PINAGMAMASDAN ko ang mukha ko sa salamin habang nakasuot ako ng pulang na gown na umabot hanggang talampakan. May disenyo rin itong mga bulaklak at napapalibutan ng mga bids. tube naman ang harapan kaya lumitaw ang makinis at maputi kong kutis. "You're so beautiful." Bakas sa mukha ng biyenan ko ang paghanga sa akin. Halos lahat yata ng suot ako ay sobrang mahal at syempre nag-makeover ako kanina. Tipid akong ngumiti. "Thank you." "Siguradong magugulat mamaya sila Alfredo kapag nakita ka nilang buhay." Napawi ang ngiti ko. Ilang buwan kong hinintay ang pagkakataon na ito. Ang humarap sa kanila na hindi nakakaramdam ng takot. "Mama, matagal ko ng gustong mangyari ito." Kabahan na silang lahat ngayon. Tinapik niya ako sa balikat. "Hintayin kita sa labas," sabi ng biyenan ko. Tumango