FERDINAND'S POV: "MAGPAKASAL na kayo ni Amelia," ani Laura sa akin. Nasa isang sikat na restaurant kaming dalawa ni Laura ngayon. Tumawag siya sa akin para sabihin ang susunod kong hakbang. Nakatitig ako sa mukha niya habang nagsalita. Ibang-iba na siya ngayon. Wala na ang Laura na minahal ko noon na sobrang sweet sa akin. Dahil ang tanging laman ng puso niya ay paghihiganti. Nagsalubong ang kilay niya. "Are you listening to me?" Tumango ako. "Yes." "Nakatingin ka lang sa akin." "Hindi ko mapigilan ang sarili ko na hindi kita pagmasdan." Mas lalo siyang sumimangot. "Anong pinagsasabi mo? Makinig ka sa sinasabi." Tumango ako. "Nakikinig ako sa iyo." Hindi niya lang alam sobra-sobra ang panghihinayang ko ngayon dahil hindi ko siya pinahalagahan. Naging kampante ako noon, na kahit