"Laura, mamaya ay sisilipin natin ang pamilya ng daddy mo," wika ni Tita Lourdes. Huminto ako sa kinakain ko upang tumingala sa kanya. "Totoo ba ang sinabi n'yo". "Basta pangako mo na hindi ka gagawa ng kahit ano kapag nakita mo sila." "Naiintindihan ko." Ngunit ang totoo ay may balak akong gagawin mamaya. Manong Guard!" tawag ko sa security guard na nagbabantay sa entrance door ng malaking gate ng mansyon ni Tita Lourdes. 'yon na ang tawag ko sa kanya ngayon. Isang buwan na ako sa loob ng mansyon niya ngunit wala pa rin akong nakikitang pagbabago. Masaya pa rin si daddy at ang pamilya niya sa kayamanan na kinuha nila sa akin. Lumapit sa akin ang security guard. "Bakit Madam?" "Pinapatawag ka ni tita Lourdes." "Sige po, hihintayin ko lang ang isa kong kasamahan at pupunta na ako.