"WHERE are you, Ferdinand?" Inis kong tanong sa kanya nang sagutin niya ang tawag ko.
Kagabi pa kami namin pinag-usapan na sasamahan niya ako sa kumpanya ni Mommy, ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin siya dumarating. Humigit isang oras na akong naghihintay sa kanya.
"I'm sorry, nakalimutan ko ang pinag-usapan natin."
"Kagigising mo lang?" Sinipat ko ang relong pambisig ko. Alas-diyes nang umaga. Alas-otso pa lang gabi at nagpaalam na siya sa akin na matutulog at ngayon ay kagigising lang niya.
"Yeah, masama ang pakiramdam ko."
Napawi ang galit ko sa kanya at napalitan ng pag-aalala. "I'm sorry, hindi ko alam na may sakit ka pala. Gusto mo bang puntahan kita?"
"Hindi mo kailangan gawin 'yan. Kailangan mong pumunta sa kumpanya mo. Huwag kang mag-alala kaya ko naman ang sarili ko"
"Okay, pagaling ka. I love you."
"I love you, Baby."
Huminga ako nang malalim nang matapos akong makipag-usap sa boyfriend ko.
"Laura!" sigaw ni Daddy.
Nilingon ko siya. "Bakit?"
"Anong kawalangyaan ang ginawa mo!" Sabay sampal niya sa akin. Napasubsob ako dahil sa lakas ng sampal niya sa akin
"Alfredo! 'wag mong saktan ang anak mo," wika ni Conchita.
Inalalayan pa niya ako para makatayo.
Sinalubong ko ang tingin ni Daddy. "Ano na naman ba ang kasalanan ko sa iyo?"
Hinagis sa akin ni Daddy ang puting envelope.
"Tingnan mo ang kalandian mo! Ang lakas ng loob mong ipagyabang ang kalandian mo sa mga kamag-anak natin!" Halos maputol na ang ugat niya sa sobrang galit sa akin.
Isa-isa kong dinampot ang mga larawan namin ni Ferdinand sa loob ng condo niya at sa kotse. Nakita sa larawan na naghahalikan kaming dalawa ni Ferdinand sa loob ng kotse gano'n sa condo niya.
Paano sila nagkaroon ng larawan namin? sino ang kumuha ng mga larawan na ito?
"Wala naman kaming ginagawang masama ni Ferdinand—
Muli niya akong sinampal. "Sumasagot ka pa! Pinahiya mo ako sa kamag-anak natin!"
"Naghahalikan lang kami ni Ferdinand at natural na iyon sa magkasintahan. Sino ba ang mas nakakahiya? Hindi ba't kayo!"
"Lapastangan ka!"
Kung hindi umawat sa akin si Conchita ay sinuntok na ako ni Daddy.
"Huwag mong saktan ang anak mo!" wika ni Conchita.
Nagsimulang maging mabait si Conchita nang malaman niyang sa akin lahat pinama ng Mommy ko ang kayamanan niya. Marahil ay natatakot siyang palayasin ko silang mag-anak!"
Dinuro ako ni Daddy. "Tandaan mo! Ako pa rin ang ama mo. Ako pa rin ang may hawak ng kayamanan ng Mommy mo ngayon, kaya ako pa rin ang masusunod!"
Yumuko ako. "Wala kaming ginagawang masama ni Ferdinand."
Tumalikod si Daddy at tuluyang umalis.
"Okay ka lang?" Tanong ni Conchita sa akin.
Hindi ako sumagot sa tanong niya. Isa-isa kong pinulot ang mga larawan namin dalawa. Kailangang malaman ni Ferdinand ito. Imbes na sa kumpanya ako pumunta ay sa condo ako ni Ferdinand pumunta.
Habang binagtas ko ang daan papunta sa condo niya ay may biglang dumaan na aso sa kalsada. Iniwasan ko itong mabangga kaya inikot ko pakanan ang manibela, ngunit may nasagi naman akong sasakyan na naka-park sa gilid ng daan.
"s**t! Puro kamalasan na lang!" Sinubsob ko ang mukha ko sa manibela.
Ilang saglit pa ay may kumatok na sa bintana ng kotse ko. Binuksan ko iyon upang alamin kung sino.
Isang traffic enforcer ang lumapit sa akin. "Miss. Okay lang ba kayo?"
Tumango ako, kahit ang totoo ay hindi naman talaga ako okay.
"Miss, nabangga mo kasi ang sasakyan ni Sir." Sabay turo nito sa sasakyan.
Siguro kung wala akong pera baka humagulgol na ako ng iyak ngayon dahil sobrang mahal ng binangga kong sasakyan. Nayupi ang likod ng kotse niya.
"Kumusta po ang sakay ng kotse?" Hindi ko kasi ito nagpakita.
"Nasa loob ng kotse sandali lang at tatawagin ko." Kinatok ng traffic enforcer ang bintana ng kotse. Pagkatapos ay bumukas ang bintana. Isang lalaki ang nakita kong kausap ng traffic enforcer. Nakasuot ito ng eyeglasses kaya hindi ko makita ang itsura. Lumabas ako ng kotse ko, at saka nilapitan ko sila.
"Excuse me, may hinahabol kasi ako, puwede ko bang malaman kung mangkano ang ibabayad ko sa nayupi mong sasakyan?"
Lumingon siya sa akin. Kahit nakasuot siya ng eyeglasses alam kong nakatingin siya sa akin.
"Alam mo bang masyado kang pabaya?" baritong sabi nito.
Ang boses niya ay bumagay sa tindig, at itsura niya. Baritono ang boses niya at buong-buo."
"Pasensya na, Sir." Yumuko pa ako.
"Two million."
"Ha?"
"You heard me right, two million para sa sasakyang kong nasira."
Alam kong mahal ang pagpapaayos ng mamahaling sasakyan pero masyadong mahal ang hinihiling niya.
"Hindi ko kaya ang hinihiling n'yo, puwede bang bawasan n'yo?"
"The ultimate amount is two million nine hundred ninety-nine thousand pesos. If you disagree, I will sue you in court."
Labag sa loob ko ang maglabas ng malaking pera, pero para matapos na ito ay gagawin ko. Kinuha ko sa loob ng kotse ang blanko check at sinulat ko iyon ng two million pesos."
Nagulat akong ihagis lang nito sa loob kotse niya ang cheke na binigay ko.
"Bakit mo—
Ni-lock nito ang bintana ng kotse saka walang paalam na umalis.
"Ang bastos ng lalaki na 'yon."
Naabutan ko Ferdinand sa kuwarto niya na abala sa pagluluto ng pagkain. Napawi ang lungkot ko nang makita ko sa lamesa na isang bouquet na rosas. Kinuha ko iyon at inamoy ko.
Alam na alam talaga niya kung paano ako pakikiligin.
"Laura?" Gulat na gulat siya nang makita ako.
Lumapit ako sa kanya at niyakap ko siya. "Thank you, paano mo nalaman na pupunta ako rito?"
"Ha? S-Surprise sana ito para mamaya sa iyo kaya lang nandito ka. Failed ang surprise ko para sa iyo."
"Ha? Yes, alam ko kasing malungkot ka."
Ngumiti ako sa kanya."I'm sorry kung nalaman ko ang surprise mo sa akin. Hindi naman failed dahil na-surprise pa rin ako. Thank you, Baby."
"Sandali lang pupunta lang ako ng banyo."
Ngumiti ako. "Sure."
Ang tamis ng ngiti ko dahil para kaming nagdi-date sa mga romantic restaurant. May candles kasi sa gitna ng lamesa. Hindi naman ito magagamit dahil maliwanag pa dahil maaga pa.
"Baby, are you okay?" tanong ko, habang kinakatok ko siya.
Ang tagal kasi niya sa banyo. Ilang sandali pa ay lumabas na siya.
"Bakit ang tagal mo sa banyo?"
"Ano ba ang ginagawa ng lalaki kapag matagal sa banyo?" Pilyo pa siyang ngumiti sa akin.
Namula ang mukha ko sa sinabi niya.
"Kumain na nga tayo." Pag-iiba ko ng usapan.
"Anong nangyari sa iyo bakit hindi ka natuloy sa kumpanya mo?"
Bigla kong naalala ang mga larawan namin. Kinuha ko ito sa bag ko at binigay ko sa kanya.
"Ang gaganda ng mga kuha ng larawan natin sino ang kumuha nito?" Nakangiti pa siya habang isa-isa niyang tinitingnan ito.
"Iyon ang gusto kong itanong sa iyo. Nakarating 'yan kay Daddy at sa mga kamag-anak namin. Ang akala nila may nangyayari na sa atin."
"Ano naman kung malaman nilang may nangyayari sa atin normal lang iyon."
"Hindi iyon ang punto ko. "Bakit may ganyan tayong larawan? Sino ang kumuha ng mga larawan na 'yan at ibigay sa mga kamag-anak ko para siraan ako sa kanila."
"Hindi ko alam."
Seryoso akong tumingin kay Ferdinand. "Hindi ka ba kumukuha ng larawan sa atin?"
Tumawa siya. "Bakit ko naman iyon gagawin?"
"Hindi ko alam, naguguluhan na ako bakit may mga picture tayong dalawa."
"Para matapos ang pag-iisip mo, ano kaya kung magpakasal na tayo?"
"Ha?"
"Kung kasal na tayo siguradong wala ng gagawa ng ganyan dahil mag-asawa na tayo."
Tumahimik ako. "Hindi pa ako handa sa bagay na 'yan."
"Pag-isipan mo ang sinabi ko. Matutulungan din kita sa pagpapalago ng negosyong naiwan sa iyo ang Mommy mo."
"Pero isang taon pa bago ko tuluyan mahawakan ang kumpanya."
"Nasa tamang edad ka para humawak ng kumpanya."
"Wala pa akong bente-uno, iyon ang edad na nakalagay sa testamento kaya habang wala pa ako sa edad na iyon, ngayon pa lang ay kailangan kong pag-aralan ang pasikot-sikot sa kumpanya."
"Tamang-tama kung kasal na tayo sabay natin pag-aaralan ang pagpapalago ng negosyo mo." Niyakap niya ako at muling hinalikan.
"Pag-iisipan ko ang sinabi mo sa akin. Sa ngayon ay kailangan natin i-enjoy ang surprise date mo."
Biglang naalala ni Ferdinand ang niluluto niya, kaya tumakbo sa kusina para tingnan ang niluto niya. "Nasunog na ang niluto ko order na lang tayo ng pagkain."
Tumango bilang pagsang-ayon. Hindi na kasi makakain ang niluto niya dahil sunog na sunog ito.
KINABUKASAN ay nakarinig ako na malakas tunog mula sa phone ko. Agad kong sinagot ang tawag.
"Hello."
"Laura Flores," boses iyon ng isang babae. Narinig ko ba ang hikbi niya sa kabilang linya.
"Ako nga, sino ito?"
"Ako ang asawa ni Attorney. Vegas, binaril ang asawa ko."
Biglang nawala ang antok na nararamdaman ko. Napabalikwas ako ng bangon. "Kumusta na siya?"
"May gusto siyang sabihin sa iyo kaya puntahan mo na siya bago namin siya ilipat sa ibang hospital."
"Sige! sige! Pupunta ako!"
"Hihintayin ka namin."
Nang putulin ng asawa ni Attorney Vegas ang tawag ay nagmadali akong pumunta sa banyo. Minadali ko ang paliligo at hindi na rin ako kumain ng almusal. Paglabas ko ay nakita ko si Daddy at si Conchita sa sala ng bahay. Nagbabasa si Daddy ng magazine, samantalang si Conchita ay humihigop ng kape.
Dire-diretso akong naglakad sa harapan nila, hindi ko sila kinausap.
"Saan ka pupunta?" tanong ni Daddy.
Huminto ako ngunit hindi ako lumingon sa kanya. "Diyan lang sa bahay ng kaibigan ko."
"Sa ganitong kaaga?"
"Alfredo, hayaan mo na siya baka pupuntahan niya ang boyfriend niya," sulsol ni Conchita.
"Okay lang na makipagkita ako sa boyfriend ko, ang mahalaga wala akong sinirang pamilya."
"Laura!" sigaw ni Daddy.
Tinapunan ko sila ng tingin at naglakad ako palabas ng mansyon. Tawag nang tawag sa akin si Daddy ngunit hindi ko siya pinakinggan. Sumakay ako ng kotse ko at pinaharurot ko ito patungo sa hospital.
Nang pumunta ako sa hospital ay gising na si Attorney. Vegas.
"Attorney. Vegas, kumusta na kayo?"
"Laura."
Lumapit ako sa kanya may benda ang ulo niya, braso at paa niya.
"Anong nangyari sa inyo?"
"May gustong pumatay sa akin. Sinundan ang kotse ko at pinagbabaril ako. Kung walang dumaan patrol ng pulis malamang ay pinaglalamayan na ako ngayon. Wala silang balak na buhayin ako."
"Bakit n'yo ako pinatawag?"
Seryoso siyang tumingin sa akin. "Ibibigay ko na sa iyo ang kopya ng titulo ng huling testamento. Ibibigay ko rin sa iyo ang lahat ng hawak kong titulo ng mga ari-arian ng Mommy. May kutob akong dahil sa testamento ni Divina kaya gusto akong patayin."
"Sinasabi n'yo ba na baka si Daddy ang may kagagawan niyan?"
"Hindi ko alam, kaya para makasigurado ako sa kaligtasan ko at ng pamilya ko. Sa ibang bansa kami maninirahan pansamantala. Mamaya lang ay magpapalipat na ako ng ibang hospital, upang mas maging ligtas ako."
"Patawad kung nanganib ang buhay n'yo dahil sa akin."
"Mag-iingat ka 'wag kang basta pipirma sa anumang ibigay sa iyong kasulatan. Ingatan mo ang kayamanan na binigay sa iyo ng Mommy mo."
Tumango ako. "Thank you."
Nang umalis ako ng hospital ay dumiretso naman ako isa sa kumpanya ni Mommy na isang manafacturing. Ang mga produkto nila at mga electronics products, kung saan ang pangunahing ginagawa ay ang mga parts ng computer at laptop. Magmula sa mga ICU, procesor at motherboard ng isang kilalang brand ng computer at laptop. Kami ang nagsusupply ng mga parts ng mga ito.
"Good morning!" Nakangiti ako nang pumasok ako sa kumpanya. Kilala ako bilang anak ng may-ari ng kumpanya na ito ngunit mas takot sila kay Daddy.
Pagpasok ko sa opisina ni Daddy ay nagulat ako sa nakita ko.
"Bakit nandito silang dalawa?" Inis kong tanong.
"Nasa opisina kasi niya ang mga anak ni Conchita."
"Hi! Sister!" Pang-asar pa silang ngumiti sa akin.
Hindi ko sila pinansin sa halip ay lumapit ako kay Daddy. "Bakit sila nandito?"
"Nandito sila dahil magiging parte na sila ng kumpanya."
"Ano!" sigaw ko.
Nakakunot ang noo ni Daddy. "Huwag mong sabihin na magrereklamo ka na naman?"
"Ako ang nagmamay-ari ng kumpanya na 'to. Hindi ako papayag na dito sila magtatrabaho."
"Hanggat wala ka sa edad na bente-uno ay mananatili pa rin ito sa pangangalaga ko."
"Daddy…"
"Ibibigay ko ang posisyon sa iyo bilang Vice President, at Head Manager naman ng Human Resourcess si Amelia, samantalang si Atash ay Senior Supervisor ng Marketing and Finance."
"Aalisan mo ng trabaho ang mga taong nagsakripisyo sa kumpanya na ito para lang sa dalawang 'yan?"
"Hindi ko sila paalisin, bibigyan ko pa nga sila ng tutulong sa kanila."
"Masaya kaming makakasama kasa trabaho Vice President." Pang-asar pa na ngumiti si Amelia sa akin.
Walang paglagyan ang galit ko sa naging desisyon ni Daddy, sa ngayon ay wala akong ibang dapat gawin kung hindi ang hintayin ang araw na maiilipat sa akin ang lahat ng kayamanan ni Mommy.