Chapter 16 - Meeting with My Brother *Milo's P.O.V.* Simple lang naman ang pangarap ko sa buhay, ang makapagtapos ng pag aaral upang makatulong sa pamilya. Halos lahat na ata ng paghihirap naranasan ko na. Maging kahihiyan, paghihinagpis, p*******t at muntikanang ikamatay ko ay naranasan ko na. Kaya di na maitatangging naging manhid na ako upang masaktan pa. Kung baga, kung ano ang natutunan ko sa nakaraan ang syang nagpapatatag sa kin ngayon upang di tablan ng kahihiyan (although, tao pa din ako at naapektuhan) kung baga immune na ako at tanging positibong pag iisip lang ang kinakapitan ko at maging ang tiwala at suporta't pagmamahal ng magulang ang tanging sadalan ko upang malagpasan ito Anyway, hello sa inyo. Ako si Milo Ventura 18 years old, may kaliitan, 5'5 maputi at ewan