AMELIA'S POV: NAKATAAS ang kanang kilay ko matapos kong muling tawagan si Ferdinand. Kanina pa ako tumatawag sa kanya ngunit hindi niya sinasagot. "Bakit ganyan ang itsura mo anak?" Matamis na ngiti ni Mommy. May hawak siyang wine glass na ang alam ay champagne. Um-attend kami ng party ng isang famous CEO at billionaire na si Jacob Del Monte. Hindi ko pa siya nakikita ng personal pero base sa mga larawan na nakita ko ay masasabi kong guwapo siya at hot. Ewan ko lang ngayon kung gano'n pa rin ang itsura. Ang sabi ni Daddy Alfredo na galing ito sa pagkaka-comatose dahil sa aksidente. Muli akong sumimangot. "Hindi ko matawagan si Ferdinand." "Hayaan mo na ang boyfriend mo. Nakikita mo ba ang nasa paligid n'yo? Lahat ng mga bisita ay mayayaman. Ngayon n'yo gamitin ang kalandian n'yo para m