FERDINAND'S POV: KUYOM ang kamao ko habang pinapanood ko si Laura na sinusubuan ng pagkain si uncle Jacob. "Pinalabas nila ako para magkaroon sila ng oras maglandian." Halos madurog na ang hawak kong bote ng mineral water sa galit. Hindi ako nakatiis, kinuha ko ang yosi ko at sinindihan ko ito habang naghihintay kay Laura. "Excuse me, sir, bawal manigarilyo sa loob ng ospital," sabi ng janitor. "Sorry!" Inapakan ko ito para mamatay. Winalis naman ito ng janitor at saka pinunasan ang sahig. "Putang ina! Bakit ba ang tagal niyang lumabas!" sigaw ko. Kung ako ang masusunod ay hindi ako aalis sa loob ng private ward sa halip ay hahayaan kong mamatay sa galit si uncle Jacob. Iyon naman ang gusto ko, ang mamatay na siya para wala na akong kaagaw kay Laura. Kahit anong mangyari ay kukuni