon? Boy problem?”
“I can say the same thing to you. And no, I don't have any boy problems. I am every guy’s problem.” Nang dumating ang shot ng tequila ay agad niya ‘yong inabot at tinungga. “Thanks for that.”
Akmang aalis na ito nang pigilan siya ni Avaluan. Napatingin si Stephanie sa kamay nitong humawak sa kaniyang braso na agad naman nitong tinggal.
“Sorry,” ani Avaluan sabay pilit na ngumiti. “Gusto ko lang talaga ng makakausap ngayon. At advice na rin kung papalarin.”
“I can’t give people advice.”
“You can just sit with me and listen,” ani Avaluan na nagkaroon ng pag-asa na magagawa niya itong paupuin ulit. “Hindi mo na kailangang magbigay ng advice kung hindi mo talaga gusto. Drinks on me, too!” Tinaas pa niya ang hawak at pinakita sa dalaga.
Napatingin si Stephanie sa hawak nitong baso bago napataas ang isang kilay. “Do I look like someone who can’t afford my drinks?”
Napaawang ang bibig ni Avaluan at naibaba ang baso habang pinanonood si Stephanie na maglakad palabas ng bar. Napabuntonghininga na lang siya bago naupo sa stool at napatulala sa kawalan.
“Another drink, ma’am?” tanong ni Enteng.
Tumango si Avaluan. “Thank you, Enteng.”
“Gusto ko sanang pakinggan ang problema mo pero kailangan kong magtrabaho.”
Napangiti ito. “Palagi mo na lang akong pinakikinggan. Nakakahiya na ang paulit-ulit kong rant sa ‘yo. Pero, thank you.”
“Wala ‘yon. Sino pa ba ang magtutulungan dito, right?” Inabot niya ang isang baso rito. “Here’s your drink. There’s no better friend than a shot of tequila.”
Nang magsimulang dumating ang mga tao ay hindi na halos makausap ni Avaluan si Enteng. But she’s really thankful dahil kahit papaano, alam niyang may pakialam ang binata sa kaniya at sa nangyayari sa kaniya.
Marami siyang pinsan na malapit sa kaniya at pwede niyang masabihan. Pero sa oras na sabihan niya ang mga ito, hindi sila tatahimik. Sa tuwing may nangyayari sa kaniya at sa tatay niya ay halos magwala ang mga pinsan niya. At ayaw na niyang mangyari ‘yon.
Mas gugustuhin na lang niyang sarilinin ang problema. Ayaw na niyang palakihin pa ang gulo. Tatay pa rin niya ang pinag-uusapan dito. Hindi niya kayang mabuhay sa oras na pati ang tatay niya ay mawala.
Matapos ang ilang shots, napagpasyahan niyang umuwi na. Nakaramdam na rin siya ng hilo kaya kahit na ayaw pa niyang umuwi ay wala na siyang pagpipilian pa.
Ngunit halos mapamura siya nang makita ang pinsan na seryoso nang nakatitig sa kaniya. Ayon sa tindig at ekspresyon nito ay hindi ito natutuwa sa kaniyang nakikita.
Pilit na ngumiti si Avaluan. “Hi, Peter. Good afternoon?” patanong nitong bati dahil hindi niya alam kung anong oras na. Ang alam niya lang ay tirik na tirik na ang araw.
“Good? Walang good sa tanghalian ko, Ava.”
Napaiwas ito ng tingin. “May ginawa na naman ba si Jennica?” pagtukoy nito sa kapatid ng binata. Alam niyang hindi magandang idamay ang pinsan sa usapan pero ayaw niyang mapunta sa kaniya ang paksa. Ngunit mukhang hindi siya nagtagumpay.
“Alam kong alam mo kung bakit ganito ang reaksyon ko. Ava—” Napabuntonghininga siya bago nagpatuloy. “ —it’s f**k!ng twelve in the afternoon, ‘tapos lasing na lasing ka na. What the h3ll are you up to?”
Hindi sumagot si Ava.
Nawala ang pagkakakunot ng noo ni Peter nang may napagtanto. “Ah… it’s your f**k!ng father, isn’t it?”
“Peter, tatay ko pa rin ‘yon. Huwag mo siyang pagsalitaan ng ganiyan.”
“Your f**k!ng father is an ab.u.ser, Ava. Kahit na tatay, kapatid, nanay o kung ano mo pa man ‘yan, hindi magbabago ang tingin ko sa kaniya. Kung hindi dahil sa ‘yo, baka ako pa mismo ang nagdala sa kaniya sa kulungan.”
Huminga nang malalim si Avaluan. Para bang nawala na ang pagkalasing niya dahil sa pinsan. “Uuwi na ‘ko kung ‘yan lang ang sasabihin mo.”
“I’m taking you home.”
“No, thanks. I’m taking a cab.” Nagsimula na itong maglakad patungo sa waiting shed.
“Huwag nang matigas ang ulo mo, Ava. Ihahatid na kita.”
“I said, no!” bulalas ni Avaluan. “Hindi ako sasama sa ‘yo at sasakay sa kotse mo para marinig ang ilang minuto mong paninira sa tatay ko.”
Kinagat ni Peter ang ibabang labi para pigilan ang sarili na magsalita. Gusto niyang sabihin na hindi paninira ang ginagawa niya sa tatay nito. Sinasabi niya lang kung ano ang totoo. Pero alam niyang sa oras na sabihin niya ‘yon ay mas lalong hindi sasama sa kaniya ang pinsan. Nakainom ang pinsan niya at hindi ligtas para sa mga kababaihan ang umuwi nang mag-isa.
“Hindi ako magsasalita,” ani Peter. “Promise. Titigilan ko na basta sumama ka na sa ‘kin at ihahatid kita sa inyo.”
Napabuntonghininga si Avaluan bago dumeretso sa parking at sumakay sa kotse ng pinsan niya. Gaya ng sabi ni Peter ay tahimik lang siya buong byahe. Miski si Avaluan ay hindi nagsasalita hanggang sa makarating sila sa bahay.