JACOB'S POV: "GOOD MORNING!" bati sa akin ni Laura. Tinitigan ko siya ng matalim. "What's good in the morning? Alam mo ba kung anong oras na?" Tumabi siya sa akin sa upuan. "Alas-onse pa lang ng umaga." "Tsk! Kanina pa ako nagugutom kahihintay sa iyo." Inis kong sagot. Alas-sais pa lang ay nagising na ako para sabayan siyang kumain ng almusal sa umaga. Kahit ayokong kumain ng almusal ay napipilitan ako dahil sa kanya pagkatapos ay pinaghintay niya lang ako. "I'm sorry!" "Tsk! Ganyan ka ba magising sa mansyon niyo?" "Nang hawak ko ang kumpanya ni mommy ay maaga akong nagigising." Hinawakan niya ang braso ko. "Sorry na 'wag ka ng magalit." Tumayo ako. "Kumain tayo bilisan mo at nagugutom na ako." Nauna akong pumunta sa kusina. Nagsisimula naman kasing hindi maging normal ang t***k