CHAPTER 39

2024 Words

"Laura!" sigaw ni Timothy habang palapit sa akin. Tumulo naman ang luha ko ng sa wakas ay may balikat akong iiyakan. Kanina pa ako rito na parang mamatay sa sobrang pag-aalala kay Jacob. "Timothy, si Jacob… in-ambush kami nang pauwi kami." Sa unang pagkakataon ay nakita kong naging seryoso siya. "Mabuti na lang at ligtas ka." Tumango ako. "D-Dahil ito kay Jacob." Napaluha ako sa sobrang pag-aalala. Hindi na nagsalita si Timothy nang lumabas ang doktor na nag-opera kay Jacob. "Doc, kumusta ang asawa ko?" Ang ngiti ng doktor ang nakabawas ng pag-aalala ko. "Natanggal ko na ang bala sa katawan niya kaya ligtas na siya." Natanggal ang pag-iisip ko na baka hindi niya kayanin ang tama ng baril niya. "Doc, salamat." Tumango siya at ngumiti. "Ligtas na rin ang tatlong kasama niya."

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD