Halos magsalubong ang kilay ni Jacob ng makita niya akong nakabihis. Tatlong araw mula nang ipakulong namin si daddy at ang bago niyang pamilya. Gusto ko silang dalawin sa bilangguan. “Dadalaw ako kay daddy at sa pamilya niya sa kulungan.” “Alone?” Muli niya akong tinapunan ng tingin na tila hindi siya sang-ayon sa plano ko. “Yeah, busy kasi ang asawa ko kaya ako na lang mag-isa ang dadalaw.” Napansin ko ang pagbuntonghiningna niya sabay tingin sa kanyang relong-pambisig. “Hindi ka puwedeng pumunta ng mag-isa. Magsama ka ng bodyguard para mas panatag ang loob ko.” “Bakit hindi mo ako samahan?” “May importante akong gagawin kaysa dalawin ang walang kwentang tao.” Sumingot siya at muling bumalik sa kama at humiga. Nameywang ako na humarap sa kanya. “Busy ka ba sa lagay na ‘yan?” “Y